Challenge # 20

75.9K 3.4K 270
                                    

Precious Belle

Belle's

"Are you okay, Belle?"

Ilang beses ko nang naririnig kay Ate Sam ang mga salitang iyon. Hindi ko naman rin masagot dahil hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, kung okay baa ko o hindi. Naiinis ako sa sarili ko dahil alam ko na tama nga si Eli. Ang dali kong sumuko. Ang dali kong nagdesisyon para sa aming dalawa. Kanina lang ay iniisip ko na masaya kaming dalawa, another moment later, ayoko na siyang makasama dahil akala ko may batang involved. Masisisi niya baa ko? Habambuhay kong magiging insecurity na hindi si Eli ang nakauna sa akin, na hindi si Eli ang ama ng anak ko, na hindi si Eli ang nag-iisang lalaki sa buhay ko.

Habambuhay akong matatakot nab aka magsisisi si Eli sa naging desisyon niya, nab aka may makita siyang babaeng mas karapat – dapat sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat ng ito. Gusto ko rin naman siyang makasama. Gusto ko iyong inaalok niyang buhay sa akin pero hindi mawawala sa akin iyong takot.

"I don't know." I sighed. Hinahaplos – haplos ko ang tyan ko, Medyo malaki na talaga iyon tapos bilog na bilog pa. I sighed.


"Is this about Eli?" She playfully asked me.

"It is."

"Ahhh... the famous ipaglaban mo ako speech. Bakit nga ba hindi mo gawin?"

I started to feel heavy. I immediately wiped my tears. Ayokong umiyak talaga kaya lang naiiyak ako. Pakiramdam ko ito na ang ultimatum sa akin ni Eli. Paano ko siya ilalaban? Gusto ko naman siyang makasama. Ang pangit lang kasi buntis ako tapos iniisip ko siya. Gusto ko naman siya kaya lang ang dami – dami kong iniisip.

"Pakiramdam ko kasi hindi ako sapat." Mahinang wika ko.

"What's happening here, bakit hindi pa kayo pumasok sa loob?" Biglang lumabas si Mommy. Nasa porch kasi kami ni Ate Sam. "What's wrong, Belle?" Hinaplos – haplos ni Mommy ang buhok ko.

"I think you better talk to her, Mommy." Sabi ni Ate Sam. "Iiwanan ko na kayong dalawa. Goodnight, Belle." Wika ni Ate sa akin sabay haplos sa tyan ko. Naiwanan nga kami ni Mommy roon. Hindi naman ako nakapagsalita kasi nao-overwhelmed ako.

"You can tell me what's wrong." Sabi pa niya. I smiled. Naiiyak na talaga ako.

"Mom, mahal ko kasi si Eli..."

"Mahal ka naman niya. Ano bang problema ninyong dalawa?"

I sighed. "I fear that I will never be enough for him."

"And why is that?"

"Kasi..." Ang hirap – hirap sabihin nito – kahit tanggap ko na, hindi ko pa rin masabi nang malakas. "Kasi, Ma, na-rape ako. Marumi ako. Hindi ako karapat – dapat mahalin. Madalas nandidiri pa rin ako sa sarili ko. How can Eli love me? I'm not pure. Pinagpasahan na ako, Mommy. Kahit mahal niya ako, alam ko sa sarili kong may mas higit pa sa akin – mas maganda, mas malinis, mas karapat – dapat sa kanya. Kaya noong sinabi sa akin noong Jo na may anak silang dalawa, binigay ko kasi wala naman akong karapatang mag-demand kay Eli..." I sobbed. Paulit – ulit na hinahaplos ni Mommy ang buhok ko. Nang tingnan ko siya ay tahimik siyang lumuluha.

"Oh my, Belle..." Hinawakan niya nang mahigpit ang mga kamay ko. Ilang minutong tahimik na umiiyak lang si Mommy habang nakatitig sa akin. Paulit – ulit niyang pinapahid ang mga luha niya. Ulit – ulit rin siyang humihinga nang malalim. "My precious Belle."

"Mom, bakit po?"

She shook her head. "You know, Dad and I tried so hard to give you girls the life you all deserve. Kung pwede lang na gawin namin ni Daddy ang lahat para maging perfect ang lahat sa inyo, gagawin namin. But life has it's way of teaching us that we cannot protect all of you. Ate Sam got her heart broken, Ate Aurora left for a very long time and you, my precious Belle, ang sakit – sakit, anak na kailangan mong maranasan ang mga bagay na iyon. You don't deserve that, thus you don't need to think that you're not good enough for Eli, 'cause you are."

Sparks FlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon