Huminto kami sa harap nang isang malaking bahay—ay hindi mansyon na yata 'to.Nang makapasok na kami ay namangha naman ako sa sobrang ganda nang garden na bumungad sa'kin,punong-puno ito nang iba't-ibang klase at kulay nang mga bulaklak na nakapalibot sa hindi kalakihang fountain.
Hindi pa nga ako nakarecover sa ganda sa labas ay nadagdagan pa ang pagkamangha ko sa ganda sa loob.It's a two-storey mansion pero parang walang hanggan naman ang laki nito.Sa sala palang dodoblehin na yata ang apartment na inuupahan ko.Two grand staircase stood in each corner at nagtatagpo iyon sa second floor.Ang dami ding naka-vase kaya ang bango nito ang bumungad sa'kin pati paintings nila ay mga bulaklak din ang nakapinta.
“Bakit ka nagnanakaw kung ganito pala kayo ka yaman?”tanong ko sa kanya ngunit dire-diretso lang siya na parang hindi ako narinig.Pero tama siya hah,kaya nga niya akong bilhin.
Mula sa left side na hagdan ay bumaba ang isang babae.Maganda,sopistikada at mukhang model itong naglakad sa direksyon namin.May nakita akong similarities sa dalawa gaya nang medyo singkit nitong mata,so I guess its his mother.She smiled sweetly atsaka ito hinalikan sa pisngi.Akala ko nga magrereklamo itong kasama ko sa ginawa niya pero sinuklian lang din siya nito nang isang ngiti saka ito inakap.
“Mom,”
Kumalas sa kanya ang nakangiti paring ginang at bumaling sakin,“You did'nt warn me about our visitor.”
“Oh that....”lumingon sa direksyon ko ang lalake,“she's here for a job.”
“A job,”she stated.“that's interesting.”She looked at me from head to toe kaya medyo nailang ako.
“I'm Jhacky Mandagon,at your service.”nakangiti akong yumukod sa ginang ngunit nang tumingala ako ay nakita kong nakatitig lang sa'kin ang dalawa na parang inaasahan talaga nilang gagawin ko 'yon.Baka masungit siya!Mas masungit pa sa anak niya!!“ah sorry,I thought it was funny.”
“What a charming young lady,”komento niya at ngumiti narin sa wakas.“come,titingnan natin ang kusina kung may pagkain pa ba.”hinila niya ako bigla kaya hindi na ako nakapalag pa.
“Kailan kayo nagkakilala ni Joni?”
“Po?”
“Kailan kayo nagkakilala nang anak ko.”Ah,Joni pala ang pangalan nang anak niya,hindi ko alam yon ah.
“Nito lang po.”tipid kong sagot habang pinanood siyang naghahalungkat nang pagkain sa ref nila.
Malaki rin ang kitchen nila.Lahat nang makikita mong kulay ay light brown at black lang maliban na lang sa flower vase na nasa gitna nang mahabang mesa.Malaking ref at kumpletong set nang lutuan.
“Paano kayo nagkakilala?”muling tanong nito.
Paano kaya kung sabihin kong ninakaw nang anak niya ang jacket ko?Baka nga alam na niyang magnanakaw ang anak niya ta's yumaman sila dahil doon.
“Sa apartment ko kasi siya napapadaan every morning.”sabi ko nalang.
“I see.”tumango-tango pa siya habang busy na sa pag-iinit nang mga pagkain na nakuha niya.
Nang matapos ay isa-isa niya itong inilapag sa mesa.Beef steak,adobo ,fried chicken,at nilagang baboy.
“Kumain ka na.”
“Paano po kayo?”
“Nakapagkape na ako.Si Joni naman sanay na yang kumain nang alas-diyes kaya makikisabay na ako.”
Napatingin ako sa mga pagkaing inihanda niya.Napakarami nito ta's para sa'kin lang pala.She dragged a chair para upuan ko kaya nahihiyang umupo na ako.Ako pa talaga ang pinagsilbihan niya hah.Nakakahiya.
YOU ARE READING
Stalking Joni
Storie d'amoreHe's a thief,wala siyang pinipiling lugar,basta gusto niya,mapapasakanya. At minsan nang naging biktima dito si Jhacky. Ngayon,trabaho niyang protektahan ito sa mundong mapanghusga.Trabaho niyang maging anino nito. It's her job to 'STALKED JONI'. Pe...