Chapter 7

158 6 0
                                    

Angel's POV

Pagkatapos kong magmeryenda dumeretso muna ako sa salas para manood.

Wala akong kasama dito sa bahay yung mga kasambahay nagday-off tapos si tito at tita umalis din magde-date daw tapos si ate sunny naman ayun umalis din pumunta sa mall sinundo kanina ng mga kaibigan nya.

Habang nanuuod ako biglang tumunog yung phone ko.

From:0935*******

Hi angel.

Sino naman toh?

To:0935********

Sino ka? Tsaka bakit mo ko kilala? At saan mo nakuha no. Ko?

From:0935******

Si mico toh angel.

Ay ganun? Hindi ko nalang sya nireplayan nagpatuloy nalang ako sa panonood ng drama sa tv.

Mico's POV

Bakit kaya hindi na sya nagreply? Siguro busy sya.Hindi na lang ako nangulit baka may ginagawa pa syang mahalaga eh

Nandito ako ngayon sa salas nanood nakakaboring nga tong pinapanood ko eh love story kase hindi naman ako mahilig sa ganito kaya lang kase wala akong magawa tsaka yung babaeng character—she remind me of someone.

Someone na hindi ko na dapat inaalala at iniintindi.Bigla kong naalala yung nangyari 3 years ago i was just 15 years old in that year pero natutu akong magmahal ng dahil sa kaisa-isang babaeng pinagkatiwalaan ko.

Flashback.....

" Jan sana pagnakapag tapos tayo ng pag-aaral tayo parin at sana sa panahon na yon matatawag na akong mrs. Buenaventura."   Sabi ni mae          -girlfriendko- habang nakatingin kami sa star sa kalangitan at magkahawak ang mga kamay dito sa park malapit sa bahay nila.

"Sige kung yan ang gusto mo, pero alam mo kung anong mas gusto ko.... "Hindi ko na muna itinuloy ang sasabihin ko kaya napatingin sya sakin with questioning look i just amiled at her at nagpatuloy na"yung makasama ka habang buhay ng walang nagbabago sa feelings natin sa isat-isa at magiging matatag kahit ilang ulit tayong sabukin ng tadhana."sabi ko ng nakangiti habang tumitingin sa langit ang daming bituin.

"Ang cheesy mo talaga kahit kaylan."sabi nya at pinisil pisil ang ilong ko.

"Aisshh,Wag mong igaganyan ang ilong baka pumangit ako baka hindi mo na ako magustuhan nyan."sabi ko nang nakapout.

"Naku ikaw talaga alam mo? Kahit na maging ikaw ang pinakapangit na creature sa mundo hinding hindi aki magsasawang mahalin at gustuhin ka."sabi nya sakin ngumiti naman ako.

"Tara hatid na kita sa inyo baka hinahanap  ka na ng mga magulang mo eh."sabi ko at tumayo sabay kaming naglakad.

Nang makarating kami sa gate pinapasok ko na sya sa loob hindi ko alam na ito na pala yung huli naming pagkikita sana nilubos lubos ko na ang makasama sya.

Isang buwan. Isang buwan na ang nakalipas simula nung ihatid ko sya sa bahay nila pero ni anino nya wala akong nakita sa loob ng isang buwan puro pag-aalala ang nararamdaman ko nag hire na nga rin ako ng PI para malaman kung nasan sya pero wala eh bigo parin ako.

"Mae asan ka naba?bakit hindi kana nagpapakita sakin oh kaya naman nagpaparamdam? May ginawa ba akong kasalanan para gawin mo sakin toh? Nag-aalala na ako sayo eh."sabi ko sa mahinang boses habang nakatingin sa maliliwanag na bituin sa parke hindi ko namalayang tumulo na ang luha ko agad ko itong pinunasan at tumayo maglalakad na sana ako ng marinig ko ang boses na hinahanap-hanap ko araw-araw ang boses na kahit kaylan hindi pinagsawaan ang boses ng babaeng pinaka mamahal ko.

"J-jan"sabi ng isang babaeng napakapamilyar ang boses nakatalikod ako sakanya kaya para masiguro kong sya nga yun humarap ako biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko sya sa wakas nagpakita narin sya.

"Mae saan ka ba nagpunta ha? Pinag-alala mo ako ok ka lang ba ha—"pinutol nya ang mga sinasabi ko sa pamamagitan ng isang munting halik sa labi.nang humiwalay sya biglang may lumabas na likido mula sa mga mata nya.napakunot ang noo ko ano bang nangyayari?

"Im sorry jan but i have to do this for your own good."sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Ano bang pinagsasasabi mo ha?kung tungkol ito sa pagkawala mo ng isang buwan pinapatawad na kita—"

"Jan maghiwalay na tayo."putol nya sa sinasabi ko habang may dumadaloy na likido sa pisngi nya.

Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko sa narinig ko kasabay ng pagpatak ng luha ko ang pagpatak ng masaganang ulan.

"B-bakit mae may ginawa ba akong masama sayo ha? may kasalanan ba ako? Tell me please pagusapan natin toh.mae please wag naman ganito hindi ko kakayanin na wala ka sa tabi ko—"

"Shh,wag mong sabihin yan nabuhay ka nang ilang taon ng wala pa ako ng hindi mo pako nakikilala im just doing it b-because i-i d-dont l-love you anymore jan im sorry."sabi nya sabay talikod sa akin niyakap ko sya sa likod.

"Please wag mo namang gawin sa akin toh please mahal ma mahal kita please."sabi ko ng umiiyak.

Umiiyak lang sya habang pinipilit na tinatanggal ang yakap ko ng naalis na nya ang pagkakayakap ko sa kanya bigla syang tumakbo at sumakay sa kotse na katitigil lang sa harapan namin pilit kong hinahabol ang sasakyan pero hindi ko nagawa.

Napaupo ako sa kalsada habang umiiyak.

"Mae naman eh bakit naman ganito ano bang kasalanan ko?"sabi ko habang humahagulgol.

Nang medyo kumalma na ako tumayo na ako at dumeretso sa bahay.

Pagdating ko sa bahay deretso agad ako sa mini bar ng kwarto ko nilagok ko lahat ng mga alak na makita ko dito hanggang sa malasing ako kahit pansamantala lang makalimutan ko sya at yung sakit na hatid nya.

Three days its been three days simula nung nakipaghiwalay sya sakin at hanggang ngayon wala na akong naririnig na balit sa kanya.

Kring...... Kring...

"Hello tita baki po kayo napatawag?"diretsong tanong ko kay tita myrna pagsagot ko ng tawag mommy sya ni mae.

"Iho kaylangan ka nya, kahit ngayon lang please iho be with her please."sabi sakin ni tita habang umiiyak bigla akong kinabahan alam ko kung sini ang tinutukoy ni tita tinanong ko sya kung nasan si mae sinabi naman nya agad pinatay ko ang tawag at lumabas agad akong pumasok sa kotse ko at pinaharurot patungo sa lugar na sinabi sakin ni tita.

Pagkarating ko dumeretso agad ako sa room nya pagkapasok ko parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng makita ang itsura nya namumula na sya at parang hirap na hirap bigla nalang tumulo ang luha ko sa mata.

Lumapit ako sa kanya habang sya ay nakapikit habang nakahiga sa hospital bed umupo ako sa upuan at hinawakan ang kamay nya nagmulat naman sya ng mga mata at tumingin sakin ng dahan dahan......

—★—★—★—★

To be continued.....

Sinong nabitin?  Haha sorry pero bawi ako sa next chapter
Vote and comment dear readers

💋Lablots💋

The Lost Memory *UNEDITED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon