Chapter 47

0 0 0
                                    


“Smile!” Kyle whispered. “Ang gwapo nang escort niyo pero poker face ka?”

Nginitian ko siya nang peke bago muling ibinalik ang tingin sa harap. Magkasabay kaming tatlo ni Grasya na dumating. Of course he's our driver, magtataka talaga tayo kapag hindi siya kasabay.

My heart is beating so fast. My mind is in haywire. Nanlalamig din ako. Idagdag pang para akong masusuka sa kaba. Iniisip ko palang na makikita ko siya ulit, nagkakaganito na ako, paano kung nasa akto na talaga. Matapos ba naman nag pag-uusap namin kahapon, hindi ko na alam kung paano ko pa siya harapin. Iiwasan ko nalang. Tama, pag-iwas nalang ang tamang gawin.

Sa backyard nang isang hotel ginanap ang selebrasyon. Napakalawak nang buong lugar at napakagandang tingnan. Iba't-ibang klase nang punong namumulaklak na sinabitan nang mga maliliit na ilaw. Iba't-ibang hugis nang balloon na may dalawang kulay, itim at puti. Inaasahan ko ang makukulay ngunit sobrang ganda parin nitong tingnan.

Matapos ang kahaba-habang pila nang mesa ay may railings naman na nagsisilbing bakod patungo sa dagat. Kaya may kalamigan siya.

“Ito pa ba ang sinasabing hindi napaghahandaan? Paano nalang kung pinaghandaan na talaga,” hindi makapaniwalang komento ko.

“'Yan ang magagawa kapag marami kang pera,” bulong ni Kyle.

“Here comes Kyle!”

At iyon nanakaw na sa amin nang isang ginang ang Kyle namin. Ang hilig talaga sa kanya nang mga may edad na.

Bago pa man may makapansin sa' min ni Grasya ay hinila ko na siya sa mesang bakante.Tagong parte ito kaya hindi agad kami mapapansin nag kung sino man.

“I–I'm nervous.” Nawalan nang kulay ang mukha ni Grasya. Palinga-linga din siya sa paligid na tila hindi mapakali.

“You're rich, act like one.” Pagtataray ko sa kanya. Gusto niya eh. Excited pa siya,e di lunukin niya. Inabot ko parin ang kamay niya para hawakan ito, mabawasan man lang ang kanyang kaba.

Nagsimula ang selebrasyon nang dumating si Joni. Ngumiti lang siya at parang hindi man lang nagulat. Ganyan siguro talaga ang mga mayayaman, wala nang thrill. Kinamayan siya nang lahat, binati, hinalikan at niyakap. Maliban sa amin ni Grasya. Tumunog ang musika at kinantahan siya nang birthday song kasabay nang pagblow niya sa kandila na nakatirik sa napakalaking cake. Matapos ay ngumiti siya sa lahat at bahagyang yumukod para magpasalamat.

“Wag mo nang titigan kung wala kang balak lapitan.”

Napailing ako at liningon si Grasya. “Hindi pwedeng manood?”

“Nanonood lang daw eh hindi ka na nga gumagalaw diyan sa kakatitig.”

“You're the cousin, lapitan mo at batiin.” Kinuha ko ang pagkaing kakalapag lamang nang waiter sa mesa namin at binanatan ito.

“Samahan mo ko.”

“No.” Walang kagatol-gatol kong sagot. “Babantayan kita kung may mangbully sa'yo at sasamahan kita kapag nabored ka pero pagdating kay Joni wala akong magagawa diyan.”

“Hindi mo siya babatiin?”

Napailing ako. Hindi ko siya liningon at nagpatuloy lang sa pagkain.

“Ang dami kasing tao, nakakahiya.” muli ay reklamo niya.

“Mas okay nga 'yon para mapansin ka nila, you belong to them anyway.”

“Segi, pagtulakan mo pa ako, babatukan kita.” Padabog niya akong tinalikuran kaya hindi ko napigilan ang matawa. Takot parin siya sa maraming tao, sabagay kami lang naman ni Kyle ang nakakausap niyan, maliban sa mga costumer niya sa mall.

Stalking JoniWhere stories live. Discover now