••••••••••••••••"Sana magising na siya tatang"
Unti unti Kong binuksan ang mata ko dahil sa maliit na boses na yun,at ang sinag agad ng araw ang tumama saking mukha,hindi na ganon kahapdi at bigat ang pakiramdam ko kaya madali na itong ikilos,naramdaman kong may pumipindot sa pisngi ko kaya umayos ako ng pagkakaupo kumurap kurap,"Gising na siya tatang! Dali tingnan mo!"
Tumambad sakin ang isang batang may pakpak ng ibon at patulis ang tenga kulay pink ang mata kakaiba ang itsura niya,kasama ng isa pang matandang katulad nya ng itsura,puro matataas na puno ang naka paligid sa amin at ibat ibang kulay ang mga dahon,
"Ahhhhhh!!!!" Napasigaw ako nag magflashback sakin lahat ng nangyari bago ako mawalan ng malay, di kaya????? Nakuha nila ko tapos kakampi nila tong mga unknown creatures na to?!!pinag babato ko sila ng kahit anong nahawakan ko dahilan para lumayo sila at magtago sa kalapit na puno,
"Ahh!!wag kayong lalapit sakin!!" Bakit may mga ganitong engkanto!? Patay na ba ko? Nanaginip parin ba ko?pinulot ko ang kahoy,oras na para magising at pinukpok sa ulo ko ang kahoy ng napaka lakas,
"Aray!" Walang nangyari? Nandito parin ako? Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit ng impact,bakit?paanong nandito nga ko?
"Tatang nakakatakot pala ang mga tao"sabi ng batang ibon,kaya Tumayo ako ng maayos at tinutok sa kanila ang kahoy, baka kakainin nila na ko!?
" Wag niyo Kong lalapitan!kung ayaw niyong masaktan!" Hingal na hingal Kong sigaw sobrang kinakabahan ako at nandito parin ang takot,Paatras ako ng paatras sa kanila sinusubukan akong lapitan nung matanda pero aatras din ito pag iwinawasiwas ko ang kahoy,natatakot na talaga ko sa bangungot na to,
"Diyan lang kayo!!"nang medyo malayo na sila dahan dahan Kong nilapag ang kahoy at nagready sa pagtakbo,..ngunit isang hakbang patalikod pa lang ay tumama na ko sa isang lalaki dahilan para matumba at mapaupo ako,
Papatayin nila ko,napahawak ako sa sariling ulo at napayuko na lang..Hindi na to panaginip,natatakot ako gusto ko nang magising..
Naka ramdam ako ng kamay na nakapatong sa ibabaw ng ulo ko
At ang matinding kuryente na dala nun,bago pa ko makapagsalita nasa harap ko na siya habang nakangiti,Ayaw maalis ng mata ko sa kanya,nasa harap ko na ang lalaking nagpagulo sa panaginip at reyalidad ko,kumalma ang buo Kong katawan at sinasabi nitong ligtas ako.Unti unting nawala ang takot.
" Ligtas ka na,wag ka nang matakot wala na sila,tutulungan kitang makabalik pangako ko yan"napakalma ako sa simpleng salita na yun galing sa kanya,hindi ganun kalalim at babaw ang ganda sa pandinig ng Boses niya,
Hinawakan niya ang kamay ko at itinayo ako,gusto kong magtanong pero ayaw makipag cooperate ng sistema ko,naalis lang ang tingin ko sa kanya nang tumakbo yung batang ibon at niyakap siya,binitawan niya na rin ang kamay ko,
"Kuya Aegeus(E-gus) nakakatakot pong magwala ang taong yan,pinukpok po niya ang ulo niya ng kahoy" pagsusumbong nito nang kargahin siya,
"Haku,naninibago lang siya sa inyo ni tatang Ado,ngayon niya lang kasi kayo nakita" pagpapaliwanag niya sa bata,nakakatakot ba talaga ako kanina?normal naman yun pag naguguluhan diba?
"Aegues?Haku?Tatang Ado?"sambit ko nang Hindi ko inaasahan,dapat sa isip ko lang yun eh, kakaiba pala kasi ang pangalan nila..
Napatingin sila sa akin,ibinaba ni Aegues yung batang ibon na may pangalang Haku,
" Aegues ang ipinangalan ng mga taga Galotha sakin,ito naman si Haku at tatang Ado Hindi nakapagsasalita si Tatang pero pareho silang dreamcatcher at galing rin sa Galotha,at ang mga umatake sayo sa panaginip ay mga Thanox demonyo sila na kumakain ng ligaw na kaluluwa" paliwanag niya pero kahit isa di ko maintindihan,napasabunot ako sariling buhok at tiningnan ang paligid,parang nasa ibang mundo nga ko,
BINABASA MO ANG
Beautiful Nightmare
FantasiSabi nila lahat ng tao ay may kakambal na spirit guide sa ating mga panaginip,they save us from terrible nightmares and protecting us from evil creatures.In short para silang Guardian Angels but with only one rule... HUMANS ARE FORBIDDEN TO ENTER T...