“Good afternoon,Mrs.Mendez!” Pasigaw na bati sa'kin ni Mang Renee nang makita niya ako sa labas nang kompanya, nakatayo sa tabi nang isang buko stand at umiinom nang buko,pampalamig.
“Afternoon,Mang Renee!”Bati ko pabalik at kumaway dito.Ngunit agad din akong napayuko.Natatakot akong may kakilala ang asawa ni Huge dito tapos marinig pa 'yong tawag sakin ni Mang Renee.Naku,malaking eskandalo 'yon.Wala sana akong planong magpakita sa kanya o kanino man pero lutang yata ako at hindi ko napansin na open space ang kinatatayuan ko.
Tanghali na nang pumasok sa trabaho si Joni,ni hindi ito lumalabas nang kwarto para mananghalian.Nag-aalala na naman si Tita sa ikinikilos niya kaya ang sabi niya ‘wag mong hayaang mawala siya sa paningin mo.’Sobra tuloy akong kinabahan,akala ko alam na niya ang nangyayari kanina.
Napahinto ako sa pag-inom nang buko juice nang mag-vibrate ang phone ko.Kinuha ko ito at tinanggap ang tawag nang hindi ko man lang tiningnan kung sino.
“Nasaan ka ba?”
Napangiti ako nang makilala ang boses nito.Medyo gumaan pa ang pakiramdam ko,akala ko kasi galit siya sa'kin.
“In front of Abuella Corp.”
Malalim siyang bumuntong-hininga bago muling nagsalita.“Nakita mo pa ba ang mga larawan mo sa kalsada?”
Napalinga ako sa paligid pero malinis naman.“Baka hindi umabot dito.Wala kasi akong nakikita dito.”
“No,wala na talaga.May nagpapalinis daw.Tinawagan ko naman ang kaibigan kong pulis pero sabi niya pinapasunog na daw lahat.”
“E di mabuti,nakakadumi lang sa paligid 'yon eh.”Kibit-balikat ko.
“I don't know pero kasi sobrang maingat nang lugar na ito.Noon ngang may nagnakaw eh pinalakad nang nakahubad nang pinagnakawan,pati larawan nakakalat nang isang buwan,sayo isang araw lang.”
Napalingon ako sa pinto nang Abuella Corp nang lumabas doon si Joni dala-dala ang kanyang bag.
“Sandali lang Kyle,ha.Lumabas na kasi si Joni.”Ibinaba ko na ang tawag nang hindi hinihintay ang sagot niya.
Agad akong tumayo at sumunod kay Joni ngunit napahinto siya at lumingon sa akin.Walang emosyon ang kanyang mga matang napatitig sa'kin saglit bago mabilis ang hakbang na nagpatuloy sa paglalakad kaya mas binilisan ko rin ang paglalakad at halos tumakbo na ako.
“Joni!”Total nakita na naman niya ako.I might as well talk to him.Gusto kong itanong kung saang lebel na ba ang pagkamuhi niya sa'kin para talikuran ako kanina.
“Joni,tumigil ka muna,please.Napapagod ako sayo eh!”
Nagpasalamat naman ako at huminto siya.Napahingal akong napahawak sa tuhod ko.Ngunit muli siyang humakbang kaya nagpapanic na akong humabol muli sa kanya.
“Teka!Gusto ko lang namang itanong kung bakit mo ko iniwan kanina?”
Napahinto ulit siya ngunit nanatili siyang nakatalikod sa'kin.
“Sobra-sobra na ba ang pagkamuhi mo sa'kin pra hayaan mo akong mapahamak?”
“Kung sasabihin kong,oo.Titigilan mo na ba ako?”
“Hindi parin.”
He pursed his lips at madilim ang mukhang lumingon sa'kin.“Napahamak ka na nga't lahat-lahat ayaw mo parin akong tigilan!”Singhal niya kaya napayuko ako at napapikit.“Ano pa bang hinihintay mo?!Ang malagay sa bingit nang kamatayan ang buhay mo?!That is nonesense,Jhacky.Nonesense!”
YOU ARE READING
Stalking Joni
RomanceHe's a thief,wala siyang pinipiling lugar,basta gusto niya,mapapasakanya. At minsan nang naging biktima dito si Jhacky. Ngayon,trabaho niyang protektahan ito sa mundong mapanghusga.Trabaho niyang maging anino nito. It's her job to 'STALKED JONI'. Pe...