Chapter 24

290 7 12
                                    

Nagising ako na puno ng sakit at naninikip ang dibdib,malinaw sa akin ang lahat sa panaginip na yun maliban sa mga mukha nila, sobrang sakit na gusto kong iiyak at isigaw ang lahat pero paano ko gagawin yun hindi ko alam bakit pati ako naapektuhan sa kanilang dalawa,

"....sa tulong ng hangin aking liliparin patungo sa daigdig na ikaw ang kapiling,

Aking bathala ako'y nagsusumamo panalangin ko na sana ay magtagpo..."

Pinigilan kong buksan ang mata ng marinig ang boses ni Aegues, nilalaro niya ang kamay ko habang kumakanta...binantayan niya ba ko habang natutulog?

"Buksan ang iyong pusong tahanan ko sabay mangangarap sa bagong mundo,

Hahagkan ang umagang magbibigay ng liwanag sa mga yapak mo na aking susundan..."

Ang ganda ng boses niya pinapagaan ng kanta ang mabigat na nararamdaman ko, kung alam ko lang sana kung sino ang anghel na yun,kung may koneksyon ba ako sa kanya... gusto kong malaman masyado niya nang ginugulo ang bawat pagtulog ko..

"...dakila ang pusong hindi sumusuko,dalisay at wagas ang taglay na pagsuyo..

Ibaling mong lahat ang takot at hirap pangakong kailanman ay hindi ka iiyak---"

Kailangan ko nang may malaman ,

naging magaan na ang paghinga ko kaya unti unti ko ng minulat ang mata,

Napangiti ako ng makitang pokus si Aegues sa paglalaro ng kamay ko, mas lalo tuloy akong nahuhulog---- hindi niya ata napansin na gising na ko, tumikhim ako at nagtama ang mata namin,

Lumaki ang mata niya saka ako niyakap ng mahigpit at hinalikan sa ulo, ... Nag alala ba siya? Gumuhit ang ang ngiti sa labi ko dahil sa reaksyon niya,

"Wala na bang masakit sayo? ayos ka na ba?" Nag aalala niyang tanong,

Tumango ako,

Umayos siya ng upo sa gilid ng kama, pinalibot ko ang tingin sa paligid hindi ito ang bahay ni Lowi ah--- Nasaan kami?

"Nasaan tayo? Sila Kaiara saka si Reino ayos lang ba sila? May umatake mga ---- oh bakit ganyan tingin mo sa akin?" Tanong ko,

Nakacross arms siyang nakatingin sa akin ng masama, may nagawa ba ako ngayon-ngayon lang?

"May kasalanan ka sa akin" nakanguso niyang sabi,

Inalis ko ang kumot at umupo na rin para maayos siyang matingnan mukha talaga siyang galit pero yung tipong hindi naman nakakatakot,.... ang cute nga eh hehehehe

Beautiful NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon