Chapter 18

106 5 0
                                    

Jayson's POV

Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko yung nakita ko kanina.

Bakit naman kaya sya pumunta sa ganitong lugar eh sosyaling tao yun, halos ayaw ngang umapak sa lupa eh parang nandidiri.

Pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang babaing sinakay nya sa kotse nya, is it because of that girl kaya sya nakapunta dito? Well thanks to her then.

I stood up after i finish my food and went to my car.

Dumeretso ako sa company ko para alamin kung ano na ang nangyayari dun 3 days have past simula nang bumisita ako dun.

Angel's POV

Pagpasok namin sa isang mamahaling resturant agad kaming umupo sa table na ipinareserve ni jl ,hanggang ngayon talaga sosyalin parin tong taong toh hindi parin nagbabago kung  gumalaw nga toh eh sobrang hinhin parang babae di makabasag pinggan.

"Kung iniisip mong masyadong mahal dito sa resto na toh at baka mahirapan akong magbayad no marami naman akong pera eh infact kaya kong bilhin ang buong resto na toh eh."bigla nyang salita.

"Tss, ang yabang mo talaga kahit kaylan."sambit ko habang nangingiti.

Ngumiti lang din naman sya tsaka dumating yung inorder nya kanina, looks like mabubusog ako dito ah amoy at tingin palang masarap na yum yum.

Habang kumakain kami walang imikan parehas ata kaming gutom.

"So,kumusta naman ang bakasyon mo sa ibang bansa?"basag ko sa katahimikan.

"Well, ok naman i've travelled in different countries at sa bawat paglapag ng paa ko sa ibang lugar may nakikilala akong mga babae."sagot naman nya habang nakangisi na nagpupunas ng bibig gamit ang tissue.

"Oh, nahanap mo na ba ang true love mo?"tanong ko habang nakangiti.

"I dont exactly know but this girl na nakilala ko in US,well she made me think of her time to time i dont know why but i just wanna see her everytime i think of her, kaya nga natagalan ako sa paguwi dito sa pilipinas kase iniistalk ko pa sya."sagot nya ng nakakunot ang noo habang natatawa.

"Oh eh bakit ka pa umuwi dito,hindi mo sya mababantayan baka may ibang lalaki nang umaaligid sakanya."sabi ko.

"Eh hindi din naman ako pupunta dito kung wala sya rito sa pilipinas,you see she's a filipina."sabi naman nya habang nakangiti at nakataas pa ang isang kilay, kita mo to parang bakla.

Tumango tango nalang ako at uminom ng tubig.

Pagkatapos namin kumain, namasyal muna kami sa park bago nya ako hinatid sa bahay, hapon na rin kase.

Pagpasok ko sa bahay biglang nagsalita si ate sunny.

"Sino yun? Si jl ba yun?"tanong ni ate habang tumatanaw tanaw pa sa labas ng gate.

"Ate naman nakakagulat ka, Oo si Jl yun"sagot ko habang hawak ko yung dibdib ko jusko magugulatin pa naman ako.

"Oh eh bat dimo pinapasok para makapagmiryenda muna."sabi naman nya sakin habang nakatingin sa kotse ni jl na papalayo.

Umiling-iling nalang ako tsaka pumasok.

Nakalimutan kung sabihin sa inyo si ate sunny at si jl may past kaya ganun nalang toh maka react, mahal pa kase nya. Shhh, secret lang natin yun ah sure naman kase ako na idedenie nya yun eh.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko dumeretso ako sa banyo maliligo lang muna ako ang init kase kanina kaya pinagpawisan ako pasmado pa naman kamay at paa ko.

Pagkatapos ko maligo nag-ayos muna ako yung ayos ng taong nasa bahay lang ganon, bumaba na ako para magluto ng hapunan namin.

Pero pagdating ko sa kusina may nakahain nang pagkain kumunot naman yung noo ko, day off ngayon ng mga maids ah sino kayang nagluto ng mga toh?

"Oh angel halikana umupo ka na at kakain na tayo."sabi ni tita margarette.

"Ah, eh tita sino pong nagluto?"tanong ko habang kumakamot sa batok.

"Ako, eh pansin ko kase this days nagiging busy na kayo ng ate sunny mo, kaya ako nalang nagluto baka makaistorbo pa sa inyo ang mga bagay na ganito."sagot naman ni tita habang nakangiti na nakatingjn sa mga niluto nyang pagkain.

Napangiti naman ako, hindi ko ba nasabi sa inyo na last quarter na namin kaya pahirapan na talaga kami ang hihirap na nang mga lessons pati mga activity namin kaya talaga busy na kami minsan nga nakakalimutan ko narin kumain dahil sa pagod nakakatulog nalang ako ng hindi nakakakain at nakapagpapalit.

"Oh, upo ka na at pagkatapos natin kumain ako na maghuhugas at umakyat ka nalang sa kwarto mo at matulog, ok?"mahabang sambit ni tita habang nakangiti tinignan ko naman si tito na nakakunot ang noo habang nakatingin kay tita.

Nang mapansin ni titong nakatingin ako sakanya ay tinignan nya ako at binigyan ng nagtatanong ekspresyon sa mukha nagkibit balikat lang ako at umupo na at kumuha ng pagkain ko.

Pagkatapos namin kumain inutusan na ako ni tita na matulog sa taas syempre gustong gusto ko naman ,ngayon lang toh nangyari kaya lulubos lubusin ko na haha.

Pag-akyat ko sa kwarto ko nagpalipas muna ako ng busog ko para di ako bangungutin ganon daw kase yun pag natulog ka ng busog babangungutin ka. Tsaka kapag nahiga ka ng busog aakyat yung pagkain na kinain mo kase hindi pa nadigest.

So pagkatapos ko, nahiga na ako sa kama tsaka natulog.

—★—★—★—★not edited—★—★

Hay salamat naka update ulit hindi ko alam kung bakit ang tagal ko magupdate tapos naman na ang exam sa last quarter.

Anyways vote and comment parin kayo dear chinggos

So sorry matagal KO na tong draft eh Kaya Lang ang making wp nagloloko Kaya di ko ma publish pero naayos naman na.

💋Lablots 💋

The Lost Memory *UNEDITED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon