Chapter 1

0 0 0
                                    

5 days.

Limang araw na ako dito sa syudad pero wala parin akong mahanap na trabaho,ewan ko ba kahit saan ako magsusuot eh wala paring tumatanggap sakin.

Limang araw na rin akong nangungupahang mag-isa.Limang araw na walang maayos na tulog.Limang araw na walang maayos na makain.Kailangan ko pang bumangon nang maaga araw-araw para maghanap nang trabaho kung hindi mamamatay ako sa gutom dito sa syudad.

Bago umalis nang apartment ay kumuha muna ako nang dalawang pares nang slice bread at isang bottled water.Mabuti na lang libre ang tubig dito kundi aagahan talaga ang byahe ko sa langit since sa tubig lang talaga ako nabubusog.

Bumaba na ako at ini-lock ang pinto ngunit bago ako tuluyang lumabas nang gate ay isinabit ko muna dito ang mga gamit na dala-dala ko at isinuot ang napaglumaan ko nang sapatos.

Nang tuluyan na akong makalabas nang gate ay napayakap na lang ako sa sarili ko nang umihip ang malamig na hangin.Ber month na nga pala,ting-ulan na naman to.Isusuot ko na sana ang jacket na dala ko nang hindi ko ito mahagilap sa mga dala ko.Teka nasaan 'yon?
Hinalungkat ko na ang bag ko ngunit wala din ito doon,hindi ko rin naalalang ipinasok ko ito doon.Sure naman akong hindi yon naiwan sa loob dahil bitbit ko pa ito palabas.

'Gago,kakabigay lang no'n sakin ah!'

Inilibot ko ang aking paningin baka may makikita akong kakaiba.Baka kasi may nagnakaw no'n na hindi ko napansin kanina pero lahat naman nang mga kapitbahay ko may trabaho na kaya bakit nila ako nanakawan?
Bumalik ang paningin ko sa may gate ng aking apartment nang mahagip nang paningin ko ang isang taong nagdya-jogging palayo rito at bitbit niya ang-ohhh,kaya pala may lakas siya nang loob na nakawin ang jacket ko dahil hindi pala siya taga-rito!

Bumalik ako sa dinaanan ko at sinundan ang naturang lalake.Tuloy-tuloy lang siya sa pagjogging na parang wala siyang ginawang kagaguhan.

“Hoy!” sigaw ko na siyang ikinagulat niya.

Nakakunot ang noong lumingon siya.

“Gulat na gulat ka yata?”

“Sinong hindi?Ang tahimik nang paligid bigla kang maninigaw!Anong akala mo dito,palengke?!” mas lalo pang kumunot ang noo niya at tila nairita.

Tinitigan ko nang maigi ang mukha niya pero hindi man lang siya umiwas at wala man lang akong nababanaag na kaba dito.Baka sanay na siya?

“O baka naman may ginawa kang di dapat?”

“Gaya nang?”

“Pagnanakaw?” Pinagkrus ko ang mga braso ko at tinaasan siya nang kilay.

“For your information,I have billions worth of money,ni buhay mo kaya kong bilhin!”
Iwinagayway pa niya sa harap nang mukha ko ang jacket na ninakaw niya habang dinuro-duro ako.

“Eh,ano yan?” tinuro ko ang jacket na hawak niya. Kaya daw akong bilhin?Ibig ba niyang sabihin mas mahal pa ang jacket ko na ninakaw niya sa buhay ko?!

“J-Jacket?”

Gusto kong matawa sa naging reaksyon niya.Parang ngayon lang niya napagtantong hawak-hawak niya ang jacket ko at tinitigan niya ito.

“Alam kong jacket yan!Saan mo binili?” painosente kong tanong habang pinipigilan ko paring matawa.

“Ah...diyan lang.” mahina niyang sagot sabay kamot nang batok.

Stalking JoniWhere stories live. Discover now