Reino Pov
Binabalot na naman ako ng matinding kaba habang nilalakad ang daan patungo sa emperyo ni Dalox, may alam na ba siya sa mga plano ko? Wala akong pinagkakatiwalaan na kahit na sino dito sa mundo ng dilim..
Lahat ng sinabi ko kay Kaiara ay totoo siguro napagod na kong iwasan at palagi siyang saktan ito na lang ang paraan para makabawi ako sa lahat ng kasalanan ko sa kanila,
Binuksan ng taga bantay ang malaking pintuan palapit sa kuwarto ni dalox, puro pula ang paligid at mga rebulto ng mga demonyo ang unang bubungad sa loob..
Nasanay na rin akong itago o ipeke ang ekspresyon na ipapakita sa iba mula ng magsilbi ako sa kanya naging manhid na rin ata ang puso ko,
Huminto ako sa harap ng pintuan ni Dalox, ano kayang tunay niyang itsura? Ang hirap kalabanin ng hindi mo alam ang itsura ng kalaban, hindi ko alam baka lumalabas at nagmamasid din siya sa paligid at walang nakakahalata na kahit sino na siya si Dalox,
"May misyon ka bang ipapagawa sa akin?" Panimula ko,
Wala akong narinig na tugon galing sa loob,napakatahimik nakakatakot na katahimikan,
"Patayin mo ang reyna ng liwanag hindi ko na siya kailangan" dumagundong ang pinto sa boses niya,
Ilang ulit akong napalunok ramdam ko rin ang pawis mula sa noo ko, ito ang unang beses na nabanggit niya ang reyna ng dasithea na matagal ng nakakulong sa tore ng dragon,
Plano ko ng iligtas ang reyna paano na to ngayon? Kung hindi ko madadala ang puso ng reyna bilang patunay na napatay ko siya lahat ng pinaghirapan ko mababalewala..
"Hindi ka ata makapagsalita Reino" halata sa boses na nakangisi siya sa likod ng pintuan,
Kinuyom ko ang kamao upang pigilan ang panginginig nito, halatang sinusubukan ni Dalox ang katapatan ko sa kanya...na kahit kailan hindi ko naman talaga ginawa
"G-gagawin ko" pilit kong pinatatag ang boses,
Nang makalabas na ako sa emperyo diniretso ko na ang Tore ng itim na dragon isa itong dragon na may anim na sungay ay balat ng ahas,ito rin ang nagbabantay sa kulungan ng Reyna ng Liwanag,
Medyo malayo ang tore sa emperyo at walang mga thanox ang nakapaligid,
Gagawin ko na ang unang hakbang.. bahala na si bathala sa kung ano mang mangyayari ngayong gabi,
Bumuga ako ng marahas na hangin saka pinasok ang tore,
Bumungad sa akin ang napakalaking dragon na nagising sa bigla kong pagpasok,
Nilabas ko ang espada at nagpakawala ng hangin na may dalang lason pangpatulog, narinig kong hindi na mapakali ang dragon at hinahanap ako sa makapal na usok..
Bago pa niya ako makita inunahan ko na siyang sugurin,tumatalon ako tuwing humahampas ang mahaba nitong buntot..
Puro saksak,hiwa,at suntok ang ginagawa ko para mapatumba ang dragon pero halatang bihasa rin siya sa pag-ilag,ilang minuto pa ang hihintayin ko para kumalat sa mahaba nitong katawan ang mga lason na binaon ko sa loob ng katawan niya,
Napapaungol ang dragon tuwing napuputulan ko siya ng isang sungay,
"Nakakairita ka na,ayaw mo pang mamatay!" Tinalon ko ang likod ng nagwawalang dragon at tinakbo papunta sa ulo niya, pagdating sa tuktok ng ulo nito marahas akong tumalon at hiniwalay ang ulo niya sa katawan,
Hingal na hingal akong bumagsak sa lupa saka binalik ang espada sa tagiliran ko,
Umalingasaw ang mabahong berdeng dugo ng dragon sa buong paligid, hindi ko na kailangan pang mag aksaya ng oras..
BINABASA MO ANG
Beautiful Nightmare
FantasíaSabi nila lahat ng tao ay may kakambal na spirit guide sa ating mga panaginip,they save us from terrible nightmares and protecting us from evil creatures.In short para silang Guardian Angels but with only one rule... HUMANS ARE FORBIDDEN TO ENTER T...