JHACKY'S POV
Napatigil ako sa paghakbang nang makita ko siya. Nakasandal sa locker katabi nang locker na sadya ko. Pasarado na ang mall at pauwi na ako nang maisip kong dadaan nang locker para kunin ang mga gamit kong nakatambak doon, at labis kong pagsisihan ang desisyong ito.Hindi ako handang makaharap siya nang kami lang dalawa, dahil alam ko na ang kasunod niyon.
“Can we talk?”
Eto na nga, mangyayari na. Mag-uusap daw kami. God! Hindi ako handa! Ngunit kailan nga ba ako maging handa?
Nakailang hakbang ulit ako bago nakarating sa tabi niya. Nagising ang mga paru-parong akala ko namatay na simula nang iwan niya ako. Parang alam nang mga 'yon na andito lang sa tabi ko ang taong dahilan kung bakit sila nag-iexist sa katawan ko.
Ipinilig ko ang aking ulo at huminga nang malalim para mawala ang pakiramdam na andyan siya malapit sa akin. Ngunit mas lumala lamang ang nararamdaman ko nang humarap siya sa direksyon ko. Matagal bago ko nabuksan ang locker, gawa nang panginginig nang aking mga kamay.
“Umalis ka sa bahay.”
“Nauna kang umalis,” hindi ko naiwasang isumbat sa kanya 'yon. My mouth just spit it out without consulting my brain. Gaga. Gaga. Gaga. Napakagaga mo.
“Binalikan naman kita, hindi ba?”
Nagpanting ang tenga ko sa narinig. Marahas kong sinarado ang locker at hinarap siya.
“Hindi ibig sabihin na dahil bumalik ka, maging okay sa akin ang pag-alis mo,” patagilid ko siyang tinitigan sa mukha. I wanted him to see how he changed me when he decided to walk away and leave me hanging. “but its okay, it does good to you. Napapaisip nga ako kung bakit ka pa bumalik, bakit ka bumalik sa lugar na puro lamang sakit ang naidulot sayo.”
“Because behind all that pain,love. There's you. Kahit ang sakit man nang pangyayari, there's always been you who make everything alright.” Sinubukan niyang abutin ang mukha ko ngunit bago pa man dumapo ang kanyang daliri sa balat ko ay umatras na ako.
“There's me?” pagak akong natawa. “meron ngang ako pero bakit meron ding siya?”
Hahawakan niya sana ulit ako ngunit siya na mismo ang nagbaba nang kamay niya. Nakikita kong gustong-gusto niya akong abutin ngunit hindi niya ginawa. Kahit aatras man ako, kung gusto niya magagawa niya. But someone stopping him. Violet.
“Alam mo 'yong pinakamasakit, Joni?” mapait akong ngumiti sa kanya kasabay nang pagpatak nang butil nang aking luha. “sinabi mo sa' king mahal mo 'ko ngunit, iniwan mo ako. Naintindihan kong kailangan mong maghilom nang mag-isa ngunit sinama mo siya. Hinayaan mong gampanan niya ang mga bagay na pinagkait mo sa' kin, ang makasama ka, maalagaan at mahalin ka. Alam mo ba 'yong nararamdaman ko? Pakiramdam ko hinanap mo sa iba ang mga bagay na hindi ko nagampanan bilang girlfriend mo.”
Marahas kong pinahid ang mga luha ko. “Let's just be stranger, shall we?” Binitbit ko ang mga kinuha ko sa locker at tinalikuran siya.
“Can't you wait just a little bit?”
Napahinto ako sa paghakbang.
“Just give me a little time, konting-konti lang ang hihingin ko. Please, hintayin mo ko.”
Isang taon kang nawala tapos manghihingi ka pa nang konting panahon? Tsk.
“Take your time, I am fine without you, anyway.” Kaya kong maghintay ngunit masakit na.
Naglakad ako nang walang lingon-lingon. Part of me wanted him to stop me from walking away ngunit gusto ko ring makalayo na kaagad.
“Ang sama ko ba?” wala sa sariling naitanong ko. Nakasandal ako kay Grasya habang nakaupo sa backseat nang sasakyan ni Kyle. Paglabas ko nang mall ay agad na bumungad sa akin ang dalawa. Para silang mga anghel na alam agad ang mangyayari, to the rescue agad with a worried expression on their faces.
“Hindi, nasaktan ka lang kaya ka nakakapagbitaw nang masasakit na salita.”sagot niya. Para akong bata na kanyang inaalo sa pamamagitan nang paghaplos nang aking buhok.
Nakakagaan nang pakiramdam ang paglabas ko nang saloobin ko kay Joni ngunit nakakaguilty. Baka galit na 'yon sa akin at pababayaan na talaga ako. My heart ache from that thought. Bakit ang lungkot isiping ganon nga ang mangyayari?
“Hey, we got an invitation from Tito Levin.”
Nag-angat ako nang tingin kay Grasya. “Para saan?”
“Birthday ni Joni.”
Napaayos ako nang upo at pilit inalala ang petsa ngayon.
“Hindi inaasahan ang biglaan niyang pagbalik kaya hindi ito napaghandaan nang maayos at biglaan ang imbitasyon.”
Birthday niya. Nakalimutan ko. Ngunit kung naalala ko naman, ano namang magagawa ko? Obligasyon na 'yon nang current girlfriend niya, o nang ama niya para surpresahin siya.
“Okay lang sana sa' kin kung hindi ka pupunta kung ayaw mo, ngunit hindi naman ako ang nagdiriwang so..” nagkasalubong ang mga mata namin ni Kyle mula sa salamin nang kanyang sasakyan. He knew me too well. Wala pa man akong sinasabi, alam na agad niya. “you have to go. Tito insisted.”
“And!” Grasya's high-pitched voice. “he had our dress ready already!” napapalakpak siya sa tuwa with a huge grin on her face.
Napabuntong-hininga ako. “Nakakainis,sinigurado talaga niyang hindi ako makakahindi hah!”
“And I thank Tito for that, dahil hindi ako pupunta kapag hindi ka kasama.”
Napanguso ako kay Grasya. “hindi mo alam ang papasukin mo kapag dadalo ka Grasya. Mamamatay ka sa pagkabored doon.”
Humagalpak nang tawa si Kyle na ikinalingon ko dito. “The last time you attended a party, you caught almost everyone's attention and you called it boring?”
“It's Grasya not me.”
“Tsk. I hardly recognize Grasya in you.”
A two box was delivered at our apartment at exactly two in the afternoon. Hindi ko pa man nabuksan 'yon ay nahuhulaan ko na ang laman niyon lalo pa at nagtitili na si Grasya nang pinagbuksan ko nang pinto ang nagdeliver. Siya lang naman itong sobrang excited sa party.
Binuksan ko ang natirang box matapos tangayin ni Grasya ang isa pa. Inside was a sliver coloured dress. Napahanga ako sa ganda nang kulay nito lalo pa nang itapat ko ito sa ilaw ay kumikinang ito. Kakaiba naman ang disenyo nang likod, medyo magulo ang pagkakabuhol nang mga tali na nakakapit naman sa balikat para hindi ito bumigay.Lantad ang likod nang magsusuot nito, sigurado. Hapit sa katawan at flowy. Ang swerte nang makakasuot nito. Too bad, I'm not in the mood to party kaya iuupo ko nalang ang magandang damit na ito.
Si Grasya narin ang nag-ayos nang mukha ko dahil hindi talaga ako expert sa ganyang bagay. Kung andito lang din sana si Tita, sigurado magpresinta din 'yon. Matapos ang ilang oras na pag-aayos ay narinig ko ang pag-ugong nang sasakyan na huminto sa tapat nang apartment namin.
“Sa wakas, andito ka na rin,mahal na prinsipe!” Bati ni Grasya kay Kyle nang pumasok ito nang kwarto. She's so hyper. Naalala ko ang sarili ko sa kanya. 'Yong dating ako. Masayahin, mapang-asar at maingay. Naalala ko, inis na inis sa' kin si Joni dahil doon. I wish I could just turn back the time.
“Stop staring at her!”
Napaangat ako nang tingin sa dalawa at nakitang nakatitig nga sa akin si Kyle.
“K–Kung ayaw mong pumunta,akong bahala kay Tito,”wika nito.
Bumagsak ang balikat ni Grasya. Kitang-kita ko ang pagkadismaya sa kanyang mga mata. “May masabi lang, Kyle? Nakabihis na oh! Bakit hindi mo nalang sabihin na ang ganda niya ngayon kaysa, kung anu-ano pang sinasabi mo.”
“Hindi kayanin nang konsensya ko kapag mabagot si Grasya doon,” I smiled sweetly at her. “... Kaya I'll be needed.”
“Yes!” Niyakap niya ako nang mahigpit. “Wag ka kasing feeling saviour niya!” Inikutan niya nang mata si Kyle kaya bahagyang nagulat si Kyle. Hindi parin yata siya nasanay sa new version na Grasya.
“Hindi ako feeling saviour,” poker face si Kyle. Wala yata sa mood. “I. Am. Her. Saviour. And this saviour will be late if you two won't hurry up!”
Nagkatinginan kami ni Grasya at sabay na natawa. May monthly period yata ang isang 'yon, ang gwapo pa naman sana niya sa kanyang long-sleeved na black.
YOU ARE READING
Stalking Joni
RomanceHe's a thief,wala siyang pinipiling lugar,basta gusto niya,mapapasakanya. At minsan nang naging biktima dito si Jhacky. Ngayon,trabaho niyang protektahan ito sa mundong mapanghusga.Trabaho niyang maging anino nito. It's her job to 'STALKED JONI'. Pe...