Challenge # 04

71.5K 2.5K 283
                                    


No.

Eli's

Dad and I went to the firing range that morning. Ayoko nga sanang sumama kasi may mga meetings ako kasama noong mga clients ni Japhia pero ni-request ni Dad na si Donnie na lang ang papunta ko – ang assistant ni Japet para makipag-usap. Very capable naman ang assistant niyang iyon. Wala naman akong nagawa. Kaysa naman magtampo pa si Dad sa akin, sumama na lang ako. Nag-iingat lang rin kasi ako. Pagkatapos noong nangyari sa amin ni Belle kagabi, ayoko na munang makita siya.

Restless na restless ako kagabi. Ilang beses akong nanaginip nang sinasaksak ako ni Uncle Jude ng samurai niya sa dibdib, o kaya man, may hawak siyang bolo tapos tinaga niya ako sa leeg hanggang sa mapugot ang ulo ko, siyempre namatay ako, o kaya man nagpa-tattoo ako sa kanya tapos iyong neddles may lason, siyempre namatay pa rin ako. Walang panaginip ko ang naka-survive ako sa isang Judas Escalona.

There is a reason why he's named Judas Escalona. He's the baddest among the five. Si Daddy, noon, naringgan ko siyang natatakot siya kay Uncle Jude. Iba raw kasi ito magalit. Si Ninong Axel ay ganoon din. H'wag na h'wag daw gagalitin si Escalona kung nais pang masikatan ng araw. I had my fair share when I was dating Orang. Ilang beses ay tinutukan niya ako ng kwarenta'y singko. Doon ko talaga naisip na hindi talaga ako dapat lumapit sa kahit kanino sa anak niya. Noong nga lang biniro ko siya minsan na may Belle at Cindy pa siya, inabangan niya ako noon tapos binirahan ako sa tagiliran. Akala ko gigripuhan ako ni Uncle.

"Anak, okay ka lang?"


"Okay naman, Dad. Pakiramdam ko kasi may taning na ang buhay ko pero wala lang ito. Phase lang ito." Sabi ko naman sa kanya. I was driving. Napakunot ang noo ni Daddy sa akin.

"May sakit ka ba?"

"Wala po. Kung sakaling mamamatay ako, murder po, pero joke lang iyon, Dad. H'wag ninyo na akong intindihin. Okay ako."

"Nag-usap kami ng Mommy mo. Sabi niya baka daw kulang ka sa sex. Bakit ba kasi hindi ka makipag-date, anak para naman malibang ka? We are modern parents, Eli. We understand this stage. Baka nga daw naiinggit ka kay Japhia dahil kasal na ang kapatid mo. Are you feeling left out dahil lahat ng mga kapatid mo may asawa na?"

"Correction, walang asawa si Ate Tami." Wika ko pa. "Naanakan lang siya ni Lenos Demitri."

"Boyfriend niya si Ramoncito. Anong problema mo?"

"Tingin mo ba, Dad, seseryosohin ni Ramon si Ate?"

"Kapag hindi ipapakilala ko sa kanya ang paborito kong baril."

Nagkatawanan kami ni Dad. Kahit paano ay nawawala na ang agam-agam ko. We reached the Firing range. Sabay kaming bumaba ng sasakyan at sabay rin kaming pumasok. May isang pwesto roon na palaging pinagtatambayan ng lahat. Malayo pa lang ako ay nakikita ko na si Aurora at si Red, kasama nila si Uncle Jude. Mukhang kailangan kong ihanda ang sarili ko, baka kailangan ko ng bullet proof. Mamaya tatawagan ko si Oliver.

"Hi, Uncle." Binati ni Red si Dad. Nagmano siya, si Aurora rin. Ako naman ay nagmano kay Uncle Jude. Ayaw niya pa noong una pero hinayaan niya na lang din ako. Paglingon ko ay nakita ko si Belle. Ngising – ngisi siya sa akin.

"Hello, Eli!" Bati niya. "How are you?"

"Okay naman."

"Ano, Red, wala pa ba?" Tanong ni Uncle sa manugang niya. Lumayo ako sa kanila. Iyong safe distance lang. Naupo ako sa tabi ni Aelise. She was reading something.

"Did you burn it yet? The barnyard?"

"Malapit na." She grinned.

"Wala pa, Dad. Busy rin kasi si Aurora sa school niya. Pagkatapos na lang siguro ng internship niya."

Sparks FlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon