Challenge # 16

74.6K 3.3K 518
                                    

Mom. Mom. Mommy

Belle's

"Lalaki ang baby ko."

Ngiting – ngiti ako kay Mommy kasi pagpasok niya pa lang ng room ko ay sinabi ko na. Hindi ko kasi mapigilan. I just need to let it out. Napapalakpak naman si Mommy. Agad niya akong nilapitan at hinalikan. She caressed my face and smiled widely.


"Tyak na matutuwa ang Daddy mo. Hindi muna natin sasabihin. Pag-uwi na lang natin. The doctors have cleared you. Makakauwi na tayo mamaya."


"Bakit po wala si Dad?" Bigla naman akong nalungkot nang mapansin kong walang kasama si Mommy. Kahapon, hinintay ko si Dad maghapon pero hindi talaga siya dumating. Si Eli naman ay hapon na nakapunta dito dahil marami raw siyang client calls. Maghapon, si Cindy lang ang kasama ko. Naalibadbaran na ako sa mukha niya. Basta ang gusto kong nakikita palagi ay si Daddy o kaya man si Eli.

"May mga bagay lang na ginagawa ang Daddy mo ngayon. Pero mamayang gabi, uuwi siya. Sinabi ko kasing lalabas ka na. You can tell him about the baby's gender kapag nasa bahay na tayo. Are you hungry? Do you need anything?"

"Hello! Hello!"


Napatingin kami ni Mommy sa pinto. Bumukas kasi iyon. Pumasok si Tita Leira, Ninang Yella, at Tita Bernice, lahat sila ay may dalang kung ano para sa akin.


"Aba, mukhang magaling na si Belle ha. Nagdala ako ng wanton soup para makaginhawa ka." Si Tita Leira ay inayos agad ang pagkaing dala niya. Si Tita Bernice naman ay lumapit sa akin.

"Ang laki ng tyan na. May gender na ba?"

"Lalaki raw." Si Mommy ang sumagot.


"Oh di magpapaparty ang lolo? Nakalalaking apo? Si Ernesto noong manganak si Reese at lalaki, kulang na lang ipasara ang buong village."

"Si KD rin, akala mo naman walang anak na lalaki. Noong nagka- Eris naman kami, binili agad ng diamond necklace ang apo. Akala mo eighteen years old na agad ang apo namin. Tapos mayaman pa ang ama, pagkapanganak ni Eris, may kotse na may bodyguard pa."


"Si Azul nga tinuturuan nang mamaril si Matea."

Tumawa si Tita Gina.


"Si Ido, tinuturuan si Caspian na gwapo siya. Iyong apo ko naman, parang nahihiya, napu-frustrate tuloy ang asawa ko."


"Excited na rin si Jude na magka-apo ano, Arielle." Wika ni Tita Bernice.

"Ang sabi ko nga sa kanya, kahit anong situation pa naming dalawa, basta maging masaya lang si Belle, masaya na rin kami." Hinawakan ako ni Mommy sa kamay. "Jude has a lot right now. I am scared that he won't be coming back."

Hindi ko maintindihan si Mommy. Ano kayang ibig niyang sabihin na hindi babalik si Daddy?

"Ma, akala ko ba uuwi siya mamaya?"

She just smiled. Nilagay nila sa harapan ko iyong pulley table at binigyan ako ng soup. Wala naman akong nagawa kundi ang kumain kasi noong maamoy ko ang luto ni Tita Leira ay nakaramdam ako ng gutom. Ang saya lang dahil naririnig ko silang nagkuwekwentuhan tungkol sa mga apo – apo nila.

"Mommy, bathroom lang ako." Tumayo na ako kasi busy naman silang lima. Hindi naman ako lalayo. I went to the bathroom, nagwiwi lang ako tapos bumalik na rin ako sa loob. Napangiti ako dahil naroon na pala si Eli. He smiled at me.


"Are you feeling well?"


"Yeah. Buti naka---" Nabitin ang pagsasalita ko dahil nakita kong may kasama pala siya. Si Jo, iyong nakita namin dati sa MCDO. Humalik pa siya sa pisngi ni Ninang Yella at nakipagkamustahan. Tahimik akong naupo sa kama ko habang pilit kong inilalayo sa kanila ang tingin ko.

Sparks FlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon