Challenge # 19

74.1K 3.6K 427
                                    

The Sandovals

Eli's

What the fuck is happening? I kept asking myself that because I have no idea what the fuck is happening to my life right now. Belle stormed in her room, locked the door and she kept on telling me to go away. How can I go away? Hindi pwedeng ganito?! Muntik ko nang ikamatay ang pakikipag-usap sa tatay niya tapos sasabihin niya sa akin ayoko na? Hindi pwedeng ayaw niya na!

Kailangan niyang panagutan ang dignidad ko!


"Anong nangyari?" Nagtatakang tanong ni Sam pagdating niya sa may living area. Hindi pa rin kasi ako tumitigil na kumatok sa kanya. Rinig na ako sa buong kabahayan nila na pati si Dad – este Uncle Jude pala ay napaakyat sa living area mula sa Round Table Room. Tumabi na rin si Tita Arielle sa akin. Kinatok niya na rin si Belle at paulit – ulit tinatawag.

"Anak, anak, open the door, si Mommy ito. Anak! Belle!"

"People, people! Chill! Belle and I have connecting doors! Like duh? Do you live here?" Agad akong pumasok sa pinto ng silid ni Cindy pero bago ako nakatungo sa connecting door ay pinigilan ako ni Uncle Jude.


"Sorry po." Pinauna ko siyang pumasok. Nang ako na ang nasa loob ay parang nalaglag ang puso ko dahil nakita ko ang maleta ni Belle sa ibabaw ng kama niya habang iyak siya nang iyak.

"Dad, let me leave."

"Why?" I asked. "We were okay this morning, and last night and the night before, what the fuck change?!"

"Huy, h'wag kang magmuara, putang ina ka ha!" Binatukan ako ni Uncle Jude pero wala akong pakialam. Sana man lang makaramdam siya na kailangan naming mag-usap ni Belle. Gusto kong malaman kung bakit bigla na lang nagbago ang isipan niya.

"Belle, mag-usap tayo." Mariing wika ko sa kanya. Ni hindi siya makatingin sa akin. "Belle... Belle, ano ba?!" Hindi ko mapigilang tumaas ang boses ko. Uncle Jude raised his arms as if a sign of giving up. Lumabas siya. Belle still can't look at me. She was just crying.

"Leave..." Nanginginig ang boses niya habang sinasabi sa akin iyon. "Leave..."

"Hindi ako aalis, Belle. Mag-usap tayo. Akala mo ba madali lang iyong sinasabi mo sa aking umalis ako? Bakit ako aalis? Bakit ako aalis?"

"Ayaw mong umalis?" She wiped her tears. My brain is telling me that the feisty Belle is back. I can see it in her eyes. Galit ba siya? Stressed? Sad? She is sad... Why is she sad? "Ako na lang ang aalis!"

"Aalis ka?! O di sasama ako!" I told her. Nanlalaki ang mga mata ni Belle.

"Hindi ka pwedeng sumama sa akin!"

"Then stay!"

"You can't tell me what to do!" She yelled at me. "Aalis ako! H'wag kang sasama!"

"Guess what, Belle? You can't tell me what to do! Aalis ka, sasama ako! You stay, I stay. I will not let you go until we talk. Haa! Akala mo ganoon na lang iyon?!"

Napakamot ng ulo si Belle. She sobbed and then she bit her lip. Nagpatuloy siya sap ag-empake. Hindi talaga ako papayag. Huminga ako nang malalim pagkatapos ay lumapit sa kama niya. Lahat ng inilalagay niya sa maleta ay inilalabas ko at ibinabalik sa cabinet. Nakipagtitigan siya sa akin.


"Ano ba?!" Hinampas niya ang pinto ng cabinet niya. "Aalis nga ako!"

"Eh di aalis din ako! Kung saan ka nga pupunta, pupunta ako! Putang ina naman Belle, hindi mo ba maintindihan na hindi ko kayang wala ka?!" I spelled that out in her face. Gigil na gigil ako. Ano, ganoon – ganoon na lang iyon?! Jusko! I could've died talking to Uncle Judas earlier and maybe the least thing she could do for me is to treat me nicely. Iyon lang naman.

Sparks FlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon