JHACKY'S POV
Minsan nang nasabi sa'kin ni Papa na napaka-importante nang pangalan ko sa buhay ko,it symbolize me,that I exist kaya hindi ko basta-bastang ipinamimigay ang buong pangalan ko.I am ‘Jhacky’ to those who don't know the real me but I am Jhackyvell to those people who know me from heart to soul.Kung sa social media naman,mahirap ding hanapin 'yong akin dahil naka private 'yon at pamilya ko lang ang nakakaalam no'n kaya nagtataka ako kung bakit alam ni Joni ang buong pangalan ko.Si Papa lang din ang tumatawag sa' kin non.Pababa na ako nang hagdan matapos makausap si Tita,ngiting-ngiti kasi siya kanina kaya tinanong ko na,masaya lang daw siya dahil nagbabangayan na naman kami nang anak niya,so weird.
Nasa huling baitang na ako nang makita ko si Joni na nakaupo sa bukana nang pinto paharap sa garden.Busy ito sa hawak na papel kaya hindi nito napansin ang paglapit ko.Huminto ako sa likod niya at saka ko sinilip ang nakakuha nang buong atensyon niya.Nanlalaki ang mga matang mas tinitigan ko ang laman nang dyaryong hawak niya.
“Anong ginagawa mo?”
Muntikan akong matumba sa gulat nang magsalita siya sa mismong mukha ko.Sobrang lapit ko na pala sa kanya,hindi ko man lang namalayan.
“Ahmmm..”napakagat-labi ako.I'm thinking of reason to say pero nablanko yata ang utak ko dahil sa gulat.“That's Grasya Bentura,right?”tanong ko na lang.
Bumaba ang tingin niya sa dyaryo bago bumalik sa'kin.“Yeah,how did you know her?”
“Ah,minsan mo nang naitanong siya kay Tita?At may pangalan diyan oh,”tinuro ko ang malaking pangalan ni Grasya sa baba nang mukha nito.
Sinamaan niya lang ako nang tingin saka ito inilayo sa akin,“Umalis ka nga!Pagtitripan mo na naman ako noh!”
“Hindi ah!”napangusong tinabihan ko ito sa pag-upo.“atsaka hindi naman talaga kita pinagtripan kanina,napansin ko lang na naspeechless ka kaya—”
“Sinave mo 'ko.”
Tumango ako.
“Tsk,darating din ang araw na mananalo ako sayo.”
Di ko napigilang matawa sa sinabi niya.‘Asar-talo kasi!’“aasahan ko 'yan.”
Napapailing nalang siya ngunit napapangiti naman.
“Anong meron sa kanya at pinakatitigan mo?”
Sandali siya natigilan at tumitig lang sa'kin na parang tinitimbang pa niya sa sarili kung dapat ba niya akong sagutin.
“I think I saw her before,”sa huli ay sagot niya.“Sobrang pamilyar niya sa'kin.”
Napakagat-labing napayuko nalang ako.Hindi parin pala niya nakalimutan si Grasya.
“Hindi ko lang maiwasang ma-curious.”dagdag niya habang nakatitig parin sa mukha ni Grasya.
“It's incest.”sambit ko kaya sumama na naman ang tingin niya sa'kin.
“Hindi ko naman sinabing gusto ko siya!”at bulyaw nalang niya bigla.
YOU ARE READING
Stalking Joni
RomanceHe's a thief,wala siyang pinipiling lugar,basta gusto niya,mapapasakanya. At minsan nang naging biktima dito si Jhacky. Ngayon,trabaho niyang protektahan ito sa mundong mapanghusga.Trabaho niyang maging anino nito. It's her job to 'STALKED JONI'. Pe...