Chapter 6

208 5 0
                                    

                     •••••••••••••••
Nakarating na kami sa sa isang maliit na village,GranVille ang tawag nila sa village na to,puro green ang halos kulay ng buong paligid at maraming dreamcatchers ang sumalubong sa paglapag namin maliliit lang rin sila tulad ni Tatang Ado at Haku na hanggang bewang ko ang laki.

Bawat isa sa kanila at mabilis na niyakap sina Aegues at masayang masaya sa pagdating namin,sobrang bait ata talaga ni Aegues kaya kahit saan siya magpunta minamahal siya.

Umalis na rin si Blue pagkatapos kaming ihatid dito at babait ng mga dreamcatchers Hindi nila ko tinuring na iba sa kanila,at sinabing tutulungan ako para makabalik sa tunay na mundo,dahil naikwento ni Haku ang buong pangyayari.

Kasalukuyan akong nandito sa isang tree house ganito ang mga bagay ng mga dreamcatchers at bawat bahay ay napaliligiran ng mga maiilaw na bulaklak may mga bubbles din na ibat iba ang kulay.Simpleng tree house lang tinutuluyan ko ngayon mayrong isang kwarto at Cr sa tabi nito,malinis din ang sala na may mahabang maliit na upuan pero kasya naman ako,sobrang ganda ng mga kahoy at muwebles dito yung tipong hindi mo makikita sa reyalidad,magkano kaya to pag binenta ko?

Nakatayo ako ngayon sa maliit na balcony sa loob ng kwarto habang hinihintay si Aegues at Haku kasama ng Dreamcatcher Grand ng mga taga dito.

"Ate Roya!Nandito na si Kuya Aegues kasama si Nana Milan!tayo na!" Tawag sakin ni Haku habang lumilipad sa harap ko,hinila niya ko palabas mg sala,naabutan naming nag uusap si Aegues at ang Dreamcatcher Grand nila na si Nana Milan,siya ang pinaka matanda sa lahi nila katulad lang rin siya ng ibang dreamcatcher pero may may mga bolang lumulutang na ibat iba ang kulay na nakapaikot sa kanya at kulay berde ang pakpak,nakasuot siya ng mahabang bestida kulay puti at green,naikwento siya kanina ni Aegues sakin habang papunta kami sa tree house na to.

Siya si Nana Milan siya raw ang makakatulong sa amin kung paano ako makakabalik,
Lumingon sila sa direksyon namin ni Haku at ngumiti.

"Tara na Haku gustong makausap ni Nana Milan ng mag isa si Roya"sabi ni Aegues tsaka lumipad palapit sa kanya si Haku,bago lumabas at nginitian nila Kong dalawa.

Naupo ako sa mahabang upuan para maging pantay kami ni Nana Milan, lumapit siya sakin at nagsimulang hawakan ang kamay ko,

" Naikwento ni Aegues na hilig ng kaluluwa mong maglakbay sa dimension ng dilim..napaka delikado non sa tulad mo" sabi ni Nana Milan at nag umpisang magliwanag ang mga kamay naming magkahawak at nakapaligid sa amin ang bolang umiilaw,napapikit ako sa saglit na liwanag pero agad din namang nawala yun.

"Delikado ang pagpunta mo rito Roya,ngunit hindi ito nagkataon lang itinadhana na ang pagdating mo,napaka daming tanong at bumabagabag sa puso mo...ngunit magtiwala ka sa tinitibok nito,ito ang magiging lakas mo" sabi ni Nana Milan at nakatingin sa mata ko,napayuko ako dahil wala akong maintindihan,akala ko ba tutulungan niya ko?

Bakit lalong gumugulo ang lahat sa mga sinasabi ni Nana Milan?

"Hindi ko ginugulo ang isipan mo Roya,tinutulungan kita sa kung anong dapat mong gawin" nakangiti niyang sabi,

Nababasa niya bang nasa isip ko?

"Nababasa at naririnig ko  ang laman ng puso mo,....Si Aegues"
Sabi niya at ngumiti na parang may nalamang sikreto,na bigla Kong kinagulat!

Whutsss!

So Alam niyang nararamdaman ko Kay Aegues!?

Omaigad! Wag niyang sabihing,

"Si Aegues ang spirit guide mo kaya lagi mo siyang nakikita sa bangungot at lagi ka rin niyang sinasagip para makabalik sa reyalidad" hayyss akala ko sasabihin niyang may disco na nangyayari tuwing nakikita ko si Aegues, mabuti na lang,

Beautiful NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon