Gising na ko .. Wala na siya .. Ano na ba talagang nangyayari sakin? Bakit ganito na lang ang nararamdaman ko? Umupo ako at yakap ang sarili kong mga tuhod habang dumadausdus ang mga luha na Hindi ko mapigilan sa pagtulo.
Kinuha ko ang cellphone sa katabing lamesa,
4:15 am pa lang ang bilis ng oras parang ilang segundo lang kami nagkasama at hinahanap ko na sya. Kailangan ko na bang lumapit sa Psychiatric?
Masyado na ata akong malala,pinunasan ko na ang mga luha at pinatatag ang sarili ko.
Bumangon ako at tiningnan ang sarili sa salamin."Sino ka ba talaga? Bakit lagi ka na lang nagpapakita? Bakit ginugulo mo ko? ..bakit...ganito kasakit para sakin ang iwan ka sa panaginip?..b-bakit??" Napahawak ako sa Dibdib ko dahil sobra akong nasasaktan na kahit pag iyak ko ngayon parang kulang para ilabas lahat, namimiss ko siya pero di ko alam kung bakit.
Ang hirap,
Sobrang hirap.
Gusto ko siyang makita ulit,tanungin lahat ng BAKIT ko.
Napaupo ako sa sahig at yakap ang sarili,ipinikit ko ang mga mata at inaalala ang kabuuan nya,parang matagal ko na siyang kilala at ang sakit na dulot niya.
Ilang minuto kong pinikit ang mga mata ko at walang ibang inisip kundi siya...
"Bakit ka nandito?"
Napamulat ako ng may magsalita ng pamilyar na boses,wala na ko sa apartment ko.Nakatayo ako sa harap ng bagay namin sa Tagaytay,panaginip na naman ba to?
"Bakit ka nandito?" Lumapit sakin ang babae at niyugyog ang balikat ko,laking gulat ko ng makita ang kabuuan ng babaeng nasa harap ko.
"Mama" Si mama, agad ko siyang niyakap ng mahigpit at umiyak sa balikat nya..parang lahat ng sakit ay napalitan ng saya..Dahil nakikita ko ang babaeng matagal ko nang hindi kasama sa reyalidad ko,ang nag iisang kakampi ko sa mundo.
"Mama....d-dito na lang ako" kumalas siya sa pagyakap,napakalinaw ng panaginip na to,napaka ganda parin ni mama at napaka linis ng suot niya..
"Anak Hindi pwede,kailangan mo ng bumalik," nakangiti niyang tugon sakin,at pinunasan ang basa kong mukha,ayoko nang umalis dito,masyadong masakit ang reyalidad at ayoko na dun.
"Kailangan mong harapin ang reyalidad,masakit man kailangan mong maging matapang" ang Boses na yun..napahawak ako sa dibdib ko dahil yung strange feeling na gusto ko siyang yakapin,kahit naguguluhan ako parang alam at kilala siya ng puso ko. Lumingon ako sa likuran at tama nga ko SIYA na nga yun.
"Gusto ko man sabihin kung ano ako ayokong ....."
"ROYAAA!!!" Bigla akong napabangon sa sigaw ni Sica sa tenga ko,bumungad sakin ang umiyak na si Sica..teka anong nangyari?
Bigla nya kong niyakap ng mahigpit habang ako space out parin.
"Hindi mo sinasagot yung tawag ko kaya pumunta ako dito,Roya ano ba talagang nangyayari? You're crying on your sleep Hindi kita magising I thought something bad happen to you" kumalas sya sa yakap at pinunasan ang sarili nyang luha at inalalayan akong tumayo papunta sa kusina.
"Roya please say something naman oh,nag aalala na talaga ko sayo" sabay abot sakin ng baso ng tubig,
Nakatingin lang ako sa kanya,kailangan ko na bang sabihin ang lahat? .. Pero panaginip lang yun baka Hindi niya ko maintindihan .. Pagkamalan niya pa Kong baliw.
Tsaka na lang kapag naliwanagan na ko sa lahat.
Umiling ako at ngumiti sa kanya..
"I'm just having a bad dream Sica,nothing to worry nagiging OA ka na naman" I have to keep everything on me..in this reality .
"Ako pa talagang OA? Sino kayang ang lakas ng iyak habang natutulog? Hahaha" nakitawa na lang ako at ipagpapatuloy ang araw na ito tulad ng normal na araw.
Nasa school na kami ng maghiwalay kami ni Sica,
"Hintayin mo ko mamaya Sabay na tayo umuwi,doon ka naraw mag dinner samin sabi ni Ate" paalala niya sakin bago magtungo sa Department nila.
4 hours lang ang pasok namin ngayon dahil busy ang lahat para sa parating na final exam..
Nang marating ko ang classroom ay walang gaanong estudyante kaya nagsulat na lang ako sa diary ko.
Kailangan isulat lahat ng panaginip na naron siya,baka sakaling may mahanap ako na mensahe.
May gusto siyang sabihin sakin na di niya pwedeng sabihin dahil ayaw nya,ang gulo.."Argg ang gulo" bulong ko, mahirap ba talagang sabihin ang pangalan niya? Ganun ba kacomplicated?
"Yow!ano yan?" Sinara ko agad ang notebook at tumingin sa gumulo ng buhok ko,
"Jasper,bakit?" Tanong ko sa kanya, seatmate ko siya si Jasper Marzena..hilig nitong guluhin ang buhok ko,umupo siya sa katabing upuan habang may lollipop sa bibig.nakabukas na naman ang butones ng uniporme nito at kita ang panloob na panda tshirt
"Ano yang sinusulat mo sabi ko" napatingin na lang rin ako sa diary ko...at hinawakan ito ng mahigpit.
"Wala to mga reviewers lang para sa exam" sabi ko
"Talaga? Patingin nga tsaka pakopya na rin" akma niyang kukunin and notebook buti at mabilis ko itong niyakap,
"Ayoko nga!gumawa ka nang sarili mo .." Sabi ko,pero ngiti lang ang tugon niya,Alam ko nang nasa isip neto,tumayo ako sa upuan habang yakap ang notebook,sinundan naman niya ko habang nakangiti at bigla na lang akong hinabol ng kiliti.
"Hoy tigilan mo ko Jas ! Hahaha Hindi ko ibibigay sayo to!"
"Kikilitiin na lang kita kapalit ng notebook na yan! Hahahaha"
Paikot ikot kami sa loob ng classroom nang mahagip ng mata ko ang lalaking gumugulo sa pagkatao ko nakatayo sa pintuan.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at napahinto sa pagtakbo, at napahawak sa dibdib ko.
Muli kong nilingon ang pintuan,pero wala na siya .. Namamalikmata ba ko?pero nakita ko siya at ang ngiti niya.
"Roya ayos ka lang?"tanong ni Jasper,di ko na siya pinansin at umupo sa upuan ko.
Bakit kailangan mong magpaalala sakin?
Sino ka ba talaga?
Ano ka ba talaga?
(Song for this chapter " Words unspoken")
BINABASA MO ANG
Beautiful Nightmare
FantasiSabi nila lahat ng tao ay may kakambal na spirit guide sa ating mga panaginip,they save us from terrible nightmares and protecting us from evil creatures.In short para silang Guardian Angels but with only one rule... HUMANS ARE FORBIDDEN TO ENTER T...