Chapter 16

95 3 0
                                    

"Wag mong kakalimutan...."

"Sino ka?" Tanong ko sa babaeng nakatalikod sa akin... ang blurred kaya di ko siya makita

"Wag mong kakalimutan..." paulit ulit na lang sinasabi niya,inihakbang ko ang dalawang paa pero hindi ko ito magalaw,pamilyar sa akin ang boses niya parang narinig ko na dati pa,

Pero nalilito ako...anong hindi dapat malimutan?

Unti unti siyang naglalaho sa liwanag gusto ko siyang habulin,tanungin,at makilala...

Pero tuluyan na siyang nawala sa paningin ko,

--------------------------------------------
Ilang minuto akong nakatitig sa kisame paggising, panaginip lang naman yun pero pinipilit alalahanin ng utak ko Kung sino ang babaeng yung yun,

Hays ordinaryong panaginip lang ulit yun Roya wag mo namang gawing big deal tsh...

Bumuga ako ng hangin bago bumangon,

"Ugh" ang sakit ng ulo ko, ito na ang tinatawag na hangover tsk,naparami kami ng inom ni Kaiara kagabi,kung ano ano na nga napag usapan namin yung iba minsan nonsense na...halos di ko na nga matandaan kung paano ako nakarating dito sa kama,gumapang ba ko? ..

Pumasok ang malamig na hangin na nagmumula sa nakabukas na bintana,kaya pala feeling ko lalong lumamig,ginulo ko ang buhok at dahan dahang umalis ng kama para maisara ang bintana,

Inaantok pa ko..alam mo ba yung pakiramdam na matutulog ka ng gabi paggising mo gabi pa din? Pag naranasan mo yun maiintindihan mo na ko kung bakit ang sarap ulit matulog..

"Gising ka na pala Roya!" Halos mapatalon ako ng makarinig ng maliit na boses

"Sino yan?" Nilinga linga ko ang paligid para hanapin ang pinanggagalingan ng boses pero wala naman..

Naghahallucinate na ba ko ngayon?

"Nandito kami!nandito kami!"pinasingkit ko ang mata at chinek ulit ang paligid sinilip ko din ang bintana,wala naman talaga!

"Tumingin ka dito sa baba!Dito Roya!"

Kinusot kusot ko ang mata ng makita ang tatlong.....

Duwende?

Singlaki lang sila ng hintuturo kaya di ko agad sila napansin!,shockkks na shock talaga ko..

Umupo ako at malapitan silang tiningnan isa isa habang namimilog parin ang mata,

Ibang iba sila sa iniimagine ng mga tao..maygadd ang cucute nila!!

"Tara na Roya!kanina ka pa niya hininhintay!hehehehe"

"Wag ka nga masyadong masayahin Chim,di mo ba nakikitang gulat siyang makita tayo?"

Tatlo silang real elves sa harap ko,actually hindi naman pala nakakatakot ang itsura nila..

"Sino kayo?" Nakangiti kong tanong,na amaze na talaga ko!

Color green ang buo nilang katawan at sumbrero na patulis,magkakamukha rin silang tatlo buti na lang yung isa may bilog na salamin at yung isa mukhang babae dahil sa mahaba at cute nitong buhok,yung isa naman lalaking lalaki tingnan,

Beautiful NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon