Napatingala ako sa malaking pangalan nang tindahan ni Miss Tanya na nakapaskil sa mismong ibabaw nang pintuan nito. Hindi ko alam kung matatagpuan ko siya dito but I'll take my chances kahit gaano man ito kaliit.
Pumasok ako sa loob at dumiretso sa counter.
“Ms. Tanya?”
Napatingala mula sa pagtitipa nang computer machine si Miss Tanya. Sandaling nangunot ang kanyang noo ngunit napalitan agad iyon nang isang malumanay na ngiti.
“What can I do for you?” Pati boses niya ay malumanay din. Para talaga siyang anghel.
“Pumunta po ba dito si Joni? O nagkausap po ba kayo?”
“Ahhh,” She got out of her cubicle. Dress in all white, she stood in front of me. “His dad did. Baka galit parin siya sa'kin, he can't even look at me. Ngunit sa tanong mo kung pumunta ba siya dito, hindi na. They talked in his father's condo.”
Tama nga ako, hindi ko siya makikita dito.
“May nasabi po ba si Sir Levin, about him going away? Kung saan siya pupunta?”
“Would you like some coffee? Tea?”
Napailing ako sabay ngiti nang pilit. “Hindi na po, gusto ko lang po talagang malaman.”
Sandali siyang hindi umimik, just staring at me na para bang nag-iisip siya kung anong tamang sabihin sa akin.
“Alam naming aalis siya but I don't know where.” Bumuntong-hininga siya bago muling ngumiti sa direksyon ko. “Pero babalik siya.”
Iniwan nga niya ako?
“If you want to talk to Levin, he'll be here every day at lunch.”
Tumango nalang ako sa kanya at nagpaalam na.
Hapon na nang bumalik ako nang mansion. Nagulat pa si Kyle nang pagbuksan niya ako. Agad kong sinuyod nang tingin ang loob ngunit siya lang ang taong nakita ko. Tumakbo ako patungong kwarto niya at akmang kakatok ngunit napahinto ako.I turned around and smiled bitterly at Kyle.
“Hindi siya umuwi,”I stated. Iniwan ka na nga diba?! Tanga lang? But still my heart was hoping to hear something like 'dumating siya kanina, may binili lang.' o di kaya'y 'tumawag siya, matatagalan daw.' Kahit gaano man kababaw 'yon, tatanggapin ko but who am I kidding. He's gone. He's not sorry because of some fucking excuse but because he's leaving me.
Nanlulumong napadaosdos ako nang upo. Nakakainis. Ang unfair niya! Bakit wala man lang siyang sinabi! Maintindihan ko naman siguro. Malulungkot ako at masasaktan ngunit hindi kagaya nito, ang sakit, ang bigat, ang lungkot. Kung alam ko lang, hindi na sana ako natulog. Babantayan ko nalang sana siya hanggang umaga,titigan at yayakapin ko siya.
“Come here.”
Napakurap ako nang bigla akong yakapin ni Kyle. Ibinaon niya ang mukha ko sa dibdib niya at hindi ko alam kung anong meron sa mga yakap niya at nailalabas ko palagi ang gusto kong ilabas,at maiyak nalang.
Inaasahan ko naman na may mangyari matapos nang kanyang mga ikinikilos. He's extra sweet, he hugged me out of nowhere. Kissed me out of the blue and he smiled always when he should be sad and mourning. Ngunit hindi naman ganito kasakit ang inaasahan ko.
“Ilang ulit ka nang pinaiyak nang gagong 'yon ah!”
I pulled myself from him at pinahid ang aking mukha gamit ang likod nang aking kamay. “Sorry, nabasa ka tuloy.” Sinubukan kong punasan ang damit niyang nabasa nang luha ko ngunit basa na talaga' yon at hindi ito matutuyo sa bastang pahid lang nang aking maliliit na kamay.
YOU ARE READING
Stalking Joni
RomanceHe's a thief,wala siyang pinipiling lugar,basta gusto niya,mapapasakanya. At minsan nang naging biktima dito si Jhacky. Ngayon,trabaho niyang protektahan ito sa mundong mapanghusga.Trabaho niyang maging anino nito. It's her job to 'STALKED JONI'. Pe...