Flower
Belle's
Kanina pa ako gising at nag-iisip kung babangon ba. Nagugutom kasi ako kaya lang nahagip ng mga mata ko na alas dos pa lang ng madaling – araw. Nakakahiya naman kung babangon ako ngayon para lang kumain kaya lang naiirita na ako, hindi ako makatulog. I twisted and turned around the bed trying to get comfortable. I turned again and I poked Cindy – ever since I moved here at Eli's condo, halos hindi na rin siya umuuwi. Nagagalit na si Dad sa kanya, pero sa akin, okay lang. Hindi naman kasi maghapon si Eli sa bahay. Kapag papasok si Cindy sa school, nagpupunta dito si Ninang Yella o kaya man ay si Mommy at Daddy, kapag walang pasok si Eli, dito lang kami sa bahay niya, ayoko kasing maglalabas.
"Cinderella..." Tinusok ko ng daliri iyong ilong niya. "Huy..."
"Hmmm!" She groaned. Galit siya. Hindi ko naman siya masisisi. Alas dos nga ng madaling araw.
"Huy, gumising ka diyan!" Niyugyog ko ang balikat niya pero wala talaga akong nahita. I sighed. Dahan-dahan akong bumangon at bumaba ng kama. Halata na ang umbok sa tyan ko pero ayoko pa rin dito. Inaamin kong nag-iisip pa rin akong ipalaglag ito kaya lang nahihiya ako kay Eli because he's been so good to me. Dalawang buwan na ang tyan ko, dalawang buwan nang matapos ang lagim na iyon pero sa oras na buhayin ko itong bata, habambuhay akong titingin sa lagim na iyon.
I went to the kitchen to look for something to eat. Gusto kong ngumuya. Hindi ko lang alam kung anong gusto ko.
Gusto ko ng malamig, pero ayoko ng tubig. What do I really want?
I looked over the living area, naroon kasi si Eli at tulog na tulog pa siya. Lumakad ako papunta sa kanya at lumuhod sa sahig. Tinitigan ko ang pagmumukha niya. I traced his nose line, kay tangos ng ilong, kay hahaba ng pilik mata pagkatapos ang pula ng labi niya. I have kissed him before and I know he has a soft pair of lips. Pinadapo ko roon ang daliri ko. I wished I can kiss him again.
"Sana... kamukha mo iyong baby, pero malabong mangyari iyon."
He stirred. Nagbuntong – hininga pa siya.
"Mommy..." Bulong ni Eli. "Ma..."Napangiti ako. Napapaniginipan niya siguro si Ninang. I admire him a lot. I sighed. Kumulo na naman ang tyan ko. Hindi na ako nakatiis.
"Eli..." Sinundot ko ang pisngi niya. "Eli..." Agad naman siyang nagmulat ng mga mata. Ilang minuto muna siyang tumitig sa akin pagkatapos ay bumangon. Naupo siya. Pupungas – pungas pa ako.
"Bakit gising ka pa? Masakit ba ang tyan mo?" Nag-aalalang tanong niya. Agad siyang tumayo. "Alex, turn the lights on." Nagliwanag agad ang living area. Kinuha agad ni Eli ang susi ng kotse niya. "Dadalhin kita sa ospital."
"Ayoko, Eli." Inalalayan niya akong tumayo. "Nagugutom ako. Gusto ko ng Mcdo." Mahinang wika ko. Napatitig siya sa akin. He yawned."Okay. Suot lang ako ng shorts ha. Awkward lumabas ng naka-boxers eh. Gisingin mo si Cindy."
"Ayaw. Tayo na lang."
"Sige. Wait." Umalis saglit si Eli. Pagbalik niya may suot na siyang hoodie na may nakalagay na NYU sa harapan. May dala pa siyang isa. Siya pa mismo ang nagsuot sa akin niyon. Inilagay niya ang hoodie sa ulo ko. "Ayan, para di ka mahamugan. Lakad na lang tayo, sa tapat lang naman iyong Mcdo." He, then took my hand. "Ano bang gusto ng baby?"
"Hindi ko alam. Something cold."
"Ice cream? Sundae?"
"Gusto ko iyong ice cream lang."
BINABASA MO ANG
Sparks Fly
Narrativa generaleBelle Gertrude Escalona is the most rebellious among the Escalona sisters. She does what she want whenever she want to and doesn't really care about the consequences of her actions as long as her father forgives her. She is as carefree as the birds...