JHACKY'S POVBumalik ako sa inuupuan at agad na nilantakan ang mga dessert sa mesa.
“No.Masama ako sa mga taong ayaw kong makasalamuha.”ulit ko sa sinabi ni Joni sabay ang panggagaya ko sa boses niya.Mukha na akong baliw sa ginagawa ko pero wala akong pakialam,‘naiinis ako!’“Ang sabihin niya mabuti lang siya sa mga kauri niya,mayaman na bastos!”
Napalingon ako sa direksyon ni Joni at di ko inaasahang nakatingin din pala ito sa direksyon ko kaya agad akong nag-iwas nang tingin at muling nag-fucos sa pagkain.Tsk,ano ba kasing pumasok sa isip ko at nakipagsayaw pa talaga ako sa kanya!
Bitbit ang platito ay nagtungo ako sa kinalalagyan nang mga dessert.Kakain nalang ako kesa pagtuunan ko pa nang pansin ang lalakeng yon,sakit siya sa puso!It's his fault we crossed path in the first place tapos may pasabi-sabi pa siyang ‘masama ang ugali ko sa taong ayaw kong makasalamuha!’Galing!
“Umaapaw na siya!”
Napaigtad ako sa gulat nang may nagsalita sa tabi ko.Agad akong napalingon dito.
“Nagulat yata kita,”nakangiting sabi ni Kyle.“'yong plate mo kasi puno na,mauubos mo ba 'yan?”
Napatingin ako sa platitong hawak ko at nagulat pa ako nang makitang punong-puno na ito nang isang putahe lamang.Nagtaas ako nang tingin sa lalakeng katabi ko at bumaba ulit sa hawak kong pagkain.
“Gusto mo?”nahihiyang inilapit ko sa kanya ang pagkain.Gulat siyang napatitig sa'kin at sa pagkaing hawak ko,maya-maya'y napahimas siya nang batok at alinlangang ngumiti sa'kin.
“Kung hinanda mo sana yan lahat para sa'kin tatanggapin ko yan nang buong puso.”
“Kaso hindi,kaya kunin mo nalang 'yong iba oh,hindi ko kayang ubusin eh.”halos pabulong ko nang pakiusap dito.Nakakahiya kasi,para akong patay-gutom sa dami nang pagkaing kinuha ko.
“E di ibalik mo.”
“Mas nakakahiya 'yon.”
Pinagtawanan niya ako kaya mahina ko siyang pinatid sa paa na mabilis naman niyang naiwasan.
“Samahan nalang kita sa pagkain nito.”Inagaw niya sa'kin ang platitong hawak ko.
“Naku,hindi na!”Mabilis kong inagaw sa kanya pabalik ang pagkain.“Puno na ang mesa namin at wala akong balak lumipat.”
“Yon lang ba?Madaling magawan nang paraan 'yan!Don't you know I'm Kyle Ivan Versusa?”
“So?”
“Everyone in here loved me,Ms.Bentura.”mayabang niyang sabi na may kasama pang wink.
“So?”
Nawala ang ngiti niya at sandaling natulalang tumitig sa'kin.“Maganda ka nga,hindi ka naman marunong mag-isip.”Nakasimangot na siyang kinuha muli sa'kin ang platito saka ako tinalikuran.Bakit ba?Hindi ko talaga gets eh,ano naman kasing konek nang pangalan niya sa pagsasalo namin sa pagkain?Hayyy...paano ko pa nito mabantayan si Joni kung andyan siya!Mas makulit pa naman 'to kay Tita Rusty!
“You two look perfect at each other!”
“Oh come on,Tita Eunice.There's no thing such as perfect.”sagot naman ni Kyle na nasa tabi ko umupo at confident na confident ang ngiti.
“But you two look like a ‘prince’ and ‘princess’ in a fairytale!”papuri ulit ni Tita Eunice as she giggled.Siya 'yong kulot ang buhok kanina na nag-iisang bumati sa'kin maliban kay Mrs.Barn.
Seriously!Kailan pa ba nagkita ang mga 'to at walang katapusan yata ang papuri sa isa't isa!
“Wag mo nang patabain pa ang puso ni Grasya,Tita.”he looked at me while grinning.“baka po masubrahan at magkaroon nang heart problem 'to.”
YOU ARE READING
Stalking Joni
RomanceHe's a thief,wala siyang pinipiling lugar,basta gusto niya,mapapasakanya. At minsan nang naging biktima dito si Jhacky. Ngayon,trabaho niyang protektahan ito sa mundong mapanghusga.Trabaho niyang maging anino nito. It's her job to 'STALKED JONI'. Pe...