Finally
Eli's
Hanggang kailan?
Ipinilig ko ang aking ulo habang pinapanood ko si Belle, si Cindy at si Alonso sa may sala at naglalaro. She's very happy right now. Ayokong mawala ang ngiting iyon sa mukha ni Belle, lalong lumalawak iyon kapag nakatingin siya kay Alonso, kung minsan ay sa akin na rin. Three months old na si Alonso kaya medyo may interaction na siya sa amin. Hindi na siya madalas tulog at gumagawa na siya ng sudden movements, medyo matigas na rin ang katawan niya kaya tuwang – tuwa si Belle kapag kinakarga na siya. Nahahawakan na rin niya ang mukha ng mommy niya.
"Eli, gutom ako." Nagulat ako nang mapansin kong nakatingin na sa akin iyong magkapatid.
"Ha?"
"Ito naman. Papadeliver na lang tayo. Palalabasin mo si Eli, may ginagawa siya." Pinagalitan ni Belle si Cindy. Napailing ako. "Ako na lang ang tatawag sa mcdo, Eli." Wika niya pa.
"Hindi na. Tatakbuhin ko na lang. Sa tapat lang naman."
"Sure ka?"
"Oo. I needed to run anyway." Bulong ko pa. Wala akong ibang pinagkakaabalahan ngayon kundi ang mag-exercise at pumasok sa trabaho. Sa gabi, bago matulog ay tumatakbo pa ako ng mga ilang kilometro palayo sa condo – kailangan ko kasing mapagod, kailangan ko ring ilabas ang tensyong ito. Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan, o baka mas malala pa.
Iyon rin naman ang problema ko, si Belle, ang kama at ang pagkalalaki ko. Hindi siya handa at nangako akong maghihintay. Ayokong magpakagago, sabi nga ni Japet sa akin pwede ko naman raw kunin iyon sa iba, hindi ko gagawin iyon. Si Belle ang gusto ko, mahal ko siya at hindi ako gagawa ng mga bagay na makasasakit sa kanya. She's been through a lot. She needs to be happy. I want her to be happy.
"Eli, ice cream ha." Sabi ni Cindy. "Saka apple pie para kay Belle.""Wala akong sinabi." Wika pa ni Belle. "Eli, papadeliver na lang tayo kasi."
"No, it's okay." I smiled at her. Lumabas na ako ng condo. Santo ba ako? Paano nga kaya ako nakakatagal ng ganito? Jusko, puro kalyo na ang palad ko...
xxxx
Belle's
"Ang kulit mo naman. Sabi kong h'wag mong utusan si Elishua. Baka mahalaga iyong ginagawa niya!"
"Eh nagugutom ako. Nagtext naman ako kay Kuya Red sabi niya wait daw at nasa meeting siya sa Consunji Hotels. Eh gutom na ako paano kung mamaya pa matapos si Kuya Red di namatay na ako!" Inis na sagot niya sa akin. Inirapan ko lang si Cindy. Napapailing ako at napatingin sa upuan ni Eli sa may dining table. Palagi siyang maraming ginagawa. Ang kwento niya, napakarami raw talaga niyang trabaho sa office, pati raw kasi iyong bagong business nila ni Japet ay siya ang nag-aasikaso. Gusto ko nang awayin si Japet, palagi na lang siyang pagod, at stressed tapos sa gabi, nagjo-jogging pa siya, gusto ko siyang bawalan, ginawa ko naman kaya lang sabi niya iyon lang daw ang paraan niya para ma-release ang stress niya sa work.
Palagi siyang malungkot – well, hindi naman malungkot na malungkot – pagod nga kasi siya sa work pero kapag babantayan at lalaruin niya si Alonso, masaya siya, minsan ay naligo ako nadatnan ko silang dalawa sa bed, nakahiga si Alonso sa dibdib ni Eli at tulog na tulog. I stared at them for a long whole, took a picture of them and thanked God that Alonso and I found Eli. Sobrang swerte namin sa kanya.
"Palagi kasi siyang pagod." Sabi ko pa kay Cindy. "Stressed na stressed na siya."
"I know. Pero sab inga ni Ate Aswell, kulang sa sex si Kuya Eli, kaya i-sex mo na siya! Duh, sa tingin mo ba sasaktan at pupwersahin ka niya? Baka nga umimpit ka lang tumigil na siya. Duh? Sex na kayo!" Hinampas pa ako ng kapatid ko sa balikat. Nanlaki ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Sparks Fly
General FictionBelle Gertrude Escalona is the most rebellious among the Escalona sisters. She does what she want whenever she want to and doesn't really care about the consequences of her actions as long as her father forgives her. She is as carefree as the birds...