Chapter 18

104 5 3
                                    

Kaiara Pov

Pinakawalan ko tatlong kunai at walang mintis itong tumama sa pinaka gitna ng puno,pagkatapos ay tumalon ako bago ipikit ang mata para pakiramdaman naman ang mga susunod pag atake galing sa mga patibong na ako mismo ang may gawa,

Hinarang ng espada ko ang mga malaking bato at hinati ito sa gitna,pagkalapag sa lupa sinubukan ko namang gumawa ng barrier para sa malaking pagsabog na magaganap,

Inihanda ko na ang sarili ng sunod sunod na sumabog ang mga bomba sa ilalim ng lupa at isa isa itong iniwasan habang tumatakbo papunta sa pinakasentro para itarak ang espada ko,bilang pagwawakas ng pag eensayo,

"Kulang..pa" hindi pa sapat ang pag eensayo ko dito sa gubat,mas malakas naman ako sa mga thanox na sunod sunuran sa walang kwentang hari nila,...pero napakarami ng mga pesteng yun hindi ako mamatay sa armas mas ikamamatay ko ang pagod,..kaya kulang pa,

Pinahiran ko ang mga tumutulong pawis kailangan ko pang mag ensayo,.. habang wala pang impormasyon kung nasaan ang palasyo ng hayop na yun,tsk

Ibabalik ko na sana ang barrier ng makita ko si Roya na palapit sa direksyon ko,

"Hulaan ko ikekuwento mo naman kung gaano ka kasaya noong nakaraang gabi" bungad ko ng tuluyan siyang makalapit,ipinatong ko ang siko sa espada mula kasi noong nakaraang gabi palagi na lang siyang nakangiti,minsan nga kahit wala namang nakakatuwa basta mag isa siya bigla na lang siyang tatawa,

Sa madaling salita.....praning,

"Hindi no,may hihingin lang sana akong pabor" tsk ayan na naman siya sa pangiti ngiti niya ano bang pinakain ni Aegues sa babaeng ito?...kung dati hindi makalapit sa akin ngayon naman pakiramdam niya sobrang lapit na namin sa isat-isa,

"Oh ano naman?"

"Turuan mo ko....Ituro mo sa akin lahat ng tungkol sa pakikipaglaban" seryoso niyang sabi,

hinigit ko ang espada at tinalikuran siya,

"Seryoso ako Kaiara! Wag mo naman akong talikuran"

Patuloy ako sa paglalakad habang nakasunod siya sa akin,

Pinagloloko ba ko nito? Katawan niya pa lang hindi na kakayanin ang pagod at lakas na kailangan sa pakikipaglaban,at ako pa talaga gusto niyang magturo? Nakakabilib din tsk,

"Kaiara sige na pumayag ka na ..pangako hindi ako magiging pabigat sa iyo,Kaiara sige na please?payagan mo na ko"

huminto ako sa paglalakad at hinarap siya na nakataas ang kilay,seryoso ang mukha niya at determinado ang mga mata,

"Hindi kakayanin ng katawan mo" nakapamewang kong sabi,

"Hindi mo pa nga nasusubukan,hindi porket maliit lang ang katawan ko mahina agad"

"Malamya kang kumilos"

"Kaya kong maging mabilis"

"Mahirap ang pag eensayo at baka sumuko ka agad"

"Kakayanin ko"

"Bakit ba kasi ako pa ang napili mong guluhin para matuto? Nandiyan naman sina Lowi lalo na si Aegues tsk tsk "

Napailing na lang ako at hinihintay ang sagot niya,mag kaayos naman na sila nung Aegues na yun bakit sa akin lalapit tsk ...

"Kasi....ikaw lang ang kilala kong makakaintindi sa akin" nakatungo niyang sabi,kumunot ang noo ko at binaon sa lupa ang espada para patungan ng kamay,

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kung si Lowi ang pupuntahan ko siguradong tuluyan na siyang hindi makakapagpahinga, magiging istorbo lang ako"

Beautiful NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon