Leaving
Belle's
My sisters decided to take me out that day. Matagal na kaming hindi nakakalabas. Minsan lang kasi kami makumpleto dahil si Ate Sam ay palaging wala, si Ate Aurora naman ay busy sa ospital, tapos busy rin siya sa pagta-try nil ani Kuya Red na magkaroon ng baby. We went to the mall, all four of us and we decided to just eat out. Sa KFC lang kami kumain – doon kasi gusto ni Cindy at may tradisyon kami na kung saan niya gusto ay doon nga kami kakain.
We were all sitting facing each other, talking. I missed this. I miss all of them. Nagsisisi kasi talaga ako na hindi ko sinabi sa kanila ang nangyari sa akin noon, siguro mas madali ang lahat, siguro hindi ko palaging maiisip na mag-isa ako. But that's a thing in the past, ang mahalaga ay nandito na ako, medyo maayos na ako.
Nakikitawa na ako sa kanila. Si Ate Sam kasi, nagkukwento siya tungkol sa latest adventure niya noong nagpunta siya ng Singapore.
"Ay teka, Ate Sam, panay ikaw ang bangka." Kumana na naman si Cindy. "Si Ate Aurora naman, Ate, gabi – gabi kayong nagse-sex ni Kuya Red?"
Ate Aurora's faced reddened. Napahagikgik ako."Grabe ka! Bakit mo tinatanong iyan?"
"Masama ba? Ikaw lang naman ay may sex life dito. Siguro panay kayong nagse-sex ni Kuya Red sa gabi? Si Ate Sam kasi virgin pa iyan, si Belle naman na-ra..."They all stopped talking. I tried to smile.
"Na-rape ako." I whispered. "It's okay. Iyon naman talaga ang nangyari. Na-rape ako. At least, hinding – hindi ko makakalimutan ang first time ko." Napainom ako ng tubig. Cindy put her arm around my shoulders.
"Sorry..."
"Okay lang talaga. Kala mo, ganoon na lang iyon, ibibili mo ng stroller itong baby ko."
"Iyon lang pala! Ate Sam penge ng pera ha. Hindi naman kasi kasya ang allowance ko." Nagkatawanan na naman kaming apat. It is a perfect day. Matapos kumain ay nagpunta kami sa department store para maningin ng gamit ng baby. Iniisip kong ayain na si Eli para makabili na kami ng crib, wala pa kasing crib itong bata, hindi ko alam kung sino ang dapat isama ko, si Dad ba o si Eli, pero mas gusto ko si Eli.
Nitong mga nakaraang araw ay hindi kami masyadong nagkikitang dalawa. Busy kasi siya sa mga businesses niya, pero tuwing gabi ay dumarating siya sa bahay nang may dalang apple pie o kung anong pagkain na kakainin ko. Kung minsan si Cindy rin ay pinapasalubungan niya.
Masaya ako kapag nakikita ko siya. Feeling ko nga boyfriend ko na siya kasi palagi niya akong kini-kiss sa labi pero iyong kiss bata lang, hindi man lang niya ako ma-kiss tulad noong pinasok ko siya sa kwarto niya. But then, I realized that Eli was just trying to take care of me. Kahit naman ako ay hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kapag hinalikan niya ako ng may kasamang paghigop. Pwedeng magustuhan ko, pwedeng matakot ako. I'm not really sure, madalas ko pa rin kasing mapaniginipan ang mga nangyari sa akin nang gabing iyon.
Good thing, Tita Arruba is always face – timing me. I think it's her way of treating my anxiety. Psyche si Tita, alam niya ang gagawin. Maybe Dad called her or maybe mom. Hindi man kami formal na nasa table at couch, pero napapalagay ang kalooban ko tuwing nakakausap ko siya. She is a blessing. Kahit paano ay nababawasan na ang takot ko.
She told me to stick with people that makes me feel safe, and that is my family and Eli. Kasama talaga si Eli. Palagi ko siyang nami-miss. Sana nga umuwi na kami sa Condo niya. Isang beses palang kaming magkatabi natulog pero tandang – tanda ko iyong pakiramdam na safe ako. I wanna feel that again.
BINABASA MO ANG
Sparks Fly
General FictionBelle Gertrude Escalona is the most rebellious among the Escalona sisters. She does what she want whenever she want to and doesn't really care about the consequences of her actions as long as her father forgives her. She is as carefree as the birds...