Jhacky's POVOo nga pala nakalimutan ko,right from the start ayaw naman talaga niya sa'kin.Pero after everything ,'yong asaran,those times that made me feel like he care,those moments that we both shared each others piece of our own life I thought it would change–but no.And why does it had to hurt me.
Hindi ko na siya kinibo hanggang sa marinig ko ang paglalakad niya palayo.Napahinto ako sa ginagawa at nilingon ang bulto niyang unti-unti nang nawawala sa paningin ko.
“Still an asshole huh,”naibulong ko sa sarili.“as if naman gusto rin kita.You're the most charming and all but nope.Never.”Hindi ko siya gusto.Hinding hindi.
Dating gawi na naman ako,Tita told me to rest pero sayang naman ang ibabayad nila sa'kin atsaka hindi naman mahirap ang trabaho ko,tamang takbo lang habang sinusundan si Joni.
“Did you do this every morning?”
Napahinto ako sa pagtakbo nang makilala ko kung sino ang may-ari nang boses na 'yon na nasa tabi ko na.
“Kyle?”
“Hi,babe,”he smiled at my direction habang patuloy lang sa pagtakbo.
Hindi ko pinansin ang tawag niya sakin mas nangibabaw sakin ang pagtataka kung anong ginagawa niya nang ganito kaaga sa subdivision na pag-aari nang mga Abuella. Don't tell me na sinusundan na naman niya ako?!
“Anong ginagawa mo dito?”
“Nagdya-jogging,obviously.”Nakangiti parin niyang sagot,hindi iniinda ang mga pawis na dumaosdos sa kanyang mukha.
“Dito ka nakatira sa subdivision nang mga Abuella?”tanong ko ulit.Ang layo naman kasi nang sa mga Versusa.Sa pagkakaalam ko mga 30 minutes ang tatakbuhin nang isang sasakyan mula dito.
“Nope.It just so happened na dito ako dinala nang mga paa ko and I don't know why,yon pala eh dahil nandito ka.”
Napangiwi na lang ako sa sagot niya.Gwapo naman si Kyle eh tapos ang lakas pa nang sex appeal kaso nga lang hindi ko talaga magawang kiligin sa mga banat niya.
“You did this every morning?”
“Hindi.It just so happened na kailangan kong gawin.”Sagot ko na mas ikinalapad nang ngiti niya.
“Ms.Mandagon,you make me like you more.”
Kunot-noong liningon ko siya,“wala naman akong ginawa ah,”
“Exactly,wala ka pang ginagawa pero gustong-gusto na kita,”napapailing siya habang hindi parin mawala-wala ang ngiti sa labi niya.“you're dangerous,Ms.Mandagon.”
Napangisi ako sa direksyon niya,“kaya simulan mo nang lumayo Mr.Versusa.Masasaktan ka lang sa'kin.”
“I won't mind,”kibit-balikat niya at nagpatuloy sa pagtakbo.
Napapailing na susundan ko sana siya nang mahagip nang mga mata ko si Joni.Kusang tumigil ang mga paa ko sa muling paghakbang.He's laughing.'Yong tawang hindi mo na talaga makikita ang mga mata niya.He's laughing with....Grasya.
Napakunot-noong napatitig ako sa dalawa.At kailan pa naging close ang dalawang 'to?Wala yata akong kaalam-alam na close na pala ang dalawa to the point na parang mas matagal pa silang magkasama kaysa samin ni Joni.
“Wag masyadong ikunot ang noo,tatanda ka nang maaga.”Natatawang sulpot ni Kyle sa harapan ko at hinaplos ang noo ko kaya napaatras ako't sinimangutan siya.
YOU ARE READING
Stalking Joni
Любовные романыHe's a thief,wala siyang pinipiling lugar,basta gusto niya,mapapasakanya. At minsan nang naging biktima dito si Jhacky. Ngayon,trabaho niyang protektahan ito sa mundong mapanghusga.Trabaho niyang maging anino nito. It's her job to 'STALKED JONI'. Pe...