Challenge # 17

74.4K 3.5K 769
                                    


Eli's

Alam kong kailangan kong kausapin si Uncle Jude – hindi dahil gustong puntahan ni Belle ang mga putang inang iyon kundi dahil kay Belle mismo. Gusto kong pormal na hingin sa kanya ang kamay ni Belle. Tuwing naiisip kong nakarating ako dito ay pinagdududahan ko pa rin ang sarili ko – tama nga iyong kasabihan na nakukuha mo ang bagay na hindi mo hiniling – ganoon kasi ang nangyari sa akin.


Before, I was sure that it's Joan that I wanted to be with. Convenient kasi siya. Hindi ko siya kababata, hindi siya kilala ng mga kababata ko – maliban kay Japet at sigurado akong hindi mabangis ang pamilyang pinaggalingan niya. Sa pamilya kasi namin, halos lahat, nagkagusto sa isa't isa. Iyong iba nagkakatuluyan, iyong iba – na tulad ko, sumemplang lang.


Si Kuya Narcing, kay Ate Blue.

Si Japet at si Aswell.

Si Red kay Aurora.

Ako, kay Violet, kay Aurora na rin, tapos ngayon kay Belle.

Hindi ko talaga inasahan ito.

Ilang beses kong sinubukan na sabihin kay Uncle ang nararamdaman ko, kaya lang sa tuwina ay parang palaging mainit ang ulo niya. Hindi ko naman siya masisisi, nasa kalagitnaan siya ng pagpapahirap sa limang gunggong na nanalbahe kay Belle. Ikatlong linggo na, pinag-uusapan nga namin ni Japet na isa – isa nang mamamatay ang mga iyon. Sobrang hirap na nila.

Si Jackson ay kinuha sa kulungan. Bago iyon, nagkapag-bail siya. Hinayaan nila Uncle Jude, nang kampante na si Jackson at nagbabalak mangibang – nasan ay kinuha siya nila Narcing at dinala sa warehouse na iyon. Sinamahan siya ang labing – apat na inmate na mga tauhan rin nila Daddy at Uncle Jude. Ang balita ko talaga, galit ang mga inmate sa mga taong nangagahasa, ang kwento sa akin ni Japet, napwitan na raw ng paulit – ulit si Jackson, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Malamang sising – sisi si Jackson ngayon.

Nabalitaan ko rin na hindi pala si Belle ang kaiisa – isang babaeng ginanoon nila. When Ate Blue ransack Jackson's apartment to make it look like he was kidnapped, she found a collection of different videos in which some girls were being fucked, sa ibang video, kasama pa si Jurie, may isang video na si Jurie, si Jackson, si Rey at si John. Mukhang ayos lang naman kay Jurie ang ganoong set up.

Blue also found Belle's original video. She destroyed it. Nagtagumpay rin si Avery na burahin ang kumalat na video ni Belle sa internet. At kung sinuman ang mag-reupload ulit nito, malalaman niya, padadalhan niya ng virus na makakasira sa laptop o mobile device ng mang-uupload. Ganoon kagaling ang pinsan ko, nga lang, mas gusto niyang nasa bahay lang.

Sa mga anak ni Ninong Axel, si Avery lang ang home schooled. Hindi ko alam kung anong trip niya – palagi siyang nabubully ni Reese dahil doon.

Si Sigrid, makailang ulit nang nagsabi na magsasalita na raw siya, kumbaga, babaliktad but it was too late. Ayaw nang makinig ni Uncle Judas, mas gusto niyang manood at makinig sa mga pagmamakaawa ng mga ito.

Hindi sila naawa sa anak ko, noon. Palagay ba nila maaawa ako sa kanila? Wala akong kaluluwa, matagal nang nakasanla sa demonyo.

Minsan ay narinig ko siyang kausap si Uncle Simoun sa round table. Galit na galit talaga siya at tila kahit sino ay walang makakapigil sa kanya. Marahil, sinasabi na ni Uncle Simoun na patayin na lang ang lima, pero parang ayaw pa ni Uncle Jude. Kulang pa kasi.

Nang araw na iyon ay pinapunta ako ni Daddy sa warehouse. Sila kasi ni Uncle Axel ang nakabantay roon ngayon. I brought food, pabaon ni Tita Bernice at ni Mommy. Nakita ko silang nakaupo sa loob ng control room, naroon din si Avery, siya ang nagbabantay sa mga camera.

Sparks FlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon