Chapter 12

0 0 0
                                    

I woke up with a loud bang on my door.Pakiramdam ko kakapikit ko palang pero bumangon parin ako kahit half-awake pa 'yong diwa ko.Nakapikit ang mga matang binuksan ko ang pinto.

“Tabi!”Tinabig ako nang taong pinagbuksan ko kaya muntikan pa akong matumba.

Kinapa ko ang switch nang ilaw pero bago ko pa ito nakapa ay bumaha na ang liwanag sa loob nang kwarto ko kaya napadilat na ako nang tuluyan at nakitang si Tita ang nagbukas niyon.

“Tita?”

“Good morning, princess.”alanganing ngumiti si Tita sa'kin.“We have a big problem.”

“Hindi po kayo nakatulog?” Paano ba naman kasi,ang dilim pa sa labas kaya dapat natutulog pa siya ngayon.

She step aside kaya nakita ko ang isang babaeng nakaeye glass habang nakaupo sa higaan ko.Nakayuko ito na tila nahihiyang ipakita ang mukha niya.

“Grasya is here.”

“She's Grasya?”Nanlalaki ang mga matang tanong ko kay Tita.Tuluyang nawala ang antok ko habang pinakatitigan ang babaeng nasa harap ko.She's not what I expected her to be.

“W–What's h–happening?”nagkautal-utal nitong tanong.

Nagkatinginan naman kami ni Tita.

“Bakit ano bang alam mong rason at napunta ka dito?”tanong ko.

“M-mom just send me here,”halos pabulong na nitong sagot.

Nagtatakang napatingin ako kay Tita.Kung makaakto kasi si Grasya eh para lang siyang nagsleep-walking at nagising sa ibang bahay.

“She's been like that,sabi ni Nina sobrang mahiyain daw ni Grasya.”

“Wow,”namamangha ngunit natatawang sambit ko.“kumpleto na ang apat na pinakamayamang angkan—si mayabang,si makulit,si maldita at mahiyain naman ang isa.”

“Umayos ka nga!Malaking problema 'to!”saway sa'kin ni Tita.

“Eh ano po bang gusto niyong gawin ko?”

“Tulungan mo akong mag-explain!”Tingin ko kay Tita eh para na talaga siyang sasabog sa inis sa'kin kaya umayos na ako.

“Ahmm...hi,”bati ko kay Grasya.Kumuha ako nang upuan atsaka umupo sa harap niya ngunit nanatili siyang nakayuko at hindi kumikilos.‘Paano ba kasi kakausapin ang taong mahiyain!’
Ako nga pala si Jhacky.”Pero hindi parin niya ako sinagot ni kibo hindi niya ginawa.“And you're Grasya Bentura,nice meeting you.”‘Badtrip!Para na akong baliw nito sa ginagawa ko.

Grasya may sasabihin sana ako sayo,”pero wala parin siyang kahit ni isang salita.Mas okay na yatang kausap ang Violet na 'yon kaysa babaeng 'to!Naiinis na napahilot ako nang aking noo.“My God,”naibulong ko.“Grasya,do you realize that you're one of the richest clan in these City?So,anong ikinahiya mo?Idagdag na nating maganda ka!”Unti-unti siyang nag-angat nang tingin kaya medyo napapangiti na ako.“Ako lang 'tong kaharap mo oh!Ni kalahati nga sayo wala ako.I can be your slave kung gustuhin mo.”

Napaayos siya nang upo at kiming ngumiti,“nice meeting you,Jhacky.”

Napabuntong-hininga ako sabay ngiti.Sa wakas nagsalita narin siya.Napapalakpak naman si Tita habang nakangiti.Linapit niya ang mukha niya sa'kin habang nakatingin kay Grasya.

“Ipagpatuloy ko na ang tulog ko,parang kaya mo naman 'yan eh,”bulong ni Tita sa'kin kaya tumango ako.Kaya ko naman talaga 'to atsaka kailangan na ring magpahinga ni Tita.

Stalking JoniWhere stories live. Discover now