Chapter 8

128 6 0
                                    

Kinaumagahan nagising ako sa pag galaw galaw ni Blue,kinusot kusot ko ang mata bago bumangon..nalaglag mula sa likod ko ang isang jacket..ito yung jacket na bigay ni Aegues ah! pano to nandito? pag kakaalala ko naiwan to sa Granville kasi nilabhan ko..

tumayo na ko at hawak ang jacket,nandito pa rin kami sa lumang simbahan..

so hindi panaginip lahat ng nangyari kahapon? napabuntong hininga ako at tiningnan ang paligid, 

si Blue lang ang nandito habang dinidilaan ang sarili,nililinisan niya ata ang sarili niya...napangiti ako dahil mukhang maayos na siya ngayon,

may sinag na rin ng araw kahit weird ang kulay ..

"nasaan si Aegues?"tanong ko kay Blue,tinitigan lang ako nito,as if naman magsasalita siya Roya..

Hindi parin ata okay si Aegues ngayon,mukha talaga siyang problemado kahapon..

yung mga sugat nga pala niya! nagamot niya na kaya? ang tigas kasi ng ulo e hayss..

tinitigan ko na lang ang jacket siya siguro ang naglagay nito sa akin kagabi,

"Roya"napalingon ako sa nag salita..si Aegues,kakapasok niya lang sa simbahan at nakangiti na siya..para namang kiniliti ang leeg ko ng tawagin niya ko sa pangalan..

nakangiti siyang lumapit sa akin habang may bitbit na bag,pero kita ko pa rin sa mga mata niya ang lungkot..ngumiti na lang ako ng kaunti

omegesh! hindi pa pala ako nakakapang hilamos!

"D-dyan ka lang!"pagpipigil ko sa kanya at umatras ako palayo ..shocks amoy imburnal pa ko!

tumigil din siya sa paglalakad at tiningnan ako na nagtataka..

"h-hindi  pa ka si ako nakakapaghilamos,h-hindi mo magugustuhan ang amoy ko" nakayuko kong sabi para di niya mahalatang namumula ako..

narinig ko siyang nagchuckles at bago ko pa malaman nasa harapan ko na siya at natatawa sa itsura ko..

tinakpan ko na lang ang bibig kong pang horror ang amoy..nakakagulat naman kasi tong lalaking to,hindi marunong makinig! palapit siya ng palapit sa akin at paatras ng paatras naman ako, 

"oh! sa likod mo!"sigaw niya na kinagulat ko at agad niya kong hinila palapit sa kanya..

dugudugudug

dugudugdug

omgeshhh !! waa naririnig ko ang tibok ng puso niya!! waaa ang tigas ng dibdib  niya kyaaaa ~~~

lumayo agad ako sa kanya at tiningnan kung ano yung nasa likod ko, 

"bakit ka kasi umaatras? muntikan ka na tuloy mapahamak sa kahoy na to" sabi niya at pinutol ang matulis na kahoy.. kung hindi niya ko hinila siguradong mukha na kong barbecue na tinuhog..

"sorry naman ikaw kasi e!" sigaw ko .. ang pula ko na talaga promise!

"ayos ka lang ba?" tanong niya,bumuntong hininga na lang ako at inayos ang sarili para di niya mahalatang  nagpaparty na naman ang mga lamang loob ko,

"o-oo,ayos lang....ikaw ba ayos na bang pakiramdam mo?"pagbabalik ko sa kanya ng tanong,halos mapraning na rin ako kaiisip sa mga sugat niya kagabi ah!

umikot siya sa harap para ipakita na maayos at magaling na siya,lumaki naman ang mata ko at di napigilang hawakan ang kamay at braso niya,nawala na kasi yung mga sugat niya..papagaling na lahat!! wow !!!

"magaling na ko kaya hindi ka dapat mag alala haha"ngiti at mayabang niyang sabi..

"te-teka pano nangyari yun?"nagtataka kong tanong ko,kagabi lang kasi hindi mapigil sa pagdurugo ang mga sugat niya,pano nangyari to?

Beautiful NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon