Chapter 36

0 0 0
                                    


“Jhacky,”

“Po?”

“Did we gave you a hard time?”

Napamulat ako nang mga mata at nilingon si Tita na nasa tabi ko lang. Nagpa-facial massage kami ni Tita Rusty sa isang Golden Massage and Spa, hindi kalayuan sa binilhan namin nang mga bulaklak, mga ilang minuto lang din ang itinakbo nang sasakyan.

Lahat nang kasangkapan dito ay kulay gold kaya siguro tinatawag itong Golden. Far from a busy street kaya sobrang tahimik na nakakapagdagdag sa relaxing na ambiance nito.

“Alam kong matigas ang ulo nang anak ko but I hope you'd understand, he'd been through a lot.”

Hindi ko maiwasang makaramdam nang pagka-guilty, since I once tried to quit. Hindi ko man lang naisip si Tita, mas inuna ko pang inisip kung paano ako pinahirapan ni Joni at kinalimutan kong higit na naghihirap si Tita.

“I'm sorry po,” Muli akong napatingin sa taas kaya bumungad sa'kin ang babaeng naka-uniporme nang gold-silk. Siya ang nakatukang magmasahe sa'kin. Naiinis na siguro 'to sa kalikutan ko. “minsan po kasi ang sarap niyang suntukin sa mukha.”

Mahinang natawa si Tita kaya napangiti narin ako. Buti nalang hindi siya nagalit, suntukin ba naman ang anak niya.

“I gave you the permission to do that just please don't leave him.” Nanggi-guilt trip yata si Tita. “Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kapag aalis ka pa. He need you, you know?” I doubt that. Matatag siyang tao. Hindi siya makakasurvive sa lahat nang nangyari sa buhay niya nang mag-isa kung kailangan pa niya ang isang katulad ko.

“Whatever happened promise me, you'll stay by his side,” Narinig ko ang paggaralgal nang kanyang boses at natukso akong lingunin siya ngunit hindi ko magawa dahil sa pinaggagawa niya sa mukha ko. “kahit ipagtabuyan ka man niya promise me you'll stay.”

Hindi ako nakasagot agad. Narinig ko ang pagsusumamo sa boses niya kaya naguluhan na ako. Hindi ko alam kung bakit ganito nalang siya kung magsalita. Kinakabahan ako na hindi ko mawari.

“Promise me, Jhacky.”

“Pero Tita—”

“Just promise me.”

Napabuntong-hininga nalang ako. Ayoko sanang mangako. Promises are meant to be broken. Nangako si Papa na dadalo siya sa graduation ko, nangako siyang andon siya sa lahat nang kaarawan ko. Someday when I'm getting married he also promise na siya ang maghahatid sa akin sa altar. Ngunit lahat nang iyon ay hindi na nangyayari. Lahat nang pangako niya'y nawalan na nang saysay simula no'ng nagkasakit siya at bawian nang buhay.

“I don't live forever, princess. I can't just leave him alone.”

“Tita, pinapangako kong hindi ko siya iiwan basta ba at lalaban din kayo.” Napasimangot ako. Ayoko talaga sa mga ganyang usapan. Masyadong seryoso, hindi ako makakasurvive sa mga ganyan.“Marami pang mga pangyayari sa buhay niya na dapat andon kayo. Mga kaarawan niyang dapat hindi mo nakaligtaan. Teka, kailan po pala yong birthday ni Joni, Tita?” Excited kong liningon si Tita. Pipigilan sana ako ni Miss gold ngunit sinamaan ko siya nang tingin.

“Next month, third week.” Nakangiti ring lumingon si Tita sa direksyon ko. Malapit na pala. Kung hindi ko pa itinatanong, hindi ko pa malalaman. “Can you plan it for him?”

“Po?” Bigla akong napabangon at muntikan ko nang masagi ang mga kagamitang nasa tabi ko. Muli akong napahiga at kiming ngumiti kay Miss Gold, hindi ko alam ang pangalan niya eh.

“Wala na akong maisip na idea to surprise him kaya sayo ko na ito ipagkakatiwala.”

Napakagat-labi akong pilit binalik-balikan sa isip ko ang sinabi ni Tita. Hindi sa ayaw ko, sa katunayan nga ay excited ako with a twist of horror. Horror, because as you all knew, ang yayaman nang mga taong ito tapos ako ang magpaplano?! Isa lang akong mahirap na tao na walang kaalam-alam sa party-party na iyan!

“Pero Tita, wala din po akong kaalam-alam sa mga ganyan!”

“Simple,” she smiled sweetly st my direction. “just make him happy in your own way.”


Sinalubong kami nang nakasimangot na si Joni nang makalabas na kami. Parang kanina pa siya naghihintay.

“Ang daming arte niyong mga babae, ang tagal matapos akala ko pa naman hindi ko na kayo makikilala pagkatapos, matutuwa pa ako,” reklamo niya. Nauna siyang naglakad samin at nakasunod kaming dalawa ni Tita.

Ilang dipa lang ang layo namin sa kanya kaya agad siyang naabot ni Tita nang batukan niya ito. Agad akong napahagalpak nang tawa lalo pa't mukhang hindi iyon inaasahan ni Joni.

He stopped walking, turned around and stared at his mom. Hindi makapaniwalang nakatitig lang siya nito na pinameywangan naman nang ginang.

“Kailangan namin ang ganitong bagay to maintain our beauty and its not just for us, its also for those men who doesn't know how to appreciate our beauty,”she flipped her hair at nilagpasan si Joni na nakatulala nalang.

Bumunghalit ulit akong tawa ngunit agad ko itong pinigilan sa pamamagitan nang pagtakip gamit ang aking kamay.Nakuha ko kasi ang atensyon ni Joni at ngayon nga ay ang sama na nang tingin nito sa'kin.

Tatakbo sana ako para sundan si Tita ngunit hinarangan niya ako. He stared at me from head to toe tapos balik ulit sa mukha. Nakakunot ang kanyang noo kaya nginitian ko siya nang may kagat sa labi. Maybe it would work para hindi na niya ako mapagbuntunan nang inis niya kay Tita.

“Nagpaganda ka para sa'kin?” Nakataas ang kilay niyang tanong.

“Y-Yes?”

Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Joni. Diretso lamang siyang nakatitig sa'kin kaya agad akong nag-iwas nang tingin.

“I–I mean, I can't just leave Tita there alone so it's not just for you, it's for Tita too,a–and m–myself?” Oh my, why am I stuttering?

He snorted. Bahagya siyang dumukwang at naramdaman ko nalang ang labi niyang dumampi sa labi ko. Its just a smack ngunit nagawa nitong pahintuin nang ilang segundo ang pagtibok nang puso ko. Naging slowmo siya sa paningin ko kasabay nang kanyang matamis na ngiti.

Hindi pa man ako nakahuma ay inakbayan na niya ako at iginiya palabas.

“I appreciated the effort but you already are beautiful at ayokong may magkagusto sayong iba, ayokong may kahati.”

Hayyss.. Nakakabaliw!

Stalking JoniWhere stories live. Discover now