Chapter 48

0 0 0
                                    

“Okay lang kayo, miss?”

Napasimangot na tiningala ko ang driver nang taxing sinakyan ko kanina. Nasira 'yong sasakyan niya tapos magtatanong siya kung okay lang ako? Ayos din' to si manong ah!

“Mga ilang minuto lang ay maaayos narin naman ito,” dagdag nito na ang tinutukoy ay ang sasakyan nito.

Ilang minuto. Baka tapos na ang party pagbalik ko doon, hindi ko na siya makita. Ngunit gusto ko siyang makita! Gaga ka kasi at umalis ka pa doon!

“Miss, saan ka pupunta?”

Nagsimula na akong naglakad pabalik sa dinadaanan namin nang tinawag niya ako.

“Maghahanap lang po ako nang makakatulong!”

Nasa parteng bukid kasi ang Jasmin kaya hindi matao at wala ding masyadong sasakyang dumadaan. Baka sa unahan meron.Itetext ko nalang sana si Kyle na magpapasundo ako ngunit saka naman ako na dead-batt, pagkakataon nga naman, ang malas.

Malayo-layo narin ang nalakad ko at nakakaramdam na ako nang pagod. Nakapaa nalang ako at binitbit ang suot kong sapatos na may mataas na takong, hindi ko na inalintana na nakagown parin pala ako.May nadadaanan nga akong bahay, para namang walang tao, kung babalik naman ako, aakyat lang akong muli.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa may namataan akong sasakyan palapit sa direksyon ko. Napakalakas nang pagkakatakbo nito kaya hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o matakot, nang huminto ito hindi kalayuan sa'kin.

Bumukas ang pinto at tumambad sa'kin ang nag-aalalang mukha ni Joni. Nagulat ako sa kanyang pagdating, hindi ko inaasahan na makita ko siya dito kaya hindi agad ako nakahuma8. nang tumakbo siya palapit sa'kin at niyakap ako nang mahigpit.

“Ang sama mo at pinag-alala mo ko!” Nanginginig ang kanyang boses at naririnig ko rin ang hindi normal na tibok nang kanyang puso. “Wala ka na ba talagang pakialam sa'kin at hindi mo man lang naisip na ako ang kauna-unahang mag-aalala sayo?!”

Bahagya niyang inilalayo ang sarili niya sa'kin, tiningnan ang kabuoan ko, hinawakan ang mukha ko at tila ba may hinahanap siya sa'kin. Saka lang ako napatitig sa kanyang mukha. Hindi ko akalain na sobrang nangungulila parin pala ako sa kanya up until now.

Gustong-gusto ko siyang halikan. Kulang ang isang yakap lamang para mabawi ang mga panahong hindi ko siya nakakasama.

“Are you okay? Wala bang nanakit sayo?”

Napaiyak ulit ako,dahil sa inis ko sa kanya at saya narin dahil nandito na siya. At dahil hindi naman na ako galit, napanguso nalang ako habang walang tigil ang pagbagsak nang mga luha ko. Para akong bata na nagtatampo sa lagay na 'to.

“Ikaw,” sinamaan ko siya nang tingin ngunit hindi ko parin maiwasan ang mapanguso. “sinaktan mo ko.”

Ngunit imbes na aluin ako, pinagtawanan niya lang ako. “I can't take you seriously, you're so cute.”

Sa inis ko ay nilampasan ko siya, binuksan ko ang kanyang sasakyan at pumasok. Sa likod pa talaga ako umupo para hindi ko makita ang kanyang mukhang natatawa.

“Ba't diyan ka naupo?” Dumungaw siya sa'kin mula sa front seat. “Dito ka, gusto kitang makatabi.”

Hindi ko siya kinibo, kahit na parang kiniliti na naman ang tiyan ko sa simpleng sinabi niya. Yumuko ako at pinagdiskitahan ang mga kuko ko.

“Isa!”

Hindi ko napigilan ang sarili kong tingalain siya. Seriously, binibilangan niya ako?! Ngunit nagbabanta ang kanyang boses at seryoso ang kanyang mukha kaya hindi ko maiwasang kabahan.

“Dalawa!”

I shifted on my seat. Susundin ko ba siya?Pakialam ba niya kung sa likod ako gustong umupo?! Hindi naman din siguro nakakamatay ang gagawin niya, kapag hindi ako susunod. Ngunit, hihintayin ko pa ba 'yon?

“Tatlo!”

Nagulat nalang ako nang pabalya niyang binuksan ang pinto sa tabi ko at binuhat ako bigla.

“Waaahhhh!! Ibaba mo ko!” Pilit akong kumakawala sa kanya ngunit hindi man lang siya natinag.

Wala akong nakitang emosyon sa kanyang mukha nang ibaba na niya ako sa passenger seat, at hindi ko man lang napansin kung paano niya ito nabuksan habang buhat ako.

Matapos akong ibaba ay ang seatbelt naman ang pinagdiskitahan niyang ikabit sakin. Medyo natagalan pa siya kaya itinulak ko na.

“Ako na,”

Ilang dangkal parin ang layo niya sa'kin at hindi man lang natinag sa pagtulak ko. Naaamoy ko pa ang pabango niya kaya pinigil ko na ang paghinga, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masimhot ko pa siya.

Hindi siya nagsalita at inagaw niyang muli sakin ang seatbelt.

“May kamay po ako! Atsaka hindi ako makahinga sa lapit mo!”

Tumigil siya sa ginagawa at tumingin sakin. Sobrang lapit na nga niya tapos titingin pa siya sakin. Nakakaconscious.

“Nagpayakap ka na sa'kin kanina, ah. Ngayong wala pa naman akong ginagawa, nagrereklamo ka.”

Sinamaan ko siya nang tingin ngunit ako lang din ang napapaiwas nang blanko niya akong tingnan.

“Payakap nga ulit.”

Hindi makapaniwalang nilingon ko siya. Wrong move. Sobrang lapit na niya, 'yong tipong kunting-kunting tulak nalang, magkabungguan na ang ilong naming dalawa. Sa pagkakataong ito ay nakangiti na siya.

“Noong muli kitang makita, gustong-gusto kitang yakapin ngunit natatakot akong mareject mo lalo pa at pinakita mo sa akin na parang wala kang pakialam.”

“I still hate you,” bulalas ko. I hate myself the second it leaves my mouth. Marami na akong sinayang na pagkakataon and here I am, ruining the moment.

Mariin akong napapikit nang mas lalo siyang dumukwang palapit sakin, at ilang saglit pa ay naramdaman ko ang kanyang labi sa noo ko. Medyo nadismaya ako, nahalikan naman na niya ako noon sa labi ah! Bakit sa noo?!

Matapos nang kanyang ginawa, ay saka lang niya sinarado ang pinto, run to the other side at tahimik na nagmaneho.

Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa labas. Nakakahiya ang inasal ko.

Stalking JoniWhere stories live. Discover now