Parehas kaming napahinto sa pagtatawanan ni Aegues ng makarinig kami ng sunod sunod na pagsabog sa siyudad,
"waaaa zo-zombie!!!"halos mapatalon ako ng ng biglang may mga naglabasang mga zombie sa ibat ibang parte ng nitong daan,ngayon lang ako nakakita ng face to face na mga zombie at sobrang creepy nila !
hinawakan ni Aegues ng mahigpit ang kamay ko at nilagay sa likod niya,ang creepy talaga ng itsura nila,sobrang nakakatakot,kasi mga corpse na halimaw sila at yung iba mga wala ng ulo at mga mata,
"magtago ka sa likod ng mga puno ililigaw ko muna sila bago ka tumakbo at bumalik sa siyudad,"
"paano ka?hindi naman pwedeng--"
"susunod ako pangako" sabi niya atsaka ako nilingon,
"sigurado ka?" natatakot na ko palapit ng palapit yung mga zombies sa amin,nag nod si Aegues at binitiwan na ko.
tumakbo ako sa pinaka ligtas na puno dito habang pinapanood siyang sumugod sa mga zombies,napatakip ako ng bibig ng biglang bumilis ang galaw ng mga zombies...
ibang iba sila sa mga napapanood kong mga movies ang bilis nilang umilag at parang asido ang mga tumutulong dugo mula sa kanila,mga thanox din ba sila?
"Aegues!sa likod mo!" di ko mapigilang hindi sumigaw pinagtutulungan kasi sya at nakapaligid sa kanya kung umatake ang mga zombies,
nkaramdam ako ng malamig na kamay sa balikat ko na nagpatindig sa balahibo ko at nangangamoy bulok,
unti unti kong nilingon ang likd para ---
"waaaaaaaaa! nasipa ko ang zombie sa sobrang gulat at takot wala na kong ibang naisip kundi ang tumakbo nakakakilabot ang itsura niya,
teka si Aegues!
kailangan ko siyang balikan pero sabi niya bumalik na raw ako,
wala naman akong kwentang kaibigan kung iiwan ko sya pero nangako siyang susunod dia?
ano na bang gagawin ko? napasabunot na lang ako habang pabalik balik sa paglalakad,
"hoy!tara na!" at bigla na lang may nanghila sa akin at tumakbo,
Si Kaiara,saan kami pupunta bakit parang inis na inis na naman siya?
puno rin siya ng dugo at tagaktak ang pawis sa mukha niya,
"Si Aegues!" pigil ko sa kanya sa pagtakbo,inirapan niya lang ako at kinaladkad palayo,
nilingon ko ang daan sa direksyon ni Aegues,
"sana maging maayos ka kahit wala ako"bulong ko habang patuloy parin sa pagtakbo,
Nakarating kami sa siyudad na parang naging isang malaking battlefield,
puro pagsabog ng ibat ibang kapangyarihan ang dumadagundong sa buong paligid,at digmaan sa himpapawid ng mga dragon nakita ko rin si Blue na nakiipaglaban sa itim na dragon,
tuloy lang kami sa pagtakbo ni Kaiara at kanina pa siya nagmumura tuwingmay madadaanan kaming Thanox at walang hirap itong pugutan ng ulo,
huminto kami sa isang eskinita at habol habol ang paghinga,
"Ano bang nangyayari?" hingal na hingal kong tanong at nakahawak sa tuhod kong nanginginig parin,
"manahimik ka nga!buwisit talaga walang nandito na naman sila" hingal na sabi ni Kaiara habang nakasilip sa labas,
"Kaiara--"
"Sabing manahimik ka diba? sa tingin mo tatakbo ako kasama mo kung alam ko?!"bakit ba siya nagagalit sa kin?,
BINABASA MO ANG
Beautiful Nightmare
FantasySabi nila lahat ng tao ay may kakambal na spirit guide sa ating mga panaginip,they save us from terrible nightmares and protecting us from evil creatures.In short para silang Guardian Angels but with only one rule... HUMANS ARE FORBIDDEN TO ENTER T...