JHACKY'S POVParang sinabugan ang paligid ko nang puting maliliit na bulaklak nang inilatag ni Joni ang pulang blanket sa lupa.Nagsiliparan iyon sa iba't-ibang direksyon kaya napangiti akong napatingala kung saan nanggaling ang mga ito.Isang malaking punong namumulaklak pala ang natapatan namin kaya mas lalo akong natuwa.
I've never been in this part of the garden before dahil nakakatakot ang parteng ito, madilim at ang tayog nang mga puno na hindi ko naman napansing namumulaklak pala. I never thought some thing scary could be this beautiful.
Muling bumalik si Joni sa loob nang mansion, at nang bumalik ito ay bitbit na nito ang basket nang cookies na niluto ni Tita kanina at nakasipit naman sa kilikili niya ang dalawang bote nang alak.
“Maglalasing ka?”
“Nope,” napangisi siya at inilapag sa blanket ang mga dala. “maglalasing tayo.”
Napangiwi nalang ako. Ano kayang klaseng hayop ang pumasok sa utak nang isang 'to at ang weird na niya.
Pasalampak siyang naupo sa tabi ko at sinilip ang mukha ko sa ilalim nang sinag nang buwan. “You've been silent this past few days, naging boring ka na tuloy.” Napabusangot ako nang makitang nakangisi parin siyang nakatunghay sa' kin. “Nasaan na iyong Jhacky na ayaw patalo.”
“I got bored too. Nakakasawa pala kapag palagi ka nalang nananalo.”
Napapailing siya ngunit nakangiti naman, “yabang.”
Iginala ko ang paningin sa paligid.Maliwanag ang sinag nang buwan kaya hindi ko napigilan ang sariling mamangha sa paligid lalo pa at ang dami nang bulaklak na lumilipad sa direksyon ko.
“Hindi ko akalaing ang ganda pala dito,” inilahad ko ang aking kamay para pigilan ang pagbagsak nang isang maliit na bulaklak sa lupa. “natatakot kasi akong magawi dito sa isipang may masasamang espiritong nakatira dito.”
“Lahat naman maganda, you just had to look at it closely,” wika ni Joni. He popped the bottle of wine at nagsalin sa dalawang basong dala niya. “sa simula nga ang pangit mo sa paningin ko pero tingnan mo ngayon, pangit ka parin pero pwede na.”
Mabilis ang kilos nang aking kamay na pumulot nang isang bagay na maari kong ibato sa kanya ngunit sa kasawiang palad ay isang stick lang ang naibato ko kaya bumagsak lamang ito.
“Ouch, sakit.” Sarkastikong daing niya kaya mas lalo akong nainis.
Tinitigan ko lang ang mukha niyang nakangisi at hindi na pinatulan ang pang-aasar niya. Masyado syang nakakagulat nitong mga nakaraang araw, kung hindi siya sweet, palagi namang may nakapaskil na ngiti sa kanyang mga labi. Malayong-malayo sa masungit na Joni na nakagawian ko.
“'Yon lang ang kaya mo? Humanga ka na naman sa kagwapuhan ko kaya ka natameme.”
At idagdag na nating mahangin na din sya though totoo naman na sobrang gwapo nga niya pero kailangan ba talagang ipangalandakan iyon?
“Nakakatakot ka na.”
“Is that it?” Nakataas ang kilay na tanong niya. “I'm expecting more from you,love tapos 'yan lang ang maisasagot mo sa' kin? Ang low naman.”
Napanguso akong agad nag-iwas nang tingin. Hindi ko rin naman alam kung bakit ako nagkakaganito. Nasaan na 'yong mga harsh comment ko sa kanya?'Yong mga pabalang na sagot? Hindi ko rin alam. Siguro dahil mas nag-enjoy na akong kasama lang siya nang walang asarang nangyayari. Mas nag-enjoy na ako sa presensya niya kaysa naaasar niyang mukha.
“Ganito nalang,”Itinukod niya ang dalawang braso sa likod at katulad ko ay tumingala din siya sa kalangitan na puno nang mga bituin. “isa pang pagkakataong wala ka na namang maisagot, it means talo ka na, panalo ako.”
YOU ARE READING
Stalking Joni
RomanceHe's a thief,wala siyang pinipiling lugar,basta gusto niya,mapapasakanya. At minsan nang naging biktima dito si Jhacky. Ngayon,trabaho niyang protektahan ito sa mundong mapanghusga.Trabaho niyang maging anino nito. It's her job to 'STALKED JONI'. Pe...