chapter 9

121 6 1
                                    

••••••••••••••••••

Kaiara Pov
Bumalik na kami sa syudad ng Dasithea at wala akong ganang kausapin si Aegues sa ngayon,

Hindi ko kasi matanggap na napakabilis niyang magdesisyon

Hindi rin ako kuntento sa dahilan niya na gusto lang niyang ibalik ang mortal sa mundo nila,

Alam kong may malalim siyang dahilan sa lahat at masakit para sakin ang hindi niya pagsasabi ng totoo.....

Tumigil ako sa paglalakad ng mapansing wala na siya sa likod ko..

Nawala na naman siya ng di nagpapaalam.

"Kahit kailan talaga ang lalaking yun Hays" bulong ko at tumuloy na sa paglalakad,

Wasak na mga gusali at may bakas ng mga dugo ang bawat eskinitang  nadadaanan ko

Dati punong puno ng ibat ibang kulay ng mga bahay at halaman ang lagi kong nakikita

Malaya at masaya ang lahat ng mga diwata at mandirigma na nagpapasigla lalo sa buong Dasithea.......

Sa isang iglap lang........

Nawala ang lahat

Flashback

"Ilang oras na lang at parating na ang mga halimaw at bampira sa pamumuno ko" napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang boses ni ...................... "Reino" bulong ko,

Paanong bigla siyang nakapasok ng di ko namamalayan?!

Tumayo ako at inihanda ang sarili sa pagsugod..

"Akala ko ba tutulungan kayo ni Aegues?mukha atang mahuhuli siya sa pagdating"pagpapatuloy niya, hindi ko siya makita dahil sa madilim ang buong paligid

Nakakainis!! Ginagamitan niya ng kapangyarihan ang paligid namin!

Susugod na sana ako sa dilim ng nakaramdam ako ng pamamanhid at hindi maigalaw ang katawan ko ........

Peste ka talaga Reino!

Unti unti siyang lumabas sa dilim at lumapit sa akin hinawakan niya ang mukha ko at ...............

At...........

Hinalikan niya ko sa pisngi,

Lalo akong naistatwa dahil sa ginawa niya ..... naramdaman ko ang pagkabog muli ng puso ko,

Beautiful NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon