Chapter 23

78 3 0
                                    

Tinalikuran ko siya at hindi na nagsalita baka kung ano pang masabi ko sa kanya,

"Roya"

"Hindi ka dapat sa akin magsorry, kay Eris dapat,siya ang nasaktan mo at hindi ako, minsan hindi ko rin maintindihan kung anong tumatakbo sa isip mo.. Kaibigan ko lang si eris ------------", tumigil ang bibig ko sa kakasalita kasabay ay ang pagtigil din ng paghinga ko, pumulupot ang kamay niya sa bewang ko in short nakayakap siya mula sa likod at binaon ang mukha sa balikat ko,

"A-ahmm..---" hindi ko na alam ang irereak napakalapit niya sa akin! Parang naglaho bigla ang galit ko sa kanya at napalitan yun ng magaan at komportableng  pakiramdam,

Tumigil ka nga heart!!!

"Aegues ano bang---"

"Ayokong nakikita kang masaya sa piling ng iba... sabihan mo na kong makasarili pero nang makita kita na yakap ni Eris gusto ko na siyang patayin sa mga oras na yun,... malaki ang kasalanan ni Eris sa akin at sa mga kaibigan ko kaya ayoko ring lumalapit siya sayo" bulong niya pero sapat na para marinig ko, feeling ko kinikiliti ako tuwing tatama ang hininga niya sa balikat ko,

"Ano bang nagawa ni Eris?" Tanong ko, pinipilit kong itago ang kilig na nararamdaman,nakakahiya kasi baka nag aassume lang ulit ako,

" taga sunod siya ni Dalox" ,sagot niya.. lumaki ang mata ko at tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin saka siya hinarap,

"Ano?"

Nawala ang ngiti niya saka ako tiningnan sa mata,

" isa siya sa lider ng Deity dati at kaibigan ko din...pero nalaman ko mula kay Agape bago siya mawala na isa na ring Thanox si Eris"

Kumunot ang noo ko, si Eris? Paano nangyari yun hindi siya mukhang Thanox isa pa ang bait niya sa akin..

"Kaya layuan mo siya hindi natin alam kung anong plano niya sayo, tumigil na ang ibang thanox sa paghahanap sayo hindi ko alam kung bakit kaya mahirap alamin ang plano ni Dalox"

Parehas kaming natahimik ng ilang segundo,may kanya-kanyang mga iniisip,

hindi ko talaga maexpect na thanox rin si Eris i mean ang hirap paniwalaan,kung gusto niya kong patayin ang daming oras na nagkasama kami,ang dami chance na puwede niya kong saktan pero di niya ginawa, tinulungan niya pa ko...

Kinomfort niya pa ko,

Nabalik ako sa reyalidad ng marinig kong napadaing si Aegues saka tumakbo sa likod ng puno,

Ano nangyari dun?

May masakit ba sa kanya?

Sinundan ko siya sa puno

"Aegues---"

"Wag kang lalapit! wag kang tumingin Roya pakiusap lang lumayo ka muna---ughh arghhh" sigaw niya,

Mahina ang mga pagdaing niya may sakit ba siya?

Sinunod ko ang sinabi niya bumalik ako sa puwesto namin kanina,medyo malayo sa puno at umupo sa damuhan habang nakatingala sa mga bituin...

Pasimple kong sinusulyapan ang kinaroroonan ni Aegues hindi ko na naririnig ang boses niya,

Bumuga ako ng hangin, naglakbay na naman ang isip ko tungkol kay Eris,

Kahit minsan ko lang siya nakita komportable naman pag siya kasama ko... kaya bakit kaya siya naging thanox?

Lumipas ang ilang minuto at bumalik na rin si Aegues na namumula ang mukha at tagaktak ang pawis,

Pinagpagan ko ang pang upo saka tumayo,

"Anong nangyari sayo?"

"Umuwi na tayo" nakapoker face niyang sagot, nauna na siyang maglakad kaya sumunod na lang ako,

Beautiful NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon