Madilim parin ang palogid ng bahay pagpasok ko,nasa kusina naman si Kaiara at seryosong nakatitig sa kumukulong tubig malalim ang iniisip,hindi nga napansin na dumaan ako sa harap niya,ano pa nga bang bago sa pakikitungo niya sakin? lagi naman akong hangin sa paningin niya eh,
naglakad na ko patungo sa kuwarto namin ni Haku ng bumukas ang kabilang pintuan sa kabilang kuwarto ni Lowi,
"oh Roya,saan ka galing?nauna si Aegues umuwi sayo akala ko magkasama kayo"diretsong tanong ni Lowi ng makalabas ng silid,ang laki ng eyebags niya at mukhang kulang siya sa tulog,pumapayat na rin siya..
"magkasama kami kanina...okay ka lang ba Lowi?"
"ahmm..o-oo naman,hahaha may pupuntahan pa kong kaibigan,Si Aegues pala--"
"ganun ba? sige mag ingat ka ha" nakangiti kong putol sa sasabihin niya,ayoko munang pag usapan ang tungkol sa lalaking yun,tumango siya at nagtungo na sa pintuan,pero bago siya lumabas huminto muna siya at tiningnan ako,....
may nangyari bang di ko na naman alam? ang weird kasi ng tingin niya sakin,
nag wave ako ng kamay para magbabe kay Lowi bago siya lumabas..
hayyss..napagod ako sa gabing to ah,gusto ko ng mahabang tulog para harapin sa paggising si Aegues itatanong ko na rin sa kanya kung kailan kami pupunta sa Dalox na yun,
kailangan kong makaalis ng maaga sa mundo nila hindi na puwedeng maghintay na lang ako ng matagal dito,baka may mangyari pang masama kapag nagtagal ako..
dahan dahan kong pinihit ang door knob ng kuwarto namin ng mapatigil ako sa paggalaw,
naririnig ko ang boses ni Aegues sa loob,tumigil muna ako para pakinggan kung anong pinag uusapan nila ni Haku,
"masakit pa ba ang pakpak mo?"boses ni Aegues,
"konti na lang po,nagtataka ako kuya Aegues kasi hindi umeepekto ang kakayahan kong magpagaling dito sa Yolem"
"normal lang yan sa lugar na ito,may mga kapangyarihan kang hindi mo magagamit dito isa yun sa mga kapangyarihan ni Dalox na nilagay niya para madaling makagawa ng masama"
"kaya pala..kuya alam ko na! kantahan niyo po ulit ako tulad ng dati sa granville para madali akong makatulog hehehe"
isasara ko na sana ng tuluyan ang pinto ng marinig ang boses ni Aegues na kumakanta,
may kakaibang sakit na naman akong nararamdaman....tulad ng dati,
"matayog na bituin habang nagniningning
nais kong marating maabot ang hangarin
sa tulong ng hangin...aking liliparin
patungo sa daigdig na ikaw ang kapiling"
ang lungkot ng kanta at boses ni Aegues,ano bang nangyayari sakin?bakit ang lakas ng epekto niya sa pagkanta lang?...ramdam ko ang lungkot at sakit,ganito rin ang naramdaman ko ng una ko siyang makita sa panaginip,
"aking bathala ako'y nagsusumamo pananlangin ko na sana'y magtagpo..
buksan ang yong pusong tahanan ko sabay mangangarap sa bagong mundo,
hahagkan ang umagang magbibigay ng liwanag sa mga yapak mo
na aking susundan.."
pakiramdam ko narinig ko na yung kinakanta niya saan ko nga ba unang narinig ang kantang yan?...saan nga yun? sa Earth siguro...sobrang lungkot,
yung lungkot na matagal mo ng tinatago na sa sobrang tagal ay gusto mo na lang iiyak ang lahat,ganung sakit ang dala ng kanta niya..
dala ata to ng pagod at nangyari sa amin kanina,hindi muna ko papasok sa loob magiging awkward lang kami sa isat isa,bibigyan kko muna siya space at nasa loob si Haku ayokong madamay ang bata sa aming dalawa,
BINABASA MO ANG
Beautiful Nightmare
FantasySabi nila lahat ng tao ay may kakambal na spirit guide sa ating mga panaginip,they save us from terrible nightmares and protecting us from evil creatures.In short para silang Guardian Angels but with only one rule... HUMANS ARE FORBIDDEN TO ENTER T...