Challenge # 06

59.8K 2.6K 406
                                    

Ayoko nito

Eli's

It puzzles me. Belle Escalona seemed different. I've been observing her these past few weeks and I have noticed a lot of changes in her. For example, she doesn't talk that much. Belle had always been a loud person. She's a happy person, she was always goofing around which annoys her sisters – lalo na si Aurora, but this Thursday dinner, I noticed that she was just playing her food, she doesn't participate in the conversation. She just sit there, as if she doesn't exist anymore.

"Coffee, anyone?" Mommy asked. Tinulungan siya ni Tita Gina. Sina Uncle Ido, Ninong Axel, Uncle Jude at Uncle Azul ay nagpunta na sa labas, yosi time na. Kahit nagtataasan ang kilay ng mga Tita ay hindi na sila kumibo basta na lang sila umalis. Everyone left the dining table. I was about too, but Belle didn't move. Napansin kong binalikan siya ni Cindy.

"Belle, lika, doon tayo kay Ate Orang." She didn't move. "Ate..."

"I'm okay. I'll stay here." Walang nagawa si Cindy kundi ang iwanan nga ang kapatid niya. Lalo akong nagtaka. Hindi siya ganito. Maybe something happened to her. I sighed when I realized what happened to her. Kasalanan ko ito.

"Belle." Tinawag ko siya. She just looked at me. I sighed. "Belle, sorry ha." Wika ko. Iyong huling pag-uusap lang naman namin ang naiisip kong dahilan ng ipinagkakaganito niya. Hindi ko talaga siya dapat tinawag nang malandi. Hindi naman siya malandi. I just want her to leave me alone and it seemed like it worked pero ayoko naman nang ganito siya.

Wala siyang karea-reaksyon.

'What do you want huh?" Nginitian ko siya. "I'll make it up to you."

"Just let me be." Malamig na wika niya. Matalim ang mga tinging ibinigay niya sa akin. Doon pa lang alam ko nang kailangan kong tumahimik at iwanan nga siya. I just let her. Baka may iba siyang problema. Hindi lang talaga sanay na makita siyang ganito.

Lumabas ako para mag-yosi na lang din. Naririnig kong nagkakatawanan ang Originals doon sa gilid. Si Uncle Ido ang bumabangka. Joker talaga siya.

"Hi, Eli." Napalingon ako noong magsalita si Cindy. May dala siyang tasa. Naupo siya sa pasimano ng terrace namin at saka nagbuntong -hininga. Pinatay ko naman ang yosi ko para hindi siya mauskan.

"O, bakit malungkot ka?" I asked. Tinabihan ko pa siya pero sumandal lang ako sa pasimano. She sighed.

"I'm worried kay Ate Belle. May nakwento ba siya sa'yo?"

Nagkibit – balikat naman ako. "Hindi naman na kami nag-uusap." Thankful talaga ako na hindi na kami masyadong nag-uusap kasi hahaba ng life span ko. "Ano bang nangyari?"

"Hindi ko nga alam." Mangiyak – ngiyak na si Cindy. "She's always sad, she's always having nightmares. One week na siyang ganoon at nag-aalala na talaga ako. Palagi siyang umiiyak sa panaginip niya. Tinatawag niya si Daddy, nanghihingi siya ng tulong. Hindi ko alam, basta kinakabahan ako. She's changing and it scares me a lot. Parang ibang tao na siya."

We have the same observation. Lumaki si Belle at Cindy sa mga mata namin at talagang nakapagtataka ang nangyari sa Ate niya.

"Anong pinag-uusapan ninyo?" Dumating si Aurora.

"Si Ate Belle, Ate. She's sad."

"Oh?" Binalingan ako ni Aurora. "Anong ginawa mo sa kapatid ko?!"

"Wala!"


"Omg! Mag-boyfriend kayo?!" Sigaw ni Cindy. Napalingon ako sa kinatatayuan nila Uncle Jude.

Sparks FlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon