Guys warning lang po haha 3k words kasi natype ko hindi ko na kasi napansin anyways enjoy reading muahhh muahhh.
____________________________________
Now Playing: I just fall inlove again
Grace's POV
Nagsimula na ang kanta at nagtaka ako ng nagtipon lahat ng tao dito sa gym at nagform ng heart na may butas sa gitna.
Wow this is AMAZING.
Pati ang mga teachers ay nakisali narin, tinignan ko si Angel at nakitang nagnining-ning ang mga mata niya.
Ang ganda iba iba ang kulay.
Each students kase may color coding,
1st year Red
2nd yr. Blue
3rd yr. Yellow
4rth yr. Pink
At kung sino ang magkakakulay ang damit sila ang nagsasama. Grabe talaga ang ganda.Habang manghang mangha ako ay hindi ko namalayan na may nakalapit na saakin at hinila ako.
Napanganga ako ng napunta ako sa gitna ng heart at pagtalikod ko bigla nalang tumulo ang luha ko dahil sa saya.
"So you did all of this?" tanong ko habang naluluhang nakangiti.
"Yes, for you, n-nagustuhan mo ba? tanong ni carl na parang kinakabahan at nagkakamot pa ng batok.
"Para saan to?" tanong ko ulit.
"For Forgiveness and Answer." sagot nya at napalunok.
Nawala ang ngiti ko ng maalala ko ang nangyari sa amin kaya sya humihingi ng tawad ngayon.
FLASHBACK.......
Mahigit anim na buwan na akong nililigawan ni Carl and here i am waiting for him at the bench of our school.
Nakangiti ako at pinagpapraktisan ang sasabihin ko sakanya.
"The answer is YES Carl, i love you." Bulong ko.
Mali mali mag isip ka pa ng mas maganda Grace.
"Yes Carl sinasagot na kita."
No, haissst kinakabahan ako hindi ako makapag-isip ng tama.
Napangiti ako ng makitang naglalakad si Carl tatayo na sana ako ng may humila sa kanya.
Agad na nawala ang ngiti ko ng makitang hinila nung babae si Carl at hinalikan and they were kissing senseless napaawang ang labi ko at napasinghap sa nakita ko.
Nagsimulang tumulo ang luha ko habang nanginginig sa galit at sakit , nagsimula akong lumapit sa kanila.
Bumitaw yung babae sa halik dahil hinihingal na sila, Carl is ready to let her go pero napansin niya akong nakatingin sa kanila.
Nagsimulang rumagasa ang luha sa mata ko wala na akong ibang nagawa kundi tumakbo nalang hanggang sa mapagod ako.
Naririnig kong sinisigaw ni Carl ang pangalan ko pero hindi ko siya pinapansin tumatakbo lang ako hanggang sa mapagod ako at sakto namang may tumigil na taxi kaya agad akong sumakay.
Ang sakit, Anim na buwan na niya akong nililigawan tapos makikita ko lang siyang nakikipaghalikan sa iba.
Iyak lang ako ng iyak habang yakap ang sarili ko.
"Ihja tahan na wag ka ng umiyak kasi kahit ano mang problema ang meron ka hindi yan masusulusiyonan ng pag-iyak dapat harapin mo ang problema kapag kumalma ka na." sabi ng manong driver.
BINABASA MO ANG
The Lost Memory *UNEDITED.
Non-FictionIsang dalaga ang nawala sa piling ng kanyang pamilya at sa isang taong nagmahal at nag-alaga sakanya ng lubos, makabalik pa kaya sya sa tunay nyang pagkatao o makakahanap na sya ng taong handang mag-alay ng sariling buhay makasama lang siya. "Life h...