"Wag nyong patakasin yan!!"
"Bumalik ka dito!!!magnanakaw!!"
Sigaw ng mga kalalakihan na humahabol sakin may mga dala silang palakol,kutsilyo,at ibang matatalim na bagay, Hindi ko alam kung San pupunta napakarami nila ..
Ano bang kasalanan ko sa mga to? Takbo lang ako ng takbo nakakatakot kasi sila ang lalaki pa naman ng mga katawan ng mga to,compared mo sa nanliliit Kong katawan huhuhu ..
Pumasok ako sa isang kwartong Hindi ko maexplain kung classroom ba,para kasing imbakan ng bigas .. Ayy !! Bahala na ayoko pang mamatay sa mga bouncer na yun!
Nagtago ako sa loob ng sako ng bigas buti na lang talaga maliit ako, sana naman di nila ko makita dito,
"Hanapin nyo! Dito lang sya dumaan!"
"Pag nakita ko talaga yung babaeng yun puputulin ko talaga lahat ng daliri nya sa kamay!"
Shocks ayoko na.. Ang brutal naman nila mag isip sakin,ano ba kasing ninakaw ko? Tinakpan ko ang bibig ko para Hindi makagawa ng kahit anong ingay,sana naman umalis na sila kelan ba kasi to matatapos?..
Nang wala na Kong naririnig na ingay mula sa labas ng kwarto,dali dali akong lumabas sa sako teka wala pala kong suot na sapatos? Kaya pala ang lamig hayys makaalis na nga dito ..
Ano bang lugar to? Parang ang tagal ko namang magising, ang gulo pa ng buhok ko..lumabas na ko ng kwarto at naglakad lakad bago pa ko makita nung mga bouncer na maton na yun.
"Wag kayong titigil hanggat Hindi nakikita yung babae!!"
Napahinto ako sa paglalakad dahil sa mga yabag ng paa paakyat sa hagdan kung nasan ako .. Ano nang gagawin ko? Makikita na nila ko baka di na ko magising! Gusto ko pang bumalik!!
Gusto ko ng magising!!
"Wag kang maingay" bulong ng lalaki sa likuran ko,nakatakip ang kamay nya sa mata ko at napakalapit nya sakin, hinila nya ko papasok sa madilim na kwarto, Hindi ako makagalaw parang nagfreeze ng kusa ang katawan ko.. Sino to?
"Magtago ka sa ilalim ng lamesa,ako nang bahala sa kanila" utos ng stranger guy sa harap ko sinunod ko ang utos nya at niligaw nga nya yung mga nanghahabol sakin.
Sino ba sya? Bakit parang ang laki ng tiwala ko agad sa kanya?
Isang estranghero na sumagip sakin sa isang bangungot.This is strange.
Biglang parang bumilis ang lahat tulad ng mga ordinary Kong panaginip , tumagal raw ako sa lugar na yun kasama ng lalaking sumagip sakin.
Naglalakad kaming dalawa sa pampang ng dagat,ang weird ng panaginip ko na to pero sobrang saya ang nararamdaman ko lalo na pag tumatawa sya pakiramdam ko ang liwanag ng lahat, at parang ayoko mg magising,this will be my memorable dream,
Matangkad sya,black na buhok,at maganda ang hubog ng katawan,tinuturuan nya raw ako ng ibat ibang bagay. Ang bait at gentlemen sya,pero di kasing linaw ng paligid ang mukha nya,blurred ito tulad ng iba.
Hindi ko mapigilang makalimutang nasa panaginip lang ako dahil sa kanya,pwede bang dito na lang ako?
Napapraning na ko shocks,Dinala nya ko sa isang ilog ang linaw ng. Tubig hawak nya ang kamay ko at umakyat kami sa bakal na bridge,parang daanan yun ng mga sasakyan tapos doon kami nanood ng paglubog ng araw at mabilis na pag agos ng tubig,
Hinarap nya ko sa kanya at nakita ko ang lungkot sa mga mata nya,hinawi nya ang buhok kong nililipad ng malamig na hangin at ngumiti,kailangan na bang magpaalam?
Isang dampi ng halik sa king noo ang binigay nya,ramdam ko ang lungkot sa kanyang presenya,kakaiba to dahil parang aware sya na kailangan ko ng umalis at iwan sya,
Napakalungkot ng sobra, sumisikip ang dibdib ko at para gusto Kong umiyak,tiningnan ko ang kabuuan nya gusto Kong maalala ang lahat sa paggising ko,nahihirapan akong huminga isipin ko pa lang na .. Sa panaginip na to Alam ko nahuhulog na ko sa kanya,
Hawak nya ng mahigpit ang kamay ko habang nakatingin kami sa mabilis na agos ng tubig.
Hinigpitan nya ang hawak sakin kaya napatingin ako sa kanya,sumilay ang maganda nyang ngiti at lungkot sa kanyang mga mata,at sinabi nya ang mga salitang naghatid sakin sa reyalidad kasama ng sakit at lungkot."Tulad ng mabilis na agos ng tubig,paggising mo mabilis mo rin akong makakalimutan"
BINABASA MO ANG
Beautiful Nightmare
FantasySabi nila lahat ng tao ay may kakambal na spirit guide sa ating mga panaginip,they save us from terrible nightmares and protecting us from evil creatures.In short para silang Guardian Angels but with only one rule... HUMANS ARE FORBIDDEN TO ENTER T...