Chapter 45

0 0 0
                                    

Matapos magsarado ang mall, dumiretso na ako nang uwi. Isang sakayan lang naman ang inuupahan namin kaya nilakad ko na, lalo na at wala naman si Grasya para magreklamo. I swear, masamang impluwensya talaga ako kay Grasya, kitang-kita 'yon sa isang taong pagbabago niya.

Napahinto ako sa harap nang Tanya's Fashion Store. Akmang papasok ako nang maalala kong bumalik na nga pala siya, hindi ko na kailangang balik-balikan ang mga lugar na maaaring maaalala ko siya. Ito' yong isa sa kinatatakot ko eh, ang babalik siyang balewala na ako sa kanya. I took one last glance at the store bago ako muling humakbang paalis. Isang taon na, why can't i stop loving you?

Jhacky!”

Napadilat ako sa malakas na katok sa pinto at boses ni Kyle.

“You there? Can you open the door?”

“Ayoko!” Pasigaw kong sagot. Though, natatakpan nang unan ang mukha ko kaya baka hindi rin niya ako masyadong narinig.

“Bakit?”

Napanguso nalang ako sa naging tanong niya. “Tamad ako!”

Tumahimik saglit ang labas nang pinto hanggang sa marinig ko ang tunog nang mga susi. Arrggghhh!! Grasya! Nakalimutan ko yatang may spare key si Grasya. Mabilis kong tinakluban ang buo kong katawan nang kumot kasama narin ang mukha, nang pumasok na siya.

“Privacy, Kyle. Privacy.”

“Labas ka diyan, may dala akong pagkain.”

Binaba ko ang kumot ko hanggang leeg para matingnan siya.Nakatayo lang siya sa gilid nang higaan ko, looking down at me with his worried expression.At alam ko na kung bakit, at sana,hinihiling ko po na hindi na nila babanggitin ang pagdating niya.

“Kakain lang tayo, promise. I'll be quite.”

He pulled me from my bed at hanggang sa maliit naming sala ay hila parin niya ako. Tamad nga kasi ako kaya kailangan niya akong hilahin.

“Dumiretso ka nang tulog nang naka-uniporme?!” nagkasalubong ang kilay ni Grasya nang makita ako.

Ihinain niya ang mga dalang pagkain ni Kyle. May pizza, burger, fries at chicken joy. May nakita din akong ice cream na ipinasok niya sa ref.

Umupo ako sa lumang sofa sa harap nang maliit naming telebisyon. Maliit lang din ang apartment namin. The rent is cheap kaya inaasahan ko nang hindi gano'n ito kaayos nang lumipat kami ni Grasya.

Hindi na ako tinatantanan nang babaeng 'yan simula nang umalis ako nang mansyon. Ayaw rin naman daw niya do'n, dahil natatakot siyang iwan akong mag-isa, yon ang sabi niya pero baka takot lang din siyang mag-isa sa mansion. Nang ipinasok ako ni Tito Levin sa mall, ayon sumunod rin siya kahit hindi naman niya kailangan nang pera.Ipangbayad nalang daw niya sa inuupahan namin. Kyle offered us a home but I refused, nakakahiya kaya. Ang laki nang bahay niya, nakakalula.

“Jhacky—”

Naputol ang anumang sasabihin pa sana ni Grasya nang titigan siya ni Kyle. Kung ano mang ibig-sabihin nang titig na 'yon ay sila lang ang nakakaalam basta natahimik lang siya at ipinagpatuloy ang hinahanda.

Tahimik lang kaming kumakain, walang nagsasalita. Kung meron man, puro puri nalang' yon sa masasarap na nakahain. Akala ko tuloy-tuloy ko nang maiwasang pag-usapan ang tungkol sa kanya, not until ihatid ko si Kyle sa labas.

Akala ko tuluyan na siyang aalis ngunit muli niya akong hinarap. Pakiramdam ko'y may gusto siyang sabihin ngunit nag-aalinlangan siya.

“You okay?” That was what he managed to ask after a minute na nakaharap lang siya sa'kin.

Stalking JoniWhere stories live. Discover now