Chapter 17

93 5 0
                                    


Someone Pov

"Wag muna kayong gumawa ng kahit na anong ingay sa ngayon...

Gusto ko ulit umpisahan ang larong hindi natapos ni Aegues sa kanyang ama,magiging masaya ang mga susunod na pangyayari" kasabay ay ang nakakikilabot na tawa mula sa hari,pinanatili ko ang tingin sa aking mga paa hindi ko kailanman nanaising tumingin ng diretso sa malaking pintuan kung nasaan sa likod non ay ang hari,walang sinuman ang nakakita sa tunay na anyo ni Haring Dalox maliban sa mga bihag na nais niyang makita ngunit wala sa mga ito ang nakakalabas pa ng humihinga ...

"Ngayon iulat mo sa akin ang binatang heneral galing sa Dasithea,"  namanhid at nanlamig ang talampakan ko ng biglaang pag uulat, nawala na sa isip ko ang pagmamatyag kay Reino napakatuso rin kasi ng isang yun at mahirap hulaan ang mga susunod niyang hakbang,

"Ganoon parin mahal na hari,Nawasak niya na ang Dasithea tulad ng utos niyo at nasa isang misyon siya ngayon kung kaya't .... hindi ko na siya nababantayan"

"Inutil!! Hindi yan ang nais kong marinig! Hindi ako kasing hina mo upang hindi malaman ang pagwasak sa Dasithea!! Ang nais kong marinig ay ang tungkol sa pagkikita nila ng babae!!" Umalingawngaw sa buong paligid ang nakakakilabot niyang boses,nasa masamang sitwasyon na ako,

Buwiset talaga ang Reino na yun hindi pa pinatay ang dati niyang nobya kung kaya pati nadadamay, tsk tsk

"Patawad mahal na hari pagbubutihin ko pa po ang pagbabantay"

"Walang lugar sa mundo natin ang kapatawaran alam mo yan hindi ba?... lumapit ka na sa pinto...munti kong kawal"

Hindi ko na mapigilan ang manginig sa takot napako ako sa kinatatayuan at hindi halos makahinga,

"Lumapit ka na"

Sa oras na lumapat ang kahit na anong parte ng katawan ko sa malaking pintuang nagsisilbing harang sa silid ng hari ...... matinding sakit ang mararanasan ko,

Pinanatili ko ang tingin sa bawat hakbang ng mga paa patungo sa pinto ng pasakit,inasahan ko na ito ngunit hindi ako handa sa parusang ibibigay niya,

Magbabayad ang naging dahilan nito makakaganti rin ako ....Reino,pinapangako ko yan,

Ipinikit ko na ang mga mata at unti unting inilapat sa pinto ang aking kamay..

"Ahhhh!!!!!!!!!!!"

"Ahhhhhh!!!!!"

Matinding daloy ng kuryente at kapangyarihang itim ang pumapasok sa katawan ko,lumiliyad,napapaupo,at matinding hiyaw lang ang kaya kong gawin upang tiisin ang lahat at tanggapin ang parusang halos pirapirasuhin ang katawan ko...

"Ahhhhhh!!!!pa-patawad!!!!!!ahhhh!!!!!"

Napaluhod at hindi malaman kung saan ako kukuha ng lakas para tiisin pa ang sakit...habang tumatagal lalong tumitindi ang kuryente at lalong napapalakas ang pagdaing ko hanggang sa mamaos,

"Ahhhhhh!!!!!t-tama ahhhh n-na ahhhh!!!!!"

Ito ang mundo ng dilim kung saan wala nang magagawa ang kahit na anong liwanag,wala ng diyos na magtatanggol at poprotekta,at wala ng saysay pagtitiwala......

"Ahhhhh!!!!!! Ahhhhh!!!!"

Naririnig kong tumatawa ang nakakakilabot na boses mula sa loob ng kuwarto, ikinasasaya ng hari ang daing galing sa sakit,mga bagay na sumisira,at pagdurusa...kung kaya doon na rin nabubuhay ang lahat ng thanox kasama ako,

"Ahhhhhhh!!!"

"Hahahahahahahahahahahaha! Masyado akong nasisiyahan sa pagsigaw mo,kaya naman...

Beautiful NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon