Ilang bote nang matatapang na alak ang nagkalat sa harap namin ni Joni, tila ba'y hindi siya nauubusan sapagkat kapag nauubusan kami ay may reserba na naman siya. Hindi ko alam kung saan niya itinatago ang mga ito at hindi man lang maubos-ubos.
Puro tawanan lang ang nangyayari kasi naman puro walang kwenta rin naman ang mga napag-usapan namin but we found it funny. Lasing na nga kami. I mean, ako lang pala. Si Joni kasi ay parang hindi man lang tinatamaan samantalang ako'y parang nasa alapaap na.
“She died because of me,” out of nowhere ay wika niya.
Ang kaninang masayang ambience ay napalitan nang lungkot at kaba naman ang sa'kin. Nakainom kasi siya kaya maaaring hindi niya kontrolado ang sasabihin niya. Natatakot akong baka bukas ay iiwasan na naman niya ako dahil nalaman ko ang mga bagay na hindi naman niya binalak na ikwento.
“Pasok na tayo,” aya ko sa kanya. Hindi ako komportabling makinig sa ikikwento niya gayong alam kong pagsisihan naman niya bukas.
“Just like you, she make sure I am out of trouble. She make sure that I am safe.”
O mananahimik na lamang ako hanggang sa matapos siya. Mas mabuti narin siguro 'to, baka makagagaan ito nang kanyang pakiramdam.
“Pero katulad mo rin ay hindi ko siya nailigtas. Napahamak siya nang dahil sa akin at hindi ko man lang siya nailigtas.” Napayuko siya at pinagmamasdan ang basong hawak-hawak niya. Ilang segundo siyang natahimik at ilang ulit bumuga nang hangin. “She was shot in the chest, right in front of me.” Now, that's a traumatising memory! Kung ako iyon baka isang buwan akong hindi na makakausap.
“At wala man lang akong nagawa kundi panoorin ang kanyang pagbagsak.”
“Joni..”
“Ni paghuli sa may pakana ay wala rin akong nagawa. I was just staring at him as he ran away.” Tinungga niya ang basong kanina lang ay pinakatitigan niya at inubos ang laman niyon. Napatingala siya at ipinikit ang mga mata kasabay nang tuloy-tuloy na pagbagsak nang kanyang mga luha.
Nataranta ako at hindi alam ang gagawin. Nakapako lang ang paningin ko sa mukha niyang puno nang pagsisisi. Kumirot ang puso ko sa nakita. Gusto kong patigilin ang pagbuhos nang kanyang luha. Gusto kong pawiin ang sakit na kanyang nararamdaman.
Bago pa man makapag-isip ang utak ko ay naunahan na ito nang aking puso. Inabot ko ang kanyang pisngi at pinahid ang kanyang mga luha. Nararamdaman ko ang bahagya niyang paninigas, ngunit sandali lamang iyon nang kumurba ang pilit na ngiti sa kanyang labi. Inilagay niya ang kanyang kamay sa ibabaw nang kamay ko at pinagdiinan iyon sa kanyang mukha.
“Namatay siya nang dahil sa'kin,” patuloy niya. “hindi ako napahamak dahil nagsilbi siyang anghel sa likod ko nang panahong kailangan ko siya dahil sa pesting sakit ko.”
May nauna pa pala sa'kin. At kahit sa nangyari ay hindi parin ito naging hadlang kay Tita na alukin ako nang parehong trabaho, but I can't blame her. Ina siya,at ang ina ay gagawin ang lahat para sa kanyang anak.
Hinawakan ni Joni ang kamay ko at ibinaba ito sa kanyang kandungan.Nakaramdam ako nang kuryente sa kamay kong hawak-hawak niya, lalo na at pinaglalaruan niya ito ngunit hindi ako nagtangkang bawiin ito. I like the feeling of his hands on mine at nakadagdag pa rito ang kiliti na dala nang kuryente.
“From that day on, I learned to control the urge to steal at nagtagumpay ako doon, but the justice she deserved is still not serve. Nawala nalang na parang bula ang taong bumaril sa kanya at naibaon sa limot ang nangyari.”
Nakatingin lang ako sa kanya nang bitawan niya ang aking kamay ngunit hindi ko napaghandaan ang kanyang sunod na kilos. Humiga siya patihaya at ginawang unan ang kandungan ko. Ako naman ang naninigas at hindi alam ang gagawin. Napahawak nalang ako sa mukha kong nag-iinit na naman. God, ano ba 'tong ginagawa sa akin nang lalakeng' to? Muli niyang hinila ang aking kamay at hinawakan ito nang mahigpit sa kanyang dibdib.
“Can you please stay?”
Pakiramdam ko ay tumalon ang puso ko at nagdidiwang ang mga insekto sa loob nang tiyan ko nang tumingala siya sa'kin at ngumiti.
“Mawawalan nang buhay ang mundo ko kung pati ikaw ay iiwan ako.”
Napakagat-labi ako para supilin ang sarili sa pagngiti. Unti-unti naring nasasanay ang aking katawan sa maikling distansyang namagitan sa aming dalawa ngunit hindi parin mawala-wala ang mga insektong kanina pa magulo sa loob nang tiyan ko.
“Sobrang cheesy,” natatawang komento ko.
“Pakialam ko eh, para naman sayo,” nakangiti niyang sagot na mas lalong nagpainit nang mukha ko.
Napailing nalang ako at hindi na sumagot.
Napapikit siya at ipinatong ang braso sa noo. Akala ko tutulugan na niya ako ngunit hindi nakaligtas sa'kin ang pagguhit nang pilyong ngisi sa kanyang labi.
“You lost.”
Napakunot-noong tinitigan ko siya. I lost? Anong ibig niyang sabihin––Natutop ko ang sariling bibig nang naalala ang ibig niyang sabihin. I lost?! Ibig sabihin kami na?!
“Hoy!” I poke his cheek. “Ang daya mo! Hindi ako ready!” Ilang ulit ko pang sinundot ang pisngi niya ngunit hindi parin siya gumalaw. Tinulugan nga ako?!
“Joni!” Susundutin ko sana ulit ngunit napatigil ako nang matitigan ang kanyang mukhang payapang natutulog. Nakunsensya ako bigla kaya ibinaba ko nalang ang aking kamay.
“Ang gwapo mo,” hindi rin ako nakatiis at muli ko siyang sinundot, ngunit hindi na sa pisngi kundi sa ilong. Taas eh. “para kang anghel ngunit magnanakaw nga lang,” napangiti ako saka ko pinaglandas ang hintuturo ko mula sa kanyang noo patungo sa tungki nang kanyang ilong. “magnanakaw ka nang puso,” at napahagikhik na ako. Para akong baliw na kinakausap ang taong tulog naman.
“Hindi ko alam kung maalala natin ito bukas ngunit gusto ko lang sabihin na, ang saya ko ngayong gabi. Hindi lang dahil for the first time, nalasing ako kundi dahil ngayong gabi, sinabi mong sa'yo ako at sa'kin ka. Kahit ngayong gabi lang, okay na sa'kin.”
Inabot ko ang natitirang alak sa isa kong kamay na malaya at walang pag-aalinlangan itong tinungga ko. Lumandas sa lalamunan ko ang mapait nitong lasa kaya napangiwi ako. Gusto kong malaman kung bukas ay maaalala ko parin ba ang lahat nang ito kahit na lugmok na ako sa kalasingan.
“I already believed in you,” dagdag kong wika sa tulog na binata. “and you're also forgiven. Kahit ako naman siguro sa kalagayan mo, magagalit din ako. There's nothing to forgive, anyway dahil hindi naman ako nagtanim nang sama nang loob. With just one smile from you, naglalaho agad lahat nang iyon.” Napunta sa buhok niya ang kamay ko at hinaplos ito. “and just so you know, wala akong pakialam kung matatalo mo ako. Unfair nga lang dahil gusto ko rin namang maka-experience nang niligawan noh. Ngunit may ligawan man o wala, sayong-sayo parin ako.” Napatigil ako sa kanyang mapupulang labi at muli akong napangiti. Ang labing ito ang pinakaunang labing natikman ko. “Sayong-sayo lang din ako magpapahalik. Sayong-sayo ako ngayong gabi. Sayong-sayo ako habang buhay, at sana pagdating nang bukas, akin ka parin.”
Umihip ang malamig na hangin kaya napapikit ako nang dumampi ito sa aking pisngi. Everything is just perfect. The place. Joni. And the feelings.
YOU ARE READING
Stalking Joni
RomanceHe's a thief,wala siyang pinipiling lugar,basta gusto niya,mapapasakanya. At minsan nang naging biktima dito si Jhacky. Ngayon,trabaho niyang protektahan ito sa mundong mapanghusga.Trabaho niyang maging anino nito. It's her job to 'STALKED JONI'. Pe...