JHACKY'S POV“Jhacky!”
Napasinghap ako nang makita si Joni na tumatakbo sa direksyon ko.Ang bills naman niya,magkausap lang sila ni Kyle kanina ah!Mas binilisan ko ang paglalakad hanggang sa patakbo na iyon kahit alam kong mahahabol parin niya ako.Atleast I'm trying.
“Hey,sandali nga lang!” Hinila niya ako paharap sa kanya.Sabi ko na nga mahahabol niya ako,diba.“Alam mo namang maaabutan parin kita takbo ka parin nang takbo ayan tuloy napagod ka.”
I coldly stared at him saka ko binawi ang braso kong hawak-hawak niya.“Uuwi na ako.Let's just pretend na walang nangyari kanina,wala kang narinig sa'kin at hindi kita iniiyakan.Uuwi ako at ipagpatuloy ang trabaho ko whether you like it or not.” Muli ko siyang tinalikuran ngunit hinatak niya lang uli ako paharap sa kanya.
“Paano kung sabihin kong gusto kita,hindi ka na ba magagalit sa'kin?”
Napakunot ang noong tinitigan ko siya.Ano na namang laro 'to?
“Kasasabi mo lang na hindi mo ako gusto,diba?Ano na naman 'to?!Lalayuan na kita eh!Lalayuan na kita,bakit ka pa humabol hmmp—” Nanlalaki ang mga mata ko sa sunod niyang ginawa.He kissed me!Oh God!He kissed me!
Natuod ako sa pagkakatayo ko at pinakiramdaman siya.His lips felt so good on me pero hindi 'to pwede.Kasama 'to sa laro niya.Hindi niya kasi ako mapapalayo sa ginagawa niya sa'kin kaya ang puso ko na naman ang target niya.Gusto ko na yatang pagsisihan na umamin ako sa kanya.
Itutulak ko na sana siya ngunit hinapit niya ang batok ko at mas lalong idiniin ang paglapat nang labi niya sa labi ko.Nang hindi gumana ang tulak para mapalayo siya.I stomped on his foot kaya nabitawan niya ako at napahawak sa paa niyang nasaktan.
“Ang sama-sama mo!” Muling uminit ang bawat sulok nang aking mga mata at alam kong any seconds ay iiyak na naman ako.Wala pa ngang isang oras na sinabi niyang hindi niya ako gusto tapos ngayon bigla-bigla nalang siyang manghahalik?!
“Bakit mo ba ginagawa 'to?Ano na namang balak mo?Let me fall hard and crushed me again?Para ano,layuan kita?Gagamitin mo ang puso ko para lang layuan kita?” Hindi makapaniwalang tanong ko.“Hinayaan naman kita ah!Hinayaan kitang dungisan mo ang pagkatao ko!Hinayaan kitang saktan mo nang paulit-ulit ang puso ko!Pero ang gamitin ito ay hindi na makatao!”
Napasuklay siya nang kanyang buhok kasabay nang pagbitaw nang malalim na buntong-hininga.“It's not like that.”
“Then what?You said a moment ago,hindi mo ako gusto.Na layuan kita.I was crying on Kyle para ilabas lahat nang sakit sa dibdib ko para maharap ko kayo nang normal.” Marahas kong pinahid ang luhang tuloy-tuloy na sa pagdaloy sa pisngi ko.Pinaiyak na naman niya ako.“Nakikialam ka na naman.Tapos ngayon sasabihin mo sakin na gusto mo ko?You even stole my first kiss!Damn it!” Napapadyak na ako sa halo-halong nararamdaman.“Gusto mong layuan na kita,diba?Fine,total amo naman kita,kayo ang masusunod.” Tumalikod na ako sa kanya at mabilis na tumakbo.
“Teka,Jhacky!” Muli siyang humabol sa'kin kaya mabilis kong hinubad ang suot kong dollshoes at mas binilisan pa ang pagtakbo.Nang may nakita akong taxi ay agad ko itong hinarang makasakay lang.
I rushed on Tita's room as soon as my feet landed on the mansion.Pinahid ko ang mukha ko gamit ang likod nang kamay ko at inayos ang buhok kong nagkabuhol-buhol na sa daming nangyayari ngayong araw.
I knocked on her door at bumungad sa'kin ang nakangiting mukha ni Grasya.Ilang saglit lang ay sumilip rin si Tita,kapwa nakangiti.
Parang tama yata ang maging disesyon ko.Tita is doing fine.Andyan naman si Grasya,pwede naman sigurong siya nalang ang magbabantay kay Joni since close naman ang dalawa at nag-ienjoy silang kasama ang isa't-isa.At idagdag nating magkasundong-magkasundo naman ang tatlo.I guess I'm not needed anymore.
YOU ARE READING
Stalking Joni
RomanceHe's a thief,wala siyang pinipiling lugar,basta gusto niya,mapapasakanya. At minsan nang naging biktima dito si Jhacky. Ngayon,trabaho niyang protektahan ito sa mundong mapanghusga.Trabaho niyang maging anino nito. It's her job to 'STALKED JONI'. Pe...