Chapter 22

0 0 0
                                    

Araw-araw kasama ni Joni si Grasya kung hindi magdya-jogging,mamamasyal naman sila at kakain kung saan-saan habang ako nagmamasid lang sa kanila sa malayo.Hindi ko alam kung kailan matatapos ang lahat nang 'to.Hanggang kailan 'yong pambabalewala ni Joni na naging dahilan nang pagdurusa ko at hanggang kailan manatili si Grasya dito,hindi sa pinapauwi ko na siya hah,bait kaya no'n.

Sunod lang naman ako nang sunod sa dalawa pero wala namang ginagawa si Joni na dapat kong ikabahala kaya tuloy para akong tanga pero atleast naging fit naman ako kahit papaano sa araw-araw na pagpapawis.

“What are you doing?”Narinig kong tanong ni Grasya kay Joni.

Dumaan sila sa likod ko habang nakatalikod ako sa direksyon nila at tumingin-tingin sa mga nakadisplay na alahas.

Matapos kasing magjogging nang dalawa ay kung saan-saan pa sila nagpupunta at ngayon nga'y nasa isang tindahan nang alahas kami.

Nang makalabas ang dalawa ay sumunod naman ako.

“Magnanakaw!!”Biglang sigaw nong staff doon saka nagtatakbo sa direksyon ko.

Nagpalinga-linga ako kung saan ang magnanakaw na tinutukoy niya nang mahagip nang paningin ko ang dalawa na nagtatakbuhan kaya kahit naguguluhan ay nakikitakbo narin ako.

“Bilisan mo baka makatakas!”Sigaw ulit nong staff na rinig ko'y malapit lang sa'kin kaya nilingon ko ito at nasa malapit ko na nga siya kasama ang isang gwardiya.

Teka ba't parang ako ang hinahabol nang mga 'to?Huminto ako at maggi-give way sana sa dalawa pero huminto din ang mga ito sa harap ko at hingal na hingal na napapahawak nang tuhod.

“Hala,matatakasan kayo niyan.”

“Anong pinagsasabi mo?”Galit na tanong nong babae na sinamaan agad ako nang tingin.

“Yong magnanakaw matatakasan kayo kung lalamya-lamya lang din naman kayo!”Pagalit ko namang sagot dito.Kung makatingin naman kasi parang ako 'yong nagnakaw nang alahas niya.

“Hawakan mo 'yan baka tumakbo pa!”Utos niya sa gwardiya na ikinagulat ko.

Napaatras ako ngunit hinila din ako pabalik ni Manong guard at hinawakan ang dalawang braso ko patalikod.

“Teka,anong ginagawa mo?!”Pilit kong binabawi ang kamay ko pero sadyang malakas ito.

Napangisi naman 'yong babae sa harap ko.“Bisto ka na babae,akin na!”Inilahad niya sa harap ko ang palad niya kaya napatingin ako dito.Ngunit muli akong napatingala sa kanya nang hindi ko makuha ang sinasabi niya.

“Akin na ang ninakaw mo!”Bigla niyang sigaw kaya napapikit ako at bahagyang umatras.Nagtatalsikan pa ang kanyang mga laway sa mukha ko.

“Anong ninakaw?!”Naiinis na tanong ko dito.Bukod kasi sa shower niya,pinagtitinginan narin kami nang mga tao kaya gustong-gusto ko nang itago ang sarili ko sa kahihiyan.

“'Yong alahas,miss!'Yong alahas!”Sigaw niya ulit na may kasamang tulak sa noo ko gamit ang hintuturo niya.Kung wala lang akong respeto sa nakakatanda baka natadyakan ko na 'to eh!

“Anong alahas ang pinagsasabi niyo eh hindi ko nga hinawakan 'yong mga display niyo!I mean,yeah I did touched it but I didn't take anything!”

“Wag mo 'kong maenglish-english ha!”Tinulak na naman niya ang noo ko kaya sinamaan ko na siya nang tingin.

Hinayaan ko siya nang simulan niya akong kapkapan,wala naman kasi talaga akong kinuha kaya wala rin silang mapapala sa'kin.

“Ki ganda-ganda mong tao,nagnanakaw ka!”Nanunuya ang kanyang mga ngisi at hinugot ang kulay gintong kwintas sa jacket ko.“ibinta mo nalang ang katawan mo kung gusto mong makabili nang ganito!”

Napamaang akong sinundan nang tingin ang kwintas na nakuha niya.Paano 'yan napunta sa'kin?!

“Hala dalhin 'yan sa presinto!”

“T–Teka po!”Pigil ko dito.My God,ayaw kong makulong! “H–Hindi ko po talaga alam kung paano 'yan napunta sa'kin!I swear!”Ngunit walang nakinig sa'kin.Hila at tulak ang ginawa nila sa'kin makalakad lang ako.

“Please naman oh,pag-usapan nalang po natin 'to.Gagawin ko po lahat nang gusto niyo wag niyo lang po akong ipakulong!”Matigas yata ang puso nang mga ito at hindi parin ako magawang pakinggan.

“Kuya,”nilingon ko ang lalakeng nakahawak sa'kin at nagmamakaawa itong tiningnan pero diretso lang ang tingin niya.

“Ate,hindi niyo po ako pwedeng ikulong,kailangan pa po ako nang pamilya ko.”Hindi ko na napigilan ang maiyak.Ang hirap magmakaawa sa mga taong sarado ang utak.Paano kung makulong ako?Paano si mama?'Yong pag-aaral kong gusto kong tapusin?Paano na si Tita?

Ipinasok nila ako sa pinakasulok-sulokan nang tindahan nang alahas na ninakaw ko kuno kung saan nakatambak ang mga lumang gamit na hindi na mapapakinabangan.Diyos ko po!Papatayin na ba nila ako?!Dahil sa cheap na kwintas na 'yon?!Papatayin nila ako?!

Nakatulalang nakatitig lang ako sa kwartong 'yon.Hindi makapaniwalang mamamatay lang pala ako dahil sa isang bagay na hindi ko naman ginawa.Mamamatay lang ako dahil sa kwintas na hindi naman kamahalan.

“Tumayo ka doon,”Utos nong babae at bahagya akong itinulak sa isang pader na may nakasampay na puting tela.

“Ano pong gagawin niyo sa'kin?”Nahintakutan kong tanong.

“Kukunan kita nang larawan.”Muli niya akong itinulak sa pader na siyang maging huli ko na yatang background.

“Ate,pag-usapan nalang po natin 'to please?Ayoko pa pong mamatay.”Muli kong pagmamakaawa na hindi parin niya pinakinggan.Itinapat niya sa mukha ko ang camera at tuloy-tuloy lang sa pagkuha nang litrato.“Napakabata ko pa po,ni hindi pa nga ako minahal nang mahal ko eh!”

Napangiwi siyang ibinaba ang camera.“Hindi kita papatayin,iha.Wag kang OA.”

“Talaga ho?!”Hindi makapaniwalang tanong ko.Pakiramdam ko para akong nabuhay sa ikalawang pagkakataon dahil sa sinabi nito.

“Warning lamang ito.Pero ikakalat ko ang litrato mo sa lahat nang pamilihan pati na sa police station,para kapag ginawa mo ulit ito sa ikalawang pagkakataon diretso ka na sa kulungan.”She said boredly saka ako muling itinulak palabas.

Stalking JoniWhere stories live. Discover now