Chapter 13

104 6 2
                                    

Gustong lumabas ng puso ko  at sumigaw sa nararamdamanng sakit,tuwa,guilt,pag aalala at....pagka miss?lalong gumugulo sa utak ko ang buhay niya na nakataya para lang sakin,

"Roya hindi ka ba tatayo diyan?ilang gabi mo na ring hinintay si Aegues,diba?"ngiti ngiting sabi ni Lowi,bigla tuloy akong namula bakit niya pa kailangang sabihin yun?

tama siya ilang gabi nang nandito ako sa labas at hinihintay siya,walang segundo na hindi ko iniisip ang kalagayan niya at ng mga naiwan namin sa Dasithea,

marahan akong tumayo sa damuhan at nilingon sila,pinagpapawisan ako ng sobra at halos magwala na ang puso ko ng magtama ang mga mata namin,

grabe ang epekto ni Aegues sa buong sistema ko,

"Ate ayos ka lang ba?namumutla ka bigla"hinarap ko si Haku na mukhang nag aalala sa itsura ko,

namumutla ba talaga ako? "hehehe ayos lang Haku.." sagot ko sa batang dreamcatcher,

"Haku tara pumasok muna tayong dalawa sa bahay, hintayin natiin si Ate Kaiara mo hahaha maiwan muna namin kayo" nakangiting sabi ni Lowi at tumakbo si Haku sa tabi niya atsaka sila pumasok sa loob,

naiwan kami ni Aegues kasabay ng pag ihip ng hangin,

'makukuha siya ni Lucifer'

napailing ako ng maalala ko ulit ang salitang yun pinikit ko ang mata ng mariin para makalimutan na,

nanatili kaming nakatayo at hindi ko mapangalanan ang nararamdaman ko pero,

isa lang puwede kong gawiin sa oras na to..

at alam kong kailangan niya ito ngayon,

tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit

"May nangyari ba Roya?anong problema? may masakit ba sayo? umata--"

"walang nanggyari Aegues..masaya lang ako na nakasunod ka na dito..at gusto ko lang na yakapin ka bilang kaibigan mo..masyado ka ng pagod sa lahat..kaya sana magpahinga ka muna ng walang iniintindi...

kaya ko ang sarili ko wag ka na munang mag alala"

naramdaman ko ang haplos niya sa buhok,na nagbigay ng kakaibang kuryente sa buong sistema ko..

"kung yan ang gusto mo..magpapahinga muna ako"sagot niya,

hihiwalay na sana ako ng bigla niya kong hilain pabalik sa bisig niya at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin,

"gusto kong magpahinga...sa yakap mo kahit ilang segundo lang"malungkot niyang sabi,binaon niya ang mukha sa balikat ko,

sasabog na ata ang puso ko!buti na lang at hindi niya nakikita ang mukha ko ngayon na sobrang namumula na ata,

namiss niya ba ko?gusto ko sanang itanong pero ayoko nang mag assume ulit..friendly hug lang to walang malisya!tama!

"hahaha baka dumating si Kaiara...pero sige pagbibigyan kita ngayon"nakangiti kong sabi habang tinatapik tapik ang likod niya,

mukhang pagod na pagod na nga siya.

--------------------------------------------------------------------------------

Aegues Pov

"pinapipili nila ako kung ang emperyo ba o ang..puso ko"nakangiti niyang tinatanaw ang magandang paglubog ng araw habang yakap ko siya mula sa likod,

"ano ang sagot mo?"tanong ko,

sumikdo ang sakit ng makita kong sobrang lungkot ng mga ngiti niya,humarap siya sa akin at hinawakan ang mukha ko habang pilit na ngumingiti..

Beautiful NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon