★ Seize The Day Sweetie!
First character's POV
"Iha bumangon ka na jan baka mapagalitan ka nanaman ng tiyahin mo."sambit ng kasambahay namin mula sa labas ng kwarto.
"Opo manang linda babangon na ho ako"sambit ko.
I got up from my bed and stretched my arms while yawning I started tidying my bed up para naman maging maayos tingnan.
Pagbaba ko, nasa hagdan palang ako narinig ko na ang boses ng tiyahin ko.
"Aba!oh gising na pala si seńora , tanghali na hindi ka pa bumabangon, baka nakakalimutan mo hindi kita pinatira dito para maging prinsesa, abay magtrabaho ka naman para mapakinabangan ka!" Mahabang sambit ng tiyahin ko.
"Tss.tanghali daw eh alas kuwatro palang ng umaga, palibhasa kase nagmula pa sa kabihasnan ng sina-unang tao"bulong ko.
"Oh ano pang binubulong-bulong mo dyan? Magluto ka na at nang makakain na tayo baka magutom ang anak ko."sambit ng tiyahin ko.
"Opo"sabi ko
I am Angel Ann Montefalco, 18 years old, 2nd year college, nakatira ako dito sa bahay ng tiyahin ko,I was adopted by her when I was 13, my mother and father died two days after my birthday. We had a car accident at ako lang ang nagsurvive but my memories were washed out because of that accident I am suffering amnesia. I study at BU (BUENAVENTURA UNIVERSITY) a private university where people screams power and elegance.
Pagkatapos kong magluto tinawag ko na sila tita at anak nya si tito naman maagang umalis may emergency daw kase sa kompanya.
Pagkatapos kong kumain dumeretso na ako sa kwarto ko para maghanda. I did my morning routines. naligo, nagtoothbrush, tapos nagdamit ako ng pang civillian since it's our first day of class pwede pa naman magsuot ng ganito.
Pagbaba ko nakita ko yung pinsan ko, babae sya, only child kaya spoild yan pero mabait naman.
"Hello, Good morning ang ganda mo talaga parang ako lang hahaha—anyways are you ready? Sabay ka na sakin para naman may kausap ako sa kotse. Ano tara?"sambit nya, see may pagka baliw din yan. Mas matanda kase yan sakin 19 years old na sya 3rd year college.
"Ok, tara na baka pagalitan nanaman ako ng mama mo"nakangiting sabi ko.
"Nako,wag mo na pansinin yang si mama badtrip lang kase naiwan nanaman ni papa"sabi nya ng natatawa pa,
She is Sunny Montenegro.
"Shhh, baka marinig ka mapagalitan ka nyan"sabi ko ng mahinang bese
"Tss, as if naman,Tara na nga"usal nya sabay hila sa akin.
Paglabas namin ng bahay nakaparada na yung sasakyan namin papuntang school we study at the same school.
Pagdating namin sa school bumaba kami agad kase hahanapin pa namin yung room namin ang lawak lawak pa naman nitong school na to.
So diretso ako sa building ng 2nd year college, habang naglalakad ako sa corridor kinakalkal ko yung bag ko dahil hinahanap ko yung cellphone ko baka kase nagtext si ate sunny, sabi kase nya ite-text nya daw ako pagnahanap na nya yung room nya.
I felt something hit my head causing me to fall on the floor,
"A-aray"sabi ko ang sakit kaya, yung pwet ko tumama sa tiles huhuhuhu it hurts AF.
BINABASA MO ANG
The Lost Memory *UNEDITED.
Non-FictionIsang dalaga ang nawala sa piling ng kanyang pamilya at sa isang taong nagmahal at nag-alaga sakanya ng lubos, makabalik pa kaya sya sa tunay nyang pagkatao o makakahanap na sya ng taong handang mag-alay ng sariling buhay makasama lang siya. "Life h...