Chapter 20

94 2 0
                                    


"Waaaa !!! Aeguessss !!"

Nagkaroon ng maraming liwanag ang lugar at Patakbong yumakap sa akin si Yachi,

Nakaawang lang ang labi kong nakatingin  sa kanilang lahat wala akong masabi,bakit sila nandito?

Gulat parin ako sa biglaang pagsulpot nilang lahat ano bang meron?

Bumitiw ng yakap si Yachi saka muling bumalik sa tabi ni Ichiriku,nakangiti silang lahat kasama rin nila ang mga Osouf,..

"N-nandito kayo...p-pero akala ko--"

"Akala mo nandito ang mga dreamcatcher at dapat ay sasagipin mo sila hehehehe palabas lang lahat gusto ka namin surpresahin hahaha" pumapalakpak na sabi ni Yachi,

Napalitan ng saya ang pag aalala ko mula kanina,

"Kung ganoon si Lowi --"

"Hahaha alam ni Lowi ang plano saka naligtas na namin sila" nakangiting sabi ni Ichiriku,

Lumipat ang tingin ko sa mga bagong pasok sa gusali,

Lalong tumirik ang mata ko ng ang mga bagong dating kasabay nina Lowi at Kaiara,

Ako na ang tuluyang lumapit at mahigpit na niyakap sina Nana Milan at ibang dreamcatcher,

Sobrang saya ko na nandito na sila at mukhang maayos naman ang lagay nilang lahat,

Hinagod ni Nana Milan ang likod ko at kumalas na sa yakap,hindi ko na matanggal ang ngiting kanina ko pinipigil,ngayon nandito na sila gumaan na ang pakiramdam ko..

"Salamat sa bathala at ligtas kayong lahat" ngiti kong sabi habang nililibot ang tingin sa kanila,

Salamat sa diyos hindi niya parin ako iniiwan at dininig niya ang panalangin ko,

"Salamat din sa mga kaibigan mong handang tumulong sa mga katulad namin..maraming salamat" bumaba ang tingin ko kay Nana Milan na masuyong minasdan isa isa sina Yachi,

"Wala po yun hehehe Yun po ang trabaho ng Deity Society ang tumulong,...at mas lalo pa pong lalakas amg loob namin kung babalik na ng tuluyan si Aegues bilang lider ng samahan" sagot ni Yachi, natuon ang atensyon nilang lahat sa akin,

Ang Deity Society masaya akong buo parin sila hanggang ngayon,pinagpapatuloy parin nila ang tungkulin ng samahan kahit na wala kami mga lider nila..tinuturing parin nila akong miyembro kahit na matagal na panahon akong nawala,nakakagaan ng pakiramdam..

"Bumabalik na ko bilang lider niyo ipagpapatuloy natin ang nasimulan at tatapusin ang kasamaan" matapang kong tugon,

Narinig kong umuungol na ang mga osouf at naiiyak ang ilan wala paring pinagbago ang lahi nila hahaha masyado paring emosyonal,

"Yey!!!! Talaga?!!! ANg saya !! May makakausap na rin ako maliban sa nagyeyelong Riku na yan hmp" tatalon talon na sigaw ni Yachi habang nakakapit sa braso ko,nagkamot lang din si Ichiriku saka ako sandaling niyakap,

"Salamat Aegues"bulong ni Riku,

"Hindi,maraming salamat sayo hindi mo sila pinabayaan"Sagot ko saka niya inilayo ang katawan,

Matagal ko silang naging kaibigan dito sa Yolem at matagal rin na panahong hindi ko sila nakita dahil nga pinagbawal noon ni Pheme na bumalik ako dito hanggat hindi ko pa makontrol ang kapangyarihang itim,

Masaya ako sa ngayon at nabubuhayan ng pag-asang maibabalik ang lahat ng nawala sa akin,

Bumaba ang tingin ko kay Nana Milan ng hawakan niya ang kamay ko at bigla na lang huminto sa paggalaw ang paligid,umiilaw ang kamay niyang nakahawak sa akin,naguguluhan ko siyang tiningnan ng mawala ang mga ngiti sa kanyang labi,..

Beautiful NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon