Ilang oras na ang nagdaan at napupuno nang tawanan at kuwentuhan ang buong bahay ni Lowi,ang iingay nga nila lalo na si Yachi palagi akong kinukulit na magkuwento tungkol sa Earth,Pagdating ko kanina wala namang nagtanong kung saan ako galing hindi ko rin matyempuhan si Aegues at Nana Milan kasi palagi silang may sariling mundo minsan din nakikipag kulitan si Aegues sa mga osouf kasama ni Ichiriku,
Mabuti na lang marami rin ang naluto namin ni haku kanina,kasi medyo marami rin sila ngayong bumisita,
Kung ano ano ding pinagkuwentuhan namin ni Yachi,kaya paglabas namin may nagaganap ng malaking bonfire sa labas at pinalibutan nila ang malaking apoy,hinanap agad ng mata ko si Aegues pero di ko siya makita pati si Kaiara wala rin magkasama ata sila,
Hinila ako ni Yachi palapit sa marami,mababait silang lahat nandito ang ilang dreamcatchers,Osouf at ilang spirit guide,
Speaking of spirit guide, Kamusta na kaya si Eris? Hmm nakakatawa din yung lalaking yun, sana magkita ulit kami para makilala rin siya Aegues hehehe,
"Matapos kaming gawing alipin ng mga pirata sa kanluran halos patayin pa nila ang lahi namin sa matinding gutom, doon ko nakilala si Aegues mag-isa niyang kinalaban ang isang batalyon ng mga pirata mula noon tumaas ang respeto ko sa kanya" nakangiting kuwento ng isang Osouf habang nasa apoy ang tingin, lahat sila nakikinig lang at masayang nakangiti, nagkukwentuhan pala sila tungkol sa mga past nila,.. nakaka curious pakinggan lalo na at about kay Aegues,
"Hahaha oo nga Arfan..naalala ko pa noon pinaglaban mo pa sa dati nating pinuno na tulungan si Aegues makahanap ng matutuluyan, pumayag naman si pinuno pero ang kapalit... hahaha dapat pa bang ikuwento Arfan?" Sagot ng isang kulay silver na Wolf,
Lumaki ang mata ni Arfan
"W-wag n-na--"
"Pinakain ka ng dalawang sakong kamote para pagbigyan ka hahahaha ikaw naman si baliw pumayag naman kahit alam mong binibiro ka lang" natatawag sabi ni Silver, yun na ang tawag ko sa kanya..
Ilang minuto rin napuno ng kuwentuhan ang lahat, may nakakatawa meron ding binabalik sila sa nakaraan.
Sa mga kuwento nila noong hindi pa nasasakop ni Dalox ang Mundo ng panaginip, matatawag raw na paraiso ang lahat palaging maliwanag at napaka ganda ng Galotha,nalaman ko rin na noong unang panahon mga anghel ang namumuno dito sa Galotha,pero pinalayas sila ni God kasi may nagawang kasalanan ang mga anghel saka sila pinatapon sa Earth para magdusa,
"Siguro isa paring paraiso ang mundo natin kung hindi nila sinuway si Bathala," malungkot na komento ng isang dreamcatcher,
"Mali mang isisi sa kanila pero sa mga narinig ko ngayon, gusto ko silang sisihin nawalan tayo ng mga kalahi at mga kaibigan, hindi inisip ng mga anghel na yun ang mangyayari sa atin bago nila tayo pabayaan" dagdag naman ni Lowi,
Nakikita ko kung gaano sila ngayon kalungkot, hindi lang pala si Eba at adan ang sumuway sa utos ng Diyos pati rin pala mga anghel, ano
naging tahimik ang lahat ,kanina lang tawa kami ng tawa, ang bilis talaga mapalitan ng lungkot naiintindihan ko sila masyado silang naghirap dahil kay dalox,
"Ano bang nagawa ng mga anghel?" Lumipat ang mata nila sa akin pero agad ding binalik ang tingin sa apoy,
"Hindi namin alam,basta ang kuwento ng dati naming pinuno kasalanan ng mga dating anghel ang lahat" sagot ni Arfan, nakakunot ang noo nila at makikitang galit talaga sila, Kung dati noong bata pa ako gustong gusto ko ang mga angel figurine para kase sa akin sila ang nilikha ng diyos na perpekto naalala ko nga noon binibilhan ako ni Mama ng mga Laruan na angel pati kama ko Angel din,
BINABASA MO ANG
Beautiful Nightmare
FantasíaSabi nila lahat ng tao ay may kakambal na spirit guide sa ating mga panaginip,they save us from terrible nightmares and protecting us from evil creatures.In short para silang Guardian Angels but with only one rule... HUMANS ARE FORBIDDEN TO ENTER T...