chapter 19

88 3 0
                                    


Lowi Pov

"Hindi ba kayo nagtataka sa dami ng lugar na puwedeng ikulong ang mga dreamcatcher,..sa sentro pa nila ginawa?" Nakakunot na tanong ni Kaiara,

Inasahan ko ng magtataka talaga sila nakapagtataka nga naman kasi talaga,matalino si Dalox kapag may bihag siya pinapahirapan niya lahat at puwede niyang ipatapon sa empyerno o di naman kaya ikulong sa loob ng palasyo,

"Nung napuntahan namin ni Riku ang lugar marami talagang nakabantay at kung titingnan ang mapa ng sentro nasa pinakadulo ang gusali na kinaroroonan nila" sabay turo ko sa direksyon ng mapa,

Parehas nila kong tinitigan ng ilang segundo,may nasabi ba ko?

"Lowi"matalim ang mga tingin ni Kaiara,

Umayos ako ng upo saka tinaas ang kamay na sumusuko,

Anong problema ng mga to,para na kong kakainin kung makatingin,

"Nakasama mo si Riku?" pati si Aegues matalim na rin ang tingin sa akin,

Hindi ko ba nasabi sa kanila na nagkita na kami nila Riku? Oo! Nga pala! Wala pa silang alam!!

Lowi naman talaga napakadaldal mo!! Nakakatakot na ang tingin nila sa akin bakit ba kasi hindi mapigilan sa kakadaldal itong bibig na to eh,

"Baka may gusto kang sabihin?" Nakapagdekwatro na tanong ni Kaiara,

Napalunok muna ako ng ilang beses bago sila tiningnan,hay naku mauubusan kami ng oras kung idedetalye ko pa lahat,

"Saka na kayo magtanong tungkol kina Riku,nakalimutan ko lang ikuwento sa inyo,...ang importante ngayon ay makuha natin ang mga dreamcatcher" tumango si Aegues at binalik ang tingin sa mapa inirapan naman ako ni Kaiara,mabuti na lang nakumbinsi ko hayss,...

"Sasakay tayo ng tren papunta sa lugar makikisabay lang tayo sa mga tao na nandoon at wag kayong aatake hangga't hindi pa oras" paliwanag ni Aegues,

"Hindi ko maipapangakong hindi ako gagawa ng ingay kung kinakailangan,...may ibang kutob talaga ako sa mga nangyayari,"
Nakapangdekwatrong tanong ni Kaiara,

"Wala na ba tayong ibang plano? Ganun lang?"tanong ko at saka tumayo,

"Manatiling buhay ang lahat kasama ang mga dreamcatcher,yun ang plano" nakangising sabi ni Aegues,

Sakto namang lumabas na ng kwarto sina Roya at Haku,

Kumaway agad ako sa kanila,
Ang lahat ng nangyayari ay may ugnay kay Roya at sa nakaraan ng emperyo at inaalam ko pa ang buong pangyayari,hmm..

Mapungay ang matang lumapit sa amin sina Roya saka umupo at tiningnan ang mapa,

"Aalis po kayo?"tanong ni Haku,

"Maghahanda na ako" paalam ni Kaiara bago pumasok sa kuwarto,tatlong kuwarto lang ang meron dito sa bahay at inokupa ng masungit na babae na yan ang kuwarto ko,kaya minsan sa sala o di kaya sa kuwarto ako ni Aegues natutulog , kawawa ako diba? Hahaha pero ayos lang minsan lang din naman ako matulog hahahahaha..

"May importante lang kaming pupuntahan at sa pagbalik namin dala ko na ang surpresa ko para sayo" ngiting paliwanag ni Aegues habang nakayakap sa kanya si Haku,

"Wag kayong magpapasok ng kahit na sino dito at wag din kayong lalabas kung hindi kinakailangan" pagpapaalala naman niya kay Roya,tumango lang siya at kinuha si Haku kay Aegues,

Ganun lang yun? Hindi na siya magtatanong kung saan kami pupunta? Pambihira...

Umalis na muna ko at iniwan silang tatlong nag uusap,bago ako lumabas ay muli ko silang sinulyapan,

Beautiful NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon