JHACKY'S POV
Walang kaso sa'kin kung ibalandra nila sa buong lugar ang mukha ko,'yon eh kung maganda akong tingnan pero naman tsong!Ang pangit pangit ko!Para akong bumangon galing sa hukay!Sobrang pangit!
“You're beautiful,”sabi ni Kyle habang hawak-hawak ang papel na may larawan ko.Maganda daw pero natatawa naman siya.
“Kung makapanglait ka ah!”Binatukan ko siya kaya mas lalo siyang natawa.“Wag mo na nga lang pansinin 'yan,hindi ako 'yan noh!”
Napatingin ako sa gawi ni Joni nang huminto ito saglit.Nagdya-jogging kami ni Kyle habang nakasunod sa kanya,siya naman ay nag-iisa lang.Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila ni Grasya at nagsosolo siya ngayon.
Pinulot niya ang larawan ko kaya napangiwi ako.Hindi lang naman kasi sa mga tindahan nakalagay ang mga larawan ko kundi sa kung saan-saan pa nakakalat 'yon.Ang iba nga'y natapak-tapakan na nang mga nagdaraan.
Nakakabadtrip,hindi na nga niya ako magustuhan sa normal kong itsura tapos makita pa niya ako sa nakakasurang kalagayan.Hayy,wala na talagang pag-asang magustuhan niya ako.
“Jhacky kasi next time,umayos ka.Mamaya niyan kung ano pang mangyari sa'yo.”Si Kyle ulit na sinabayan ako sa pagtakbo.“Baka mamaya niyan sa kulungan na kita pupulutin.”
“Oo na po,”napangiti ako sa kanya.“You know,my father passed away already.And since you cared that much,can you be my father?”
Napangiwi siya sandali pero agad din 'yong napalitan nang nakakalokong ngiti.“Depende.”
“Depende saan?”Nakakunot-noong tanong ko.
“I can be your father in one condition...”hindi parin nawawala ang mapaglaro niyang ngiti as he step closer to me.“...you'll call me your sugardaddy.”
Laglag ang panga ko sa narinig kaya napahagalpak siya nang tawa.
“You should've seen your face,it's worse than those picture na nakakalat.”
“Kyle!”
Masyado kong na-enjoy ang company ni Kyle kaya nawala sa paningin ko si Joni.Inikot ko nang aking mga mata ang paligid pero hindi ko talaga siya mahagilap.Damn it!Damn it!Ilan lang 'yan sa napakaraming pagmumura ko sa isip ko.Bakit kaya napakapabaya ko!
“Ah Kyle,hiwalay muna tayo oh!”
“Hindi pa nga tayo, gusto mo nang makipaghiwalay?”Biro niya pero hindi ko nagawang matawa.
“Doon ka,sa kabila naman ako.Text mo ko kapag nakita mo si Joni.”
“Nawawala siya?”Napalingon siya kung saan namin huling nakita si Joni bago nagpalinga-linga narin.
“Please,tulungan mo ko.”Pagmamakaawa ko.
“Sige,sa kabila ako.”Tumakbo na siya sa ibang direksyon at ako naman ay nagpatuloy sa daang tinatahak ko.
Hindi ko maiwasang kabahan sa pagkawala niya sa paningin ko.Baka gagawa na naman siya nang bagay na maaring ikapahamak niya o ikapahamak ko.Hindi pa nga ako nakamove on sa nangyari kahapon tapos eto na naman.
Lahat nang taong nadadaanan ko ay napapatingin sa'kin,hindi na kasi jogging ang ginawa ko,race na talaga 'to.Idagdag pang namumukhaan na ako nang mga tao.
Lumiko ako kung saan marami nang nagbubukas na tindahan nang mabangga ako nang isang taong katulad ko ay nagmamadali ring tumakbo pasalungat ko.Sa lakas nito ay natumba ako.Napangiwi ako't sinubukang tumayo nang may mga apat na kalalakihan na naman ang nagtatakbo sa direksyon ko.
YOU ARE READING
Stalking Joni
RomanceHe's a thief,wala siyang pinipiling lugar,basta gusto niya,mapapasakanya. At minsan nang naging biktima dito si Jhacky. Ngayon,trabaho niyang protektahan ito sa mundong mapanghusga.Trabaho niyang maging anino nito. It's her job to 'STALKED JONI'. Pe...