Chapter 14

102 4 3
                                    


Kumabog na malakas ang puso ko ng masabi ko ang huling salitang yun, sobra akong naiinis at hindi ko alam paano ito ilabas kaya siguro nasabi ko yun,

Parang pinupulupot na naman ang puso ko sobra ko ata siyang nagalit,pero bakit ganun may kung ano sa akin na nagsasabing tama lang ang ginawa ko,

Tumawa siya ng hindi makapaniwala at malalaki ang hakbang papunta sa harap ko,

Tinitiis ko na naman ngayon ang kirot na nagpapahirap sa puso ko,

"Wala kang karapatan na ipagkumpara ako sa mga demonyong yun, dahil..

Kung gugustuhin ko kaya kong maging mas masama sa kanila kung kinakailangan!"

Nagkiskisan ang mga ngipin ko sa sinabi niya,madali akong mainis pero pinipigilan kong hindi lubusang magalit pero hindi ko na kayang magpapigil pa,

Inayos ko ang tayo at matiim ang tingin sa kanya nararamdaman kong nagliliyab na naman ang asul na apoy sa kamay ko,

At nakita kong takot sa mata niya na nakatingin sa kamao kong nakakuyom,
Hindi ko siya kayang saktan pero ang demonyong dumadaloy sa ugat ko ay binubuhay ng galit..

"Alam mo ba kung anong sinasabi mo?" madiin kong sabi,
Nawala ang takot sa mata niya bumalik ang matalim niyang tingin,

"Anong gusto mong sabihin ko? Humingi ng tawad? Sige...kasi parang mas mahalaga ang traydor mong kaibigan kesa akin,ano nga naman ang pakinabang ko sayo diba?" Sarkastiko niyang sabi na kinabigla ko,

Traydor?

Si Agape? Imposible yun!

Hindi ako nakapagsalita at napako ang tingin sa katawan ng kaibigan kong nakadapa,

"Pasensya na kung pinatay ko ang mahal mong kaibigan,pasensya na kung gusto ko lang iligtas ka kanina!..."bumagsak ang butil ng luha sa mga mata niya na lalong nagpasakit sa nararamdaman ko,

Naguguluhan ako,pinatihaya ko ang katawan ni Agape at tumambad ang pulang krus sa dibdib niya,

Napasabunot na lang ako sa buhok at naiinis sa sarili..

"Paanong-" hindi ako makapaniwala, paano nagawang sumapi ni Agape kay Dalox?pulang krus ang tanda ng mga thanox..Si agape napakabuti niya kaya mahirap paniwalaang isa siyang...

Thanox,

"gusto ka niyang...patayin kanina habang nakatalikod siya...wala kang alam kung gaano nakakatakot na nagbago ang mukha niya...sorry kung maling nandito ako...nag alala ako kasi...matagal na siyang umaaligid sa bahay..at sinundan ka niya dito...pasensya na kung natapakan kong pride mo...dahil isang mahinang tao ang gumawa na dapat ikaw ang gumagawa...

Pero...sana minsan isipin mo rin mararamdaman ko sa mga panghuhusga mo" puno ng sakit ang boses niya,

Hindi ko na siya natingnan at kahit ng tumakbo na siya palayo sakin hindi ko parin siya sinundan,

"Aggghh!!!" Sinigaw ko na lang ang inis,galit,at...pagsisisi,

nangigil ako at gusto kong saktan ang sarili,pinagsalitaan ko siya ng pinuuna ang galit,

"Binigo mo ko Agape"at sinunog ko ang katawan niya,

Tinraydor niya ko, anong dahilan niya para maging isa sa kanila?naguguluhan ako...

Silang dalawa ni Eris ang tinuring kong pamilya sa Yolem kasangga ko siya sa ibat ibang laban,wala akong matandaang kasalanang ginawa niya..

Pinagkatiwalaan ko siya,nakita kong nasaktan ko si Roya dahil siya ang pinanigan ko,

Beautiful NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon